Skip to document

7 Tekstong Prosidyural

Collective information of education courses!
Course

Secondary Education

999+ Documents
Students shared 1274 documents in this course
Academic year: 2018/2019
Uploaded by:
0followers
14Uploads
40upvotes

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Bucas Grande Foundation College Taruc, Socorro, Surigao del Norte

Tekstong Prosidyural

Tekstong prosidyural - ito ay nagbibigay ng panuto o direksiyon kung paano gawin ang isang bagay. Para sa mga mag-aaral, lagging ginagamit ang tekstong prosidyural sa mga gawaing pampaaralan.

Ano ang Tekstong Prosidyural

Ang tekstong prosidyural ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay. Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga direksiyon upang ligtas, mabilis, matagumpay at maayos na maisakatuparan ang mga gawain. May tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga hakbang na dapat sundin upang matagumpay.

Ginagamit ang tekstong prosidyural sa tatlong iba’t ibang pagkakataon

 Una ay sa pagpapaliwanag kung paano gumana ang isang kasangkapan.  Pangalawa ay pagsasabi ng hakbang kung paano gawin ang isang bagay.  Pangatlo ay paglalarawan kung paano makamit aang ninanais na kalagayan sa buhay.

Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong prosidyural

 Manwal sa paggamit ng isang kasangkapan  Resipi  Gabay sa paggawa ng proyekto  Mga eksperimentong siyentipiko  Mekaniks ng laro

Mga elemento ng Tekstong Prosidyural

Layunin- ito ay tumutukoy sa kalalabasan ng o bunga na dapat matamo pagkatapos magawa nang wasto ang lahat ng hakbang. Kagamitan- nakalista sa pinaka unang baahagi ng tekstong prosidyural ang mga kagamitan. Nakalista ang kagamitan ayon sa paagkakasunod-sunod ng paggamit sa mga ito. Nauna sa listahan ang mga unang gagamitin hanggang sa paanghuli. Mga hakbang - pinakamahalagang bahagi ng tekstong prosidyural. Sa bahaging ito nakalahad ang mga panuto kung paano gagawin ang buong proseso upang makamit ang layunin. Tulong larawan - ang paglalagay ng tulong na larawan aay nagsisilbing gabay sa mambabasa upang maging mas mabilis at masigurong wasto ang paagsunod sa isang hakbang.

Mga Paalala sa Pagsulat ng Tekstong Prosidyural Mahalagang matukoy sa simula kung sino ang target na mambabasa kaugnay ng uri ng tekstong isusulat. Kailangang tingnan ang wikang gagamitin upang makamit ang layunin. Isaalang- alang ang pagkakaiba-iba ng mga mambabasa ayon sa kanilang edad, propesyon, antas ng pamumuhay, at personalidad. Siguraduhing nakalahad ng wasto ang mga panuto. Ipaaliwanag nang mabuti ang panuto.

Was this document helpful?

7 Tekstong Prosidyural

Course: Secondary Education

999+ Documents
Students shared 1274 documents in this course
Was this document helpful?
Bucas Grande Foundation College
Taruc, Socorro, Surigao del Norte
Tekstong Prosidyural
Tekstong prosidyural- ito ay nagbibigay ng panuto o direksiyon kung paano gawin ang isang bagay. Para sa mga
mag-aaral, lagging ginagamit ang tekstong prosidyural sa mga gawaing pampaaralan.
Ano ang Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang ng isang
proseso sa paggawa ng isang bagay. Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga direksiyon upang ligtas, mabilis,
matagumpay at maayos na maisakatuparan ang mga gawain. May tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga
hakbang na dapat sundin upang matagumpay.
Ginagamit ang tekstong prosidyural sa tatlong iba’t ibang pagkakataon
Una ay sa pagpapaliwanag kung paano gumana ang isang kasangkapan.
Pangalawa ay pagsasabi ng hakbang kung paano gawin ang isang bagay.
Pangatlo ay paglalarawan kung paano makamit aang ninanais na kalagayan sa buhay.
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong prosidyural
Manwal sa paggamit ng isang kasangkapan
Resipi
Gabay sa paggawa ng proyekto
Mga eksperimentong siyentipiko
Mekaniks ng laro
Mga elemento ng Tekstong Prosidyural
Layunin- ito ay tumutukoy sa kalalabasan ng o bunga na dapat matamo pagkatapos magawa nang wasto ang
lahat ng hakbang.
Kagamitan- nakalista sa pinaka unang baahagi ng tekstong prosidyural ang mga kagamitan. Nakalista ang
kagamitan ayon sa paagkakasunod-sunod ng paggamit sa mga ito. Nauna sa listahan ang mga unang gagamitin
hanggang sa paanghuli.
Mga hakbang- pinakamahalagang bahagi ng tekstong prosidyural. Sa bahaging ito nakalahad ang mga panuto
kung paano gagawin ang buong proseso upang makamit ang layunin.
Tulong larawan- ang paglalagay ng tulong na larawan aay nagsisilbing gabay sa mambabasa upang maging mas
mabilis at masigurong wasto ang paagsunod sa isang hakbang.
Mga Paalala sa Pagsulat ng Tekstong Prosidyural
Mahalagang matukoy sa simula kung sino ang target na mambabasa kaugnay ng uri ng tekstong isusulat.
Kailangang tingnan ang wikang gagamitin upang makamit ang layunin. Isaalang- alang ang pagkakaiba-iba ng
mga mambabasa ayon sa kanilang edad, propesyon, antas ng pamumuhay, at personalidad. Siguraduhing
nakalahad ng wasto ang mga panuto. Ipaaliwanag nang mabuti ang panuto.