- Information
- AI Chat
Was this document helpful?
Si Mabuti Short Story by Genova Edrosa Matute
Course: Asean Literature
466 Documents
Students shared 466 documents in this course
University: Batangas State University
Was this document helpful?
Si Mabuti
Ni
Genoveva Edroza-Matute
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga
lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang,
doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero.
Naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng
karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay.
Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya
at ako'y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo. at sa kanyang buhay.
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng
pansin. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa
paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya'y tinatawag naming
lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng
kanyang pagsasalita. Iyon ang mga pumalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan,
at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin.
Sa isang paraang alirip, iyon ay nagiging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay. "Mabuti,"
ang sasabihin niya, "ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo sa
bahaging ito. Mabuti, Mabuti!" Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di
lamang nahuli niya akong lumuluha nang hapong iyon, iniluha ng bata kong puso ang
pambata ring suliranin.
Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa
pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong
sulok ng silid-aklatan,pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako
natagpuan. "Mabuti't may tao pala rito," wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa
narinig. "Tila may suliranin, mabuti sana kung makakatulong ako." Ibig kong tumakas sa
kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan, ay ibinilang kong kahihiyan
at kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng
hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na
napaupong bigla sa katapat na luklukan. "Hindi ko alam na may tao rito . . . naparito ako
upang umiyak din." Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig.
Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang