Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Fildis- Aralin-2.Batayang Kaalaman sa Pananaliksik

n/a
Course

BS Accountancy (ACC 102)

999+ Documents
Students shared 1503 documents in this course
Academic year: 2020/2021
Uploaded by:

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

####### Pangunahing Ideya ng Aralin

Sa bahaging ito ng modyul matatalakay ang kahulugan, kahalagahan, uri at tungkulin ng mananaliksik nga ba adik ang akdemikong tao sa riserts, puro riserts, yaan ang ibibigay mo sa mga tao riserts? Nilalaman ng modyul na ito kung gaano kahalaga ang pananaliksik sa bawat isa. Bakit kailangang manaliksik? Ang buhay sa akademyaay umiikot sa pananaliksik. Lahat ng itinuturo sa loob ng klasrum ay nakabatay o nakasalig sa pananaliksik. Ibig sabihin, umiikot sa produksyon ng kaalaman ang natatanging layunin ng akdemya.

Inihanda ni: AIRA G. CANTORNE E-mail Address: aira@clsu.edu

Central Luzon State University Lungsod Agham ng Muñoz 3120 Nueva Ecija, Pilipinas

Kagamitang Pampagtuturo sa Kursong FILDIS 1110 – FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Modyul 1

Aralin 2: Rebyu sa mga Batayang Kaalaman sa

Pananaliksik

####### I. LAYUNIN

Matapos ang modyul na ito, ang mga inaasahang: 1. Natutukoy ang kahulugan, uri, at katangian ng pananaliksik. 2. Naiisa-isa ang mga tungkulin ng mananaliksik.

####### II. Pagtalakay sa Aralin ( Discussion )

Panimulang Gawain

Narito ang isang pagpupulong kung saan nabigyang-diin ang pananaliksik. Panoorin ito at ilahad sa klase ang argumentong nais mong ipagtanggol sa eksenang ito. Sumasang-ayon ka ba sa tagapagsalitang ginang o hindi, ipaliwanag sa limang pangungusap ang sagot. youtube/watch?v=7PYpkwLRK6U

Ikaw, anong kwento mo? Sige, ibahagi ang iyong sagot sa ating google classroom kung paano ito nakatulong sa iyo. Hintayin ang ibibigay naquiz assignment ng guro at doon ito ipasa sa pamamagitan ng msword o pdf.

Itinuturing ang pananaliksik na isa sa pinakamahalagang disiplina sa edukasyon na maaaring maging sandigan sa pagpapaunlad ng isang bansang naghihikahos na may kaugnayan sa problema sa pananalapi, politika, kalakalan, pangkapayapaan, pangkabuhayan, gayundin sa wika, kultura, panitikan at iba pang mga disiplina. Ito ay makatutulong nang malaki sa paghahanap ng tumpak at wastong katugunan na walang pag- aalinlangan na bunga ng matapat na pananaliksik sa iba’t ibang mga paksa o suliranin.

Dapat na matutunan ng mga guro, estudyante at mananaliksik ang mga proseso ng pananaliksik. Sa panahon ngayon marami ng mga bagay na dapat na pagtuunan ng pansin upang bigyan ng isang pag-aaral lalo pa at patuloy ang pag-unlad ng kaalaman di lamang ng mga guro, estudyante at maging ang lahat ng tao sapagkat marami ng mga teknolohiyang naiimbento na ginagamit na at pinagkukuhanan ng mga kaalaman at mga impormasyon.

Maraming mga pamamaraan upang makakuha ng mga impormasyon dahil sa dami ng mga umiiral ngayon na mga babasahin, internet at iba pa. Maaaring komunsulta sa mga dalubhasa o eksperto. Magsuri ng mga aklat at mga artikulo, magtanong-tanong o magmasid sa paligid, sa mga kasamahan na may ibang karanasan sa larang na ito.

Lahat ng mga mungkahing pamamaraan ay posibleng matagumpay subalit di lahat ng mga kasagutan ay palagiang mapagkakatiwalaan, sapagkat may mga pagkakataon na maaaring magkamali ang mga pinagbuhatan ng mga dokumentasyon sa dahilang hindi ito bunga ng isang tahasang pag-aaral. Kaya sa kabanatang ito ay bibigyang pansin ang mga

ng kaalaman ay isang pamamaraan kung tutuusin. Subalit bukod ditto, maraming metodo sa pananaliksik tulad ng interbyu, sarbey, analisis ng diskurso, eksperimentasyon, at iba pa na maaaring gamitin ng isang mananaliksik. Nakabatay ang angkop na metodo sa tanong o problemang ilalatag ng mananaliksik.

4. May Layunin at Gamit Kailangang isipin na ang lahat ng pagsisikap ng isang mananaliksik— estudyante, guro, iskolar, siyentista—ay dapat nakalaan para sa kapakanan ng bayan at ng kaniyang kapwa. Walang pananaliksik na para sa sarili lamang. Kailangang makatulong sa produksyon ng kaalaman, makatuklas ng lunas sa sakit, makapagpaangat ng kabuhayan ng mga tao, maisulong ang kapakanan ng kababaihan, kabataan at mahihirap para sa ikauunlad ng bayan. Magandang isipin na kahit ang tesis ng isang estudyante ay may malaking pakinabang para sa iba.

Isang bisa ng pananaliksik na gagawin ay maisulat ito sa Filipino dahil higit na nakararaming tao ang makauunawa at makikilahok para sa paglago ng ating intelektwal na tradisyon—ang talastasan ng mamamayan bunga ng pag-aaral mula sa akademya.

Katangian ng Pananaliksik

Nagtataglay ang pananaliksik ng mga katangiang higit pa sa makakapagpaunawa at makapagpapaliwanag sa kosepto nito. Ito ay ang sumusunod na binigyang kahulugan ni Kerlinger (1973).

  1. Sistematiko. Sistematiko ito kapag sumusunod sa mga tuntunin sa simula pa lamang ng pananaliksik ng pang-alam o pagtukoy sa problema o may wastong pagkakasunod-sunod.

  2. Kontrolado. Ito’y di gawang biro sapagkat bawat hakbang sa pananaliksik ay pinaplano at maiging pinag-iisipan na nagdaraan sa maka-agham na proseso.

  3. Empirikal. Nakahanda ang lahat ng mga datos pati ang mga ebidensiya para patunayan o mapasinungalingan ang nabuong haypotesis.

  4. Pagsusuri. Ito ay mabusising pag-aaral ng mga datos na kwalitatibo at kwantitatibo. Dito nagkakaroon ng kritikal na proseso sa mga dokumentong nakalap na maging batayan sa kongklusyon. a. Kwalitatibo ang datos kapag ang pagsusuri ay tumatalakay sa malinaw at tiyakang pagbibigay ng mga kuro-kuro o interpretasyon. b. Kwantitatibo naman ang datos kapag ang binibigyang pansin ay ang pagkalkula ng mga bilang na ginagamit.

  5. Lohikal, Obhetibo at Walang Pinapanigan. Anumang resulta ng isinasagawang pag-aaral ay di gawa-gawa lamang ng mananaliksik bagkus pinatutunayan ito sa pamamagitan ng mga sapat na batayang kinalap sa mga datos. Ito ay hindi galling sa sariling opinion ng mga mananaliksik.

  6. Ginagamitan ng Haypotesis. Tumutukoy sa tiyak na paglalahad ng suliranin o problema sa isinasagawang pananaliksik o pag-aaral at may mga pananaliksik na hindi kinakailangang gamitan ng haypotesis o paunang palagay.

Matapos na lubusang pagkilala sa kahulugan at katangian ng pananaliksik ay dumako naman tayo sa iba’t ibang uri ng pananaliksik batay sa pakay, batay sa proseso, at batay sa saklaw ng larangan.

####### Uri ng Pananaliksik Batay sa Pakay: Pag-usisa vs. Pakinabang

Ang lahat ng larangan ng kaalaman ay may dalawang dibisyon hinggil sa pagsasagawa ng pananaliksik. Ito ay ang pangunahing pananaliksik at praktikal na pananaliksik. Ano ang pagkakaiba ng mga ito?

1. Pangunahing Pananaliksik (Basic Research) Umiikot ito sa mausisang pagtatanong ng mga mananaliksik tungkol sa isang posibleng ideya; penomenon na mahirap ipaliwanag; suliraning nararanasan sa lipunan, pagkatao at kalikasan; at iba pang maaaring masagot o di kaya’y mauunawaan lamang kapag natapos na ang pananaliksik. May mga ilang tanong na wala talagang tiyak na kasagutan sa kasalukuyan.

2. Praktikal na Pananaliksik (Applied Research) Umiikot ito sa hangaring matugunan at masolusyunan ang isang pratikal na suliranin sa lipunan. Isinasagawa ito dahil sa direkta nitong kapakinabangan. Halimbawa: a. Paano mas matututo ang mga kabataan sa loob ng bahay? b. Ano ang paraan ng pagpapataas ng presyo ng palay? c. Ano-ano ang mga hakbang upang higit na matugunan ang pandemya?

####### Uri ng Pananaliksik Batay sa Proseso

1. Paglalarawan (Descriptive) Isang pananaliksik na naktutok sa pagpapakilala ng pangyayari o nangyari: kung paano, kalian at bakit nagsimula. Inuusisa nito ang pinagmulan o kasaysayan ng isang bagay o penomenon sa pamamagitan ng masusi at mabusising pangangalap ng datos o impormasyon. Inilalarawan nito nang buo ang kwento, diskurso at penomenon ayon sa pananaw at karanasan ng impormasyon o kalahok sa pananaliksik. Halimbawa ng mga paksa: a. Ang Pagtaas ng Bilang ng Kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Nueva Ecija b. Palay at Magsasaka: Kalagayan ng Agrikultura sa bayan ng Sto. Domingo

6. Explanatory Layunin ng pananaliksik na ito na ipaliwanag ang sanhi at bunga o mga varyavol na sangkot sa pagsusuri ng penomenon. Hindi lamang ito simpleng paglalahad ng datos kundi pagpapaliwanag o pagsusuri sa penomenong pinag- aaralan. Halimbawa ng mga paksa: a. Ang Epekto ng Cramming sa Uugali, Pag-iisip, at Kalusugan ng mga Estudyante b. Ang Pagsipat sa Sinkroniko at Asinkronikong Moda ng Pagtuturo sa Panahon ng Pandemya

7. Evaluative Pananaliksik ito na ginagawa upang matukoy kung ang isang pananaliksik, proyekto, programa, o polisiya ay naging epektibo o matagumpayan sa pagsasakatuparan nito. Tinatawag din itong impact study. Halimbawa ng mga paksa: a. Pagtataya sa Implementasyon ng MTB-MLE: Tugon sa Pagpapaunlad ng Kto Kurikulum b. Ebalwasyon ng Pagpapatupad ng Asinkronikong Moda sa Pag-aaral ng mga Estudyante ng Cental Luzon State University

8. Action Research Ang pananaliksik na ito ay kadalasang ginagawa ng mga guro. Layunin ng pananaliksik na ito na masolusyunan ang problemang kinahaharap sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Halimbawa ng mga paksa: a. Talaturuan: Paggamit ng Talasalitaan sa Pagpapalwak ng Bokabyularyo ng mga Mag-aaral b. Seating Arrangement bilang Tugon sa Aktibong Pakikilahok ng mga Mag-aaral

9. Correlational Research Isang pananaliksik na malalim ang iba’t ibang varyavol na magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na populasyon. Halimbawa ng mga paksa: a. Ugnayan ng Paggamit ng Unang Wika sa Aktibong Pagganap ng mga Mag- aaral sa K to 3 b. Sinkroniko vs. Asinkroniko: Tugon sa Pagpapaunlad ng Akademik Perpormans ng mga Mag-aaral

10. Quasi-experimental Pinagsamang eksperimental at ebalwasyon na pag-aaral. Gamit ang eksperimental at kontroladong grupo ay paghahambingin ito sa pamamagitan ng pagtataya tulad ng pre-test at post-test. Halimbawa ng mga paksa: a. Lakbay-wika: Pagbuo at Balidasyon ng Sariling Linangan Kit (SLK) sa Filipino 9 b. Video Materials: Kagamitang Pampagtuturo ng Panitikan

11. Pananaliksik at Pag-unlad (Research and Development / R&D) Isa itong malikhaing gawain na buhat sa masistemang pamantayan upang maragdagan ang dating kaalaman, kabilang ang dating kaalaman ng tao, kultura at lipunan at ang gamit ng kaalamang ito upang makaliha ng panibagong aplikasyon. Pokus nito ang pagbuo at pagdebelop ng mga kagamitan na mapakikinabangan sa hinaharap at eksperimental na pamamaraan upang makabuo at makapagpabalido ng binuong produkto. Halimbawa ng mga paksa: a. E-BAKADA: Interaktibong Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino bilang Ikalawang Wika ng mga Dayuhang Mag-aaral b. Pagbuo at Balidasyon ng Glosaryong Pangsosyal ng mga Katutubong Mahawang

####### Uri ng Pananaliksik Batay sa Saklaw ng mga Larangan

1. Disiplinari Nakatuon ito sa isang larangan batay sa espesyalisasyon ng mananaliksik. Ang bawat larangan ay may kani-kaniyang kalipunan ng kaalaman, metodo at mga teorya, at konseptong tinatalakay at pinag-aaralan sa loob ng isang larangan. Halimbawa: a. Ang mga Bayaning Mandirigma ng Bayan ng Llanera sa Panahon ng Himagsikan (larangan: Kasaysayan)

2. Multidisiplinari Ito ang tawag kapag higit sa isang mananaliksik ang kabilang sa pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay mula sa magkakaibang larangan at nakatuon para sa pag-aaralan ang isang paksa. Halimbawa: a. Ang Kapangyarihan ng Kababaihan sa Mundo ng Negosyo (pag-aaralan mula sa pananaw ng sikolohista, sosyolohista, historyador, ekonomista, at political scientist)

III. PAGATATAYA

(hintayin ang link o ang google forms na ipapadala sa inyo ng inyong guro para sa maikling pagsusulit)

IV. SANGGUNIAN

Almario, V., Labor, K., Hinampas, L., Agcaoili, E. 2016. Introduksyon sa Saliksik. Metro Manila: Komisyon sa Wikang FIlipino

Angeles, C., Fabrigas, N., Tuazon, MN., Villanueva, J., Angeles, J., Tangonan, J., Vera Cruz., BJ., Babasoro, P. 2011. Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Nuncio, E., Nuncio, R., Gragasin, J., Valenzuela, R., Malabuyoc, V. 2015. Makabuluhang Filipino sa iba’t ibang pagkakataon. Quezon City: C & E Publishing, Inc.

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Fildis- Aralin-2.Batayang Kaalaman sa Pananaliksik

Course: BS Accountancy (ACC 102)

999+ Documents
Students shared 1503 documents in this course
Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 10 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
Pangunahing Ideya ng Aralin
Sa bahaging ito ng modyul matatalakay ang kahulugan, kahalagahan, uri at
tungkulin ng mananaliksik.Bakit nga ba adik ang akdemikong tao sa riserts, puro
riserts, yaan ang ibibigay mo sa mga tao riserts? Nilalaman ng modyul na ito kung
gaano kahalaga ang pananaliksik sa bawat isa. Bakit kailangang manaliksik? Ang
buhay sa akademyaay umiikot sa pananaliksik. Lahat ng itinuturo sa loob ng klasrum
ay nakabatay o nakasalig sa pananaliksik. Ibig sabihin, umiikot sa produksyon ng
kaalaman ang natatanging layunin ng akdemya.
Inihanda ni: AIRA G. CANTORNE
E-mail Address: aira.cantorne@clsu.edu.ph
Central Luzon State University
Lungsod Agham ng Muñoz 3120
Nueva Ecija, Pilipinas
Kagamitang Pampagtuturo sa Kursong
FILDIS 1110 FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA
Modyul 1
Aralin 2: Rebyu sa mga Batayang Kaalaman sa
Pananaliksik
I. LAYUNIN
Matapos ang modyul na ito, ang mga inaasahang:
1.
Natutukoy ang kahulugan, uri, at katangian ng pananaliksik.
2.
Naiisa-isa ang mga tungkulin ng mananaliksik.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.