Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Katangiang Pisikal ng Asya

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring mag...
Course

social science (psyc 102)

236 Documents
Students shared 236 documents in this course
Academic year: 2021/2022
Uploaded by:
0followers
0Uploads
3upvotes

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Araling Panlipunan

Unang Markahan - Modyul 1:

Katangiang Pisikal ng Asya

7

Araling Panlipunan – Baitang Pito Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Asya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telephone Number: (02) 6314070 E-mail Address: mimaropa@deped.gov

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Myra A. Abique Editor: Rosario G. Caluya Tagasuri: Pedro J. Dandal Jr., Margielyn E. Tomanggong, Nora A. Nangit Tagaguhit: Teodorico A. Cabildo, Sergio M. Tupaz, Eric M. Montemar Tagalapat: Esperidion D. Soleta Jr. Tagapamahala: Benjamin D. Paragas Mariflor B. Musa Melbert S. Broqueza Danilo C. Padilla Freddie Rey R. Ramirez Aurelia B. Marquez Rodgie S. Demalinao Pedro J. Dandal Jr.

ii

####### Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Katangiang Pisikal ng Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Katangiang Pisikal ng Asya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

####### Alamin

PANIMULA

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito ay binubuo ng iba’t ibang rehiyon na nagtataglay ng mga likas na yaman na bunsod ng pagkakaroon ng iba’t ibang katangiang pisikal nito.

Kamangha-mangha ang mga lugar na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng mundo, lalo’t higit sa kontinente ng Asya. Halimbawa na lang ang El Nido at Coron ng Palawan na nasa Pilipinas, na kamakailan lamang ay itinanghal bilang isa sa pinakamagandang pasyalan sa buong mundo, Phuket ng Thailand, at marami pang iba. Nalaman mo na ba kung gaano kalawak ang sakop na kalupaan, mga taglay nitong likas na yaman at kapal ng taong naninirahan dito? Handa ka na bang malaman ang lahat ng ito? Halina at ating alamin kung paanong ang ugnayan ng tao at ng kanyang kapaligiran ay siyang nagbigay daan sa paghubog at pag-unlad ng Kabihasnang Asyano.

Sa yunit na ito ay iyong matutuklasan ang konsepto ng paghahating heograpiko ng Asya. Handa ka na bang malaman ang mga kasagutan sa mga tanong na ito? Kung handa ka na, tara na, tayo ng maglakbay sa ating kontinente at ating suriin ang mga katangi-tanging bagay tungkol sa heograpiya at kultura ng mga taong naninirahan dito.

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit

Aralin 1 – Konsepto ng paghahating heograpiko ng Asya

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod: 1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Heograpiya; 2. Naitatala ang mga saklaw ng pag-aaral ng Heograpiya; 3. Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, at Hilagang Asya; 4. Naiisa-isa ang mga bansang kabilang sa bawat rehiyon sa Asya.

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagkatuto Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko (AP7HAS-Ia-1)

####### Subukin

Paunang Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng Heograpiya? A. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. B. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng wika at kultura ng isang pamayanan. C. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at alokasyon ng likas na yaman. D. Ang heograpiya ay pag-aaral sa pinagmulan ng tao.

  2. Ilang kontinente ang bumubuo sa daigdig? A. 5 B. 6 C. 7 D. 8

  3. Aling rehiyon sa Asya napapabilang ang bansang Pilipinas? A. Timog asya B. Silangang Asya C. Timog Silangang Asya D. Hilagang Asya

  4. Kung ikaw ay nakatira sa bansang pinagmulan ng mga K-pop songs at Korean drama, aling bansa at rehiyon ka sa Asya napapabilang? A. India sa Timog Asya B. Thailand sa Timog Silangang Asya C. South Korea sa Silangang Asya D. Qatar sa Kanlurang Asya

  5. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon na nabuo batay sa pisikal, historikal at kultural na aspekto. Kung pagsasama-samahin ang mga bansa, alin ang mga bansang napapaloob sa iisang rehiyon? A. United Arab Emirates, Qatar at Iran B. North Korea, Nepal at Singapore C. Myanmar, Turkmenistan at Taiwan D. China, Indonesia at Uzbekistan

Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang-unang kaalaman, kakayahan at pang-unawa tungkol sa heograpiya ng Asya na kinapapalooban ng mga pisikal na katangian at likas na yaman nito.

  1. Alin sa sumusunod na bansa ang kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Asya? A. China B. Kuwait C. Uzbekistan D. Thailand

  2. Saang rehiyon napapabilang ang bansang Vietnam? A. Kanlurang Asya B. Hilagang Asya C. Timog Asya D. Timog-Silangang Asya

  3. Alin sa sumusunod na bansa ang bumubuo sa rehiyon ng Timog Asya? A. Oman, Yemen at Israel B. China, Japan at Taiwan C. Tajikistan, Azerbaijan at Georgia D. Nepal, Bhutan at Afghanistan

Ilang puntos ang nakuha mo sa iyong unang pagtataya? Huwag kang mag-alala dahil ang lahat ng mga katanungan na ito ay iyong masasagot kapag natapos mo ang modyul para sa unang markahan. Halika na at simulan mo na ang iyong paglalakbay!

####### Aralin

1

Katangiang Pisikal ng Asya

Kumusta ka? Ngayon ay magsisimula na ang iyong paglalakbay para matutunan ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng Asya. Halika na at tayo ay magsimula!

####### Balikan

Gawain: Saan kita matatagpuan?

Panuto: Tukuyin kung saang lugar matatagpuan ang sumusunod na magagandang tanawin. Piliin ang iyong sagot sa kahon na nasa ibaba.

1.________________________________________________________________ 2.________________________________________________________________

3.________________________________________________________________ 4.________________________________________________________________

Thailand Philippines

Malaysia Maldives

Larawang Kuha ni: Dandal, Pedro Jr.

Mga Larawang Kuha nina: Dandal, Pedrol Jr. (Kaliwa) at Parangue, Emil (Kanan)

A__Y__N__ L__P__

K__I__A A__ P__N__H__N

Ngayong natapos mo na ang gawain, maaari mo nang itala sa graphic organizer ang mga salitang iyong nabuo mula sa gawain na may kaugnayan sa saklaw ng pag-aaral ng heograpiya.

Gawain: Subukan mo akong buoin!

Sa gawaing ito ay susubukan mong makabuo ng isang salita sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga letra. Ang mga salitang iyong mabubuo ay may kaugnayan sa konsepto ng Heograpiya. Handa ka na bang simulan ang gawain?

Matapos mong mabuo ang mga salita na may kaugnayan sa heograpiya, ngayon subukan mong makabuo ng kahulugan ng konsepto ng Heograpiya gamit ang mga salitang iyong nabuo mula sa gawain 2.

Gawain: Dugtungan mo ako!

ISKLAIP

ATKINGANA
LAAAGPRA

####### DDIIGGA

####### OMUDN

Ang heograpiya ay

Mahusay! Nalampasan mo ang iyong unang pagsubok. Mas higit nating pagyayamanin ang iyong kaalaman sa mga susunod na gawain.

Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia), Mongolia at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o inner Asia. Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya, at Europe. Dito naka latag ang mga bansang arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, Israel, Cyprus, at Turkey.

Bahagi naman ng Timog Asya ang India; Mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan, at Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives. Ang Timog Silangang Asya ay minsang binansagang Father India at Little China dahil sa mga impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito. Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang sub regions; ang mainland Southeast Asia (Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor). Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North, Korea, at Taiwan.

Ph. Grace Estella C., et al., Asya: Pagusbong ng kabihasnan, Vibal Publishing House, Quezon City, Philippines 2008. (pp. 3-9). De Leon, Zenaida M., et al., ASYA: Tungo sa Pagunlad, Makabayan Serye, Vibal Publishing House, Quezon City, Philippines 2003. (pp. 4-6).

Bilang karagdagan sa iyong impormasyon, makikita mo ang talahanayan sa ibaba na nagpapakita ng kabuuang sukat ng mga kontinente sa daigdig. Ang impormasyon ay hango sa Information Please Almanac sa factoid.

Kontinente

Kabuoang Sukat ( Kilometro Kuwadrado )

  1. Asya 44, 486, 104
  2. Africa 30, 269, 817
  3. North America 24, 210,
  4. South America 17, 820, 852
  5. Antarctica 13, 209, 060
  6. Europa 10, 530, 789
  7. Australia 7, 862, 336 Kabuuan 143, 389, 336

Marami ka bang natutunan sa iyong binasa? Sa susunod na gawain ay pagyayamanin mo ang iyong kaisipan sa mga kaalamang nakuha sa tekstong iyong binasa.

Pamprosesong tanong:

  1. Ano ang pinakamalaking kontinente sa ating daigdig?
  2. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Asya? Ano-ano ang rehiyong ito?
  3. Paano hinati ang Asya sa iba’t ibang rehiyon? Ano-ano ang mga batayang isinaalang-alang sa paghahating ito?
  4. Kung ikaw ay nakatira sa bansang Pilipinas sa kasalukuyan, sa anong rehiyon ka napapabilang?

Sa iyong nabasang teksto ay natutunan mo ang paghahati ng Asya sa iba’t ibang rehiyon at ang mga batayan nito. Higit nating pagyayamanin ang iyong kaalaman sa mga bansang kabilang sa iba’t ibang rehiyon sa susunod na gawain.

5% 7%

9%

12%

20% 16%

31%

####### KALUPAANG SAKOP NG MGA KONTINENTE SA

####### MUNDO

Australia Europe Antarctica South America North America Africa Asya

Gawain: Mapa-Tingin!

Alam mo bang ang kontinente ng Asya ay binubuo ng limang rehiyon. Ang bawat rehiyon ay nagtataglay ng iba’t ibang katangiang pisikal na nagbubunsod sa pagkakaroon ng iba’t ibang yamang taglay. Nais mo bang malaman ang mga bansang bumubuo sa bawat rehiyon sa Asya? Sa pamamagitan ng pagtingin sa mapa at pananda na nasa ibaba, maaari mong isulat sa ibabang bahagi ang mga bansang napapaloob sa bawat rehiyon. Tara na at maglakbay!

Pananda:

Hilagang Asya Timog Asya Timog Silangang Asya

Silangang Asya Kanlurang Asya

MGA BANSA SA HILAGANG ASYA MGA BANSA SA SILANGANG ASYA 1.____________________________ 2.____________________________ 3.____________________________ 4.____________________________ 5.____________________________

1._____________________________ 2._____________________________ 3._____________________________ 4._____________________________ 5._____________________________

MGA BANSA SA TIMOG ASYA MGA BANSA SA KANLURANG ASYA 1.____________________________ 2.____________________________ 3.____________________________ 4.____________________________ 5.____________________________

1._____________________________ 2._____________________________ 3._____________________________ 4._____________________________ 5._____________________________

MGA BANSA SA TIMOG SILANGANG ASYA 1.____________________________ 2.____________________________ 3.____________________________ 4.____________________________ 5.____________________________

Gawain: Kaya Ko To!

Panuto: Tukuyin mo kung saang rehiyon napapaloob ang sumusunod na bansa. Isulat ang HA para sa Hilagang Asya, SA sa Silangang Asya, TSA sa Timog Silangang Asya, KA sa Kanlurang Asya at TA para sa Timog Asya. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

__________1. Kazakhstan ___________6. Maldives

__________2. India ___________7. Japan

__________3. Saudi Arabia ___________8. Thailand

__________4. Vietnam ___________9. Lebanon

__________5. China ___________10. Tajikistan

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Katangiang Pisikal ng Asya

Course: social science (psyc 102)

236 Documents
Students shared 236 documents in this course
Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 31 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 1:
Katangiang Pisikal ng Asya
7

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.