Skip to document

Baryasyon ng Wika

Baryasyon ng Wika
Course

Medical Technology (CC 101)

33 Documents
Students shared 33 documents in this course
Academic year: 2020/2021
Uploaded by:
0followers
3Uploads
51upvotes

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Varyasyon ng Wika

Ang dayalekto ay wika ng tao noong natutong magsalita, Ito ang wikang ginagamit sa tahanan ng isang pamilya, ang wikang ginagamit sa limitadong pook o pamayanan.

Ang dayalekto ay varyasyon ng wika. Sa dayalekto nakikita na may pagkakaiba ang salita, ang bigkas, ang tunog at sa tono o intonasyon, pagbuo ng pangungusap. Maaaring mali ang istruktura at iba ang mga salita ngunit ang mga gumagamit ay magkakaintindihan at magkakaunawaan. Mga halimbawa nito sa mga lalawigan ng katagalugan gaya ng Bulakan, Batangas, Bataan, Kabite, Laguna, Quezon at Rizal.

Samantala ang wika ay may higit na malawak ang nasasakupan at higit na marami ang mga gumagamit. Ang wika gaya ng Filipino at Ingles ay higit na maunlad dahil sa may ma-agham na pag-aaral sa wika, may sariling tuntunin sa istruktura sa grammar at sintaksis.

Sa larangan ng linggwistika pantay-pantay lahat ng wika, walang inperyor o superyor na wika. Wika man o dayalekto, malayang nakapagpapahayag ng kaisipan o saloobin.

  1. Nagkakaroon ng pagbabago ang wika batay sa ibat ibang sitwasyon gaya ng pook, antas ng buhay, propesyon o pinagaralan at lipunang ginagalawan o kinabibilangan. a. Istandard na Dayalekto - Ang wikang ginagamit ay katanggap-tanggap sa lahat ng antas ng lipunan sa mga pormal na usapan, sa paaralan, unibersidad, pamamahayag o broadcast o ng anumang pagpupulong. b. Idyolek - Nagpapakilala ng kakayahan ng nagsasalita bunga ng kaalaman, karanasan o pag-aaral, paraan ng pagsasalita o uri ng wikang ginamit, timbre ng boses o kwaliti ng boses o paboritong ekspresyon ng nagsasalita. Halimbawa: ano, alright, okay, actually, by the way, as a matter of fact. Maaring makilala ang nagsasalita kung si Pangulong Ramos, Pangulong Estrada o Pangulong Arroyo, ayon sa tono o timbre ng boses.

c. Dayalektong Pampook - ang mga salita ay nagkakaiba iba dahil sa pook na pinagmulan. Halimbawa: Batangas Bulakan Mabanas mainit Malibag marumi Amargoso amplaya d. Dayalektong Pamanahon - Ang wika ay nababago sa paglipas ng panahon. Ang mga panitikan na nasulat sa panahon nina Balagtas, Rizal, Lope K. Santos ay naiiba sa kasalukuyang panahon. Maliban sa nabagong istruktura, maligoy ang mga pangungusap at may mga salitang hindi na ginagamit sa pagsasalita at pagsulat. Halimbawa:

pinipintuho - minamahal kaisang dibdib - mag-asawa marikit - maganda iniirog - - iniibig e. Dayalektong Sosyal o Panlipunan - nakikita rito ang mga salita na ginagamit sa iba't ibang antas ng buhay. Halimbawa: may hika, asthma - may allergy mahina ang isip o matalino - special child sasakyan - wheels tunog o musika - sounds

Register ng Wika

Nagkakaroon ng pagbabago ang wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Kung sino ang kausap o tagapakinig (tenor of discourse) anong paksa ang pinag- uusapan (field of discourse) at paraan o paano nag-uusap (mode of discourse).

a. Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse) - usapang pasalita o usapang pasulat. Sa usapang pasulat mas pormal ang mga salita, sumusunod sa mekaniks ng pagsulat, gumagamit ng bantas at sa pagsulat. Kung pasalita maaring nangangatwiran, may pagkamagalang, nagliligawan, nag-aaway, balita, showbiz.

Halimbawa:

  1. Nagbayad po kami nang tama at nasa oras, bakit po kami pinutulan ng linya ng ilaw?
  2. Magandang araw po. Kami po ay kasapi ng Kabataang Barangay, naatasan po kami na gumawa ng sensus tungkol sa bilang ng mgananinirahan sa ating pook.
  3. Mag-aral kayong mabuti para sa inyong kinabukasan:
  4. Nakalulungkot isipin na pumanaw na ang pinagpipitaganan at hinahangaan na alagad ng sining
  5. Hindi na tumitigil ang pagtaas ng halaga ng langis kailangan tayong magtipid sa lahat ng bagay.

B. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) - ang mga salita ay batay sa larangan na tinatalakay o pinaguusapan.

Halimbawa:

a. Kung ang pinag-uusapan ay tungkol sa Komunikasyon ang paksa ng usapan ay tungkol sa radyo, telebisyon, cellphone, e-mail, internetat wika. b. Kung ang paksa ay tungkol sa elektroniks, ang pag-uusapan ay tungkol sa transmitter, alternator, automatic control regulator, boltahe at iba pa.

natin ang aso ng tsutso, ang pusa ay wiss-wiss, tinatawag na tuko ang tuko ayon sa naririnig. Marami ang nag-aalinlingan dahil lahat ng tao hindi magkakatulad ng pandinig gaya ng manok taktalaok sa Filipino, cock-a doodledoo sa Amerikane-o sa Ingles. Halimbawa: ang tunog ng kulog, kidlat, pagbagsak ng utan, lagaslas ng tubig sa talon ay sinikap ding tularan. 5. Teoryang yo-be-ho - Ayon sa teoryang ito, ang pagsasalita ng tao ay bunga ng puwersang pangkatawan gaya ng tunog na nabibigkas sa paglalaro ng karate, boksing, suntukan nalilikhang tunog na nalilikha kung nagbubuhat ng mabigat gaya ng yaa! pak, bog, oh, hey! yak at iba pa.

Filipino Reviewer

Ang wika ay isang instrumento na ginagamit upang maipahayag ang mga kaisipan sa larangan ng pamamahayag, ekonomiya, pulitika, syensiya, edukasyon, kultura, lipunan o anumang aspeto ng buhay.

Ang wika ay isang behikulo sa paghahatid ng kaisipan, ideya, damdamin sa kinauukulan. Sa wika napapaloob ang kayamanan ng diwa, kultura at sining nito. Ito ang maglalarawan kung anong uri ang kalinangan ng bayan. Wika ang kaugnayan ng makasaysayang karanasan ng bayang pinagmulan.

Ang wika ayon kay Emmert at Donogby ay isang sistema ng mga sagisag na bumubuo ng mga tunog o kaya’y pasulat na bumubuo ng mga titik na mag-uugnay sa mga kahulugang nais ibahagi sa tao. Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitaryo. Ang tunog ay hinuhugisan/ binibigyan ng mga makabuluhang simbolo (titik) sa pinagsama-sama upang makabuo ng mga kaisipan.

a. Pagiging sistematiko- lahat ng wika ay may sariling balangkas, balangkas ng mga tunog balangkas ng mga kahulugan. Tinutukoy ditto na ang wika ay may sariling paraan ng pagbuo at paglikha ng tunog upang makabuo ng yunit o salita, parirala at pangungusap. Halimbawa ng mga makabuluhang tunog sa Filipino /a/b/l/p/ maaaring magsama- sama tulad ng alab, bala, laba, pala, lapa. b. Ang wika ay arbiteraryo- ang wika ay may kanya- kanyang paraan o sistema kung paano gamitin, bigkasin o basahin. Bawat indibidwal ay may kanya- kanyang paraan ng paggamit ng wika. Nakabubuo tayo ng sariling pagkakakilanlan ikinaiba sa ibang wika. Bigyan pansin ang

paraan ng pagsasalita ng mga kilalang tao gaya ni Gloria Macapagal Arroyo, Mike enriquez at Fidel Ramos. c. Ang wika ay dinamiko- ang wikang buhay ay patuloy na nagbabago. Kasabay ng pagbabago ang panahon upang makasunod sa pag-unlad ng daigdig. Ang wika ay umuunlad, yumayaman, lumalawak ayon sa kanyang pangangailangan. Sa larangan ng agham at teknolohiya, medisina industriya at kalakalan nadadagdagan ang bokabularyo ng wika. Ang tao upang makapagpahayag ng mga ideya, kaisipan sa anumang larangan ay maaaring lumikha, bumuo, humiram ng mga bagong salita, maaaring katutubo at dayuhang wika. d. Malikhain- ang taong marunong sa wika ay nakapagpapahayag at nakabubuo ng anumang pangungusap. Habang ginagamit ang wika, ang tao ay patuloy na nakabubuo ng iba't-ibang pahayag at nakauunawa ng anumang marinig o mabasa. Lahat ng wika na patuloy na ginagamit ay patuloy din na nakabubuo ng bagong pahayag ayon sa pangangailangan ng nagsasalita.

Kalikasan ng Wika

  1. Ang wika ay may tunog- ang lahat ng wika ay may sariling tunog. Ang bawat titik o simbolo ay may tunog at kung pagsama-samahin ng maayos lumilikha ng mga salita na simbolo ng kaisipan o ideya na gustong ipahayag.
  2. Ang wika ay may sistema- lahat ng wika ay may sariling istruktura ng balangkas na sinusunod. May sariling ponolohiya, morpolohiya, sintaksis, pagbuo ng salita, parirala at pangungusap.
  3. Ang wika ay arbitraryo- ang bawat wika ay may kanya- kanyang sariling paraan o sistema kung paano gamitin. Nakakalikha ng sariling tatak na pagkakakilanlan na ikinaiba sa ibang wika, halimbawa paano ito bigkasin ang sistema ng pagbabaybay or panghihiram.
  4. Ang wika ay ginagamit- ang wika ay dapat gamitin upang mapaunlad, pasalita o pasulat man upang makaagapay sa panahon ng kanyang kinalalagyan. Ang wika na hindi ginagamit ay mawawala ko makakalimutan.
  5. Ang wika ay pinipili at isinasaayos- Ang wika ay pinipili at isinasa- ayos — kinakailangang kilalanin kung sino ang ating mga kausap o tagapakinig upang maiangkop at mapili ang wika o salita na gagamitin upang maunawaan, Piliin ang mga salita na nararapat ayon sa antas ng pagkaunawa at damdamin ng kausap, maging maingat sa mga salitang gagamitin.
  6. Ang wika ay kaugnay sa kultura- nababakas ang panahon, kaunlaran at kabihasnan ng bayan sa pamamagitan ng wika na

nanakop sa ating bayan. Ikalawa sa panahon ng EDSA — I at II, madaling naisagawa at napagtagumpayan ang pangyayaring iło dahil sa kapangyarihan ng wika madaling magkaunawaan at magbuklod ang bayan. 4. Ang wika ang lumilinang at nag-iingat ng kultura at kasaysayan ng bansa. Nababakas ang panahon, kaunlaran, karanasan at kabihasnan ng bayan sa pamamagitan ng wika na ginagamit ng mamamayan, ito ay totoo sa lahat ng Wika. Nasasalamin ang kasaysayan o panahOn ng bayan. Iba na lang ang kaanyuan dahil bago na ang ating pagkatao at kabihasnan. 5. Ang wika ang daan sa kaunlaran ng bayan. Sa wika nababakas ang kaunlaran ng bayan at ang pagsulong ng pamumuhay ng mga mamamayan. Laging kasabay ng tao ang pag-unlad ng wika dahil nababago ang kanyang isip, gawa, aral at kabuhayan sa panahon na kanyang kinalalagyan, Ang wika ay dapat lumago kasabay ng pagsulong ng ating kaunlaran at kabihasnan upang maunawaan at maintindihan, at mâiangkop ang wastong katawagan para sa intelektwalisașyon ng Wika.

Tungkulin at gamit ng wika Batay sa chat na ginawa ni gordon wells ipinakita ang limang tungkulin o gamit ng wika

  1. Pagkontrol o kilos o gawi ng iba (controlling function)- pakikiusap pagmumungkahi pagpupunyagi pagtanggi pagbibigay babala
  2. Pagbabahagi ng damdamin (shared feelings)- pakikiramay pagpupuri pagsang ayon sa pahayag panini si pagsalungat
  3. Pagbibigay ng pagkuha ng impormasyon (information)- pag-uulat pagpapaliwanag pagtukoy pagtatanong pagsagot
  4. Pagpapanatili sa pakikipagkapwa at pagkakaroon ng interaksyon sa kapwa (ritualizing)- Pagbati pagpapakilala pag di biro pagpapasalamat paghingi ng paumanhin at iba pa
  5. Pangangarap/paglikha (imagining/creating function)- Pagkukwento pagsasadula pagsasatao paghula

Ang mga sumusunod naman ang dimensyon ng bilingguwalismo o multilingguwalismo ayon kay Baker (2011):

  1. Kakayahan – ang isang bilingguwal o multilingguwal ay aktibo kapag naipakita niya ang kasanayan sa mga sa pagsulat at pagsasalita samantalang pasibo kapag naipapakita naman niya ito sa pakikinig o pag intindi. Lantad ang una samantalang tago ang ikalaawa. Magkakaiba rin ang proseso ng kakayahang bilingguwal o multilingguwal ng bawat tao, bagama’t maaaring maabot nang

pantay ang mga ito kayang makinig at makaintindi at kaya ring magsalita at magsulat.

  1. Gamit- ang mga wikang alam ng isang tao ay may iba’y ibang konteksto o sitwasyong pinaggagamitan, gaya ng pakikipag- usap sa tahanan o paaralan, pakikipagtransaksyon sa pamahalaan o mga negosyo, interaksyon harapan o ginagamitan ng teknolohiya at iba pa. nakakaapekto rin sa pagpiling wika gagamitin ang pagiging pormal o impormal ng sitwasyon. Halimbawa, kung karaniwang makikipag- usap lamang sa mga kaibigan, maaaring piliing gamitin ang unang wika ngunit kung may mas pormal na sitwasyong kahaharapin, gaya ng pagsulat ng liham- aplikasyon o resume, n\baka mabuting gamitin ang ikalawang wika gaya ng Ingles.

  2. Balanse ng mga wika- bihira sa isang tao ang magkaraoon ng magkakapantay na kasanayan sa mga wika. Karaniwan ay higit ang kasanayan niya sa isang wika kaysa sa iba o ang pagkakaroon ng wikang dominante, bagama’t nagbabago- bago ito sa paglipas ng panahon.

  3. Gulang- bilingguwalismong sabayan (simultaneous bilingualism) ang tawag sa kasanayan sa dalwang wika kung mula pagkasilang ay nalilinang na ito. Halimbawa nito ay may unang wika ang ama at may sariling unang wika ang ina at sabay na nasasanay sa mga ito ang mga bata. Bilingguwalismog sunuran (consecutive o sequential bilingualism) naman ang tawag kapag may isa nang wikang natutuhan ang isang bata sa nasundan ng pagkatuto ng isa pang wika pagsapit niya ng tatlong taong gulang.

  4. Pag- unlad- ang isang bilingguwal ay maaaring maging napakahusay sa isang wika samantalang umuunlad pa lamang sa isa pang wika. Pasulong ang tawag sa bilingguawalismog ang kasanayan sa isang wika ay paunlad nang paunlad samantalang paurong naman kapag nababawasan. Ang huli ay maaaring mauwi sa tuluyang pagkawala ng kasanayan (tinatawag itong attrition).

  5. Kultura- dahil ang wika at=y kakamabla ng kultura, hindi lamang kasanayan sa komunikasyon ang nalilinang sa isang taong natututo ng wika kundi natututuhan din niya yakapin ang kulturang ito. Monokultural ang tawag sa isang taong bagama’t maalam sa maraming wika ay nananatiling sarado sa isa lamang kultura, halimbawa ay isang Pilipino na kahit marunong mag-Filipino at Ingles ay Pilipino parin ang kaakuhan. Bicultural naman ang isang taong kasabay ng pagkatuto ng isa pang wika ay matututuhan ding mamuhay gaya ng lahing nagsasalita ng wikang iyon, halimbawa ay isang Pilipino na kasabay ng pagkatuto ng Ingles ay

Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal noong 1974 na nirebisa noong 1987 ang tunguhin ay hubugin ang mga Pilipino na maging matatas sa kanilang wikang pambansa na Filipino at sa wikang intemasyonal na Ingles. Gayunpaman, sa kaniyang aklat na Foundations of Bilingual Education and Bilingualism (2011), bimgyang-diin ni Colin Baker na ang ganttong saradong depinisyon ng bilingguwahsmo ay problematiko. Maltutunng bang ang isang tao na bagama't kayang gumamit ng dalawang 'Aika ay hindi pantay ang kasanayan dito, halimbawa'y natural mag-Filipino ngypit mali-maii namang magIngleso ba ang may alam nga sa víka ngunit isa lang sa dalawa ang ginagamit o wala ngang ginagamit? Hanggang saan ba ang antas ng katatasan na dapat maabot bago maituring na bilingguwal ang isang tao; kailangan bang matatas na matatas o sapat na iyong katamtaman o kahit ba kaunti lamang basta masabing pamilyar sa dalawang wika? Sa anong kasanayan sa pakikipagtalastasan ba dapat maging matatas upang masabing bilingguwal—sa pakikinig ba, pagsasalita, pagbase, pagsulat, o lahat ba ng ito o kahit isa o iian lang ba sa mga ito? Ang bilingguwal ba ay 'sang tao na dalawang monolingguwal (isang tao na sanay sa isang wika at isa pang tao na sanay sa 'sang wika na pinagsama sa nsang katawan) o ang bilingguwalismo ba ay isang buong kasanayan lamang? "Mahirap hulihin at talagang imposibleng masabi kung sino ang bilingguwal at sino ang hindi (Baker, 2011)." Hindi rin katanggap-tanggap ang mga simpleng pagpapakahulugan sa bilingguwaltsmo, gaya ng sinabi ni Bloomfield (1993) na "pagkontrol sa dalawang wika na para bang katutubong nagsasalita ng dalawang wikang ito" dahil nga masalimuot ang wika at sapin-sapin ang mga isyung dapat kaharapin dito.

Sa kaniyang artikulong ”Bilingtłal Language Development” (1999), tinukoy naman ni Suzanne Romaine ng bilingguwalismo sa Inga bata. Inilalatag ng kaniyang pag-uuri ang Iahat ng posibleng sitwasyong puwedeng matuto ang isang bata ng ikalawang wika at makalinang ng bilingguwalismo.

Ang una ay ang tinatawag na "one-person, onelanguage." Dito, may magkaibang

unang wika ang mga magulang bagama’t kahit paano ay nakapagsasalita ng wika ng isa ang isa. Isa sa kanilang wika ang dominanteng wika ng pamayanan. Halimbawa ay may mag-asawang Tagalog at Cebuana na naninirahan sa Cebu na ginagamit ang kani-kaniyang unang wika sa pakikipag-usap sa kanilang anak. Sa ganitong sitwasyon, nalilinang ang bilingguwalismo dito dahil mula't sapul, nalalantad ang bata sa kani-kaniyang unang wika ng kaniyang mga magulang.

Ang ikalawa ay ang tinatawag na "non-dominant home language/one-language, one-environment." Sa ganitong uri naman, may ani-kaniya pa ring unang wika ang ama at ina, ito ang dominanteng wika ng pamayanan. Gayunpaman, mas pinipili nilang kausapin ang kanilang anak sa isang di-dominanteng wika, kahit paglabas ng bata sa bahay ay sa dominanteng wika siya nahahantad. Halimbawa, Tagalog ang ama at Bisaya ang ina. Dahil naninirahan sa Cebu, Bisaya ang dominanteng wika sa pamayanan. Gayunpaman, kinakausap ng mga magulang ang bata sa di-dominanteng wika na Ingles. Ngunit paglabas ng bata sa bahay, Bisaya na uli ang dominanteng wika. Nalilinang ang bilingguwalismo rito dahil ang unang wika ng mga magulang ang nagiging unang wika ng bata samantalang ang di-dominanteng wika

ang nagiging isa pang unang wika. (Tandaan ang tinalakay sa nakalipas na kahit dalawa, unang wika pa ring maituturing ang mga wika basta sabay na natutuhan ang mga ito mula pågkasilang.)

Ang ikatlong uri ay ang tinatawag na "non-dominant language without community support." Dito, magkatulad ang unang wika ng mga magu ang ngunit ang dominanteng wika sa pamayanan ay hindi ang sa kanila. Gayunman, iginigiit nilang gamitin ang kanilang unang wika sa kanilang anak. Isang halimbawa nito ang mag-asawang Kapampangan na naninirahan sa Maynila na mula pagkasilang ng anak ay kinakausap ito sa Kapatnpangan. Dahil Filipino ang lingua franca sa Maynila, ito ang ikalawang wikang natulutuhan ng Bata paglabas ng tahanan. Nalilinang ang bilingguwalismo rito dahil nasasanay ang bala sa Kapampangan sa 100b ng tahanan at sa Tagalog paglabas naman.

Ang ikaapat ay ong tinatawag na "double non-dominant language wothout community support." Sa ganitong uri, may ngunit ang dominanteng wika sa pamayanan ay hindi ang alinman sa kanila. Mula pagkasilang, kinakausap na ng mag-asawa ang kanilang anak sa kani-kaniyang wika. Isang llalimbawa nito ang magasawang Tagalog at Cebuana na naninirahan sa Pampanga. Kinakausap ng ama ang kaniyang anak sa Tagalog, ng ina ang anak sa Bisaya, at paglabas ng bata sa tahanan, nalalantad din siya sa Kapampangan. Nalilinang ang bilingguwalismo rito dahil nasasanay ang bata sa kanikaniyang unang wika (Tagalog at Bisaya) ng kaniyang mga magulang sa 100b ng tahanan at sa dominanteng wika (Kapampangan) naman aglabas.

Ang ikalimang uri ay ang tinatawag na "non-dominant parents," Dito, pareho ng unang Wika ang mga magulang. Ang Wika din nila al ominanteng Wika sa pamayanan. Gayunpaman, isa sa kanila ang laging kumakausap sa kanilang anak gamit ang isang di-dominanteng wika. Halimbawa, Tausug ang mga magulang. Dahil sa Sulu Sila nakatira, Tausug din ang dominanteng Wika sa pamayanan. Gayunpaman, isa sa kanila, maaaring ang ama o ina, ang laging kumakausap sa kaniyang anak sa Tagalog. Nalilinang ang bilingguwalismo rito dahil lantad ang bata sa unang Wika (Tausug), sa loob o labas man ng tahanan, ngunit dahil sa isa sa mismong mga magulang ay nasasanay rin siya sa isa pang unang Wika (Tagalog).

Ang ikaanim ay ang tinatawag na "nuxed." Sa ganitong uri, bilingguwal ang mga magulang. May mga sektor din sa lipunan na bilingguwal Kapag kinakausap ng mga magulang ang bata, nagpapalit-palit Sila ng wika. Paglabas ng bata sa pamayanan, katulad ang sitwasyon. Dahil dito, nasasanay rin ang bata sa papapalit-palit na wika.

Was this document helpful?

Baryasyon ng Wika

Course: Medical Technology (CC 101)

33 Documents
Students shared 33 documents in this course
Was this document helpful?
Varyasyon ng Wika
Ang dayalekto ay wika ng tao noong natutong magsalita, Ito ang wikang
ginagamit sa tahanan ng isang pamilya, ang wikang ginagamit sa limitadong pook o
pamayanan.
Ang dayalekto ay varyasyon ng wika. Sa dayalekto nakikita na may pagkakaiba
ang salita, ang bigkas, ang tunog at sa tono o intonasyon, pagbuo ng pangungusap.
Maaaring mali ang istruktura at iba ang mga salita ngunit ang mga gumagamit ay
magkakaintindihan at magkakaunawaan. Mga halimbawa nito sa mga lalawigan ng
katagalugan gaya ng Bulakan, Batangas, Bataan, Kabite, Laguna, Quezon at Rizal.
Samantala ang wika ay may higit na malawak ang nasasakupan at higit na marami ang
mga gumagamit. Ang wika gaya ng Filipino at Ingles ay higit na maunlad dahil sa may
ma-agham na pag-aaral sa wika, may sariling tuntunin sa istruktura sa grammar at
sintaksis.
Sa larangan ng linggwistika pantay-pantay lahat ng wika, walang inperyor o
superyor na wika. Wika man o dayalekto, malayang nakapagpapahayag ng kaisipan o
saloobin.
1. Nagkakaroon ng pagbabago ang wika batay sa ibat ibang sitwasyon gaya ng
pook, antas ng buhay, propesyon o pinagaralan at lipunang ginagalawan o
kinabibilangan.
a. Istandard na Dayalekto - Ang wikang ginagamit ay katanggap-tanggap sa lahat
ng antas ng lipunan sa mga pormal na usapan, sa paaralan, unibersidad,
pamamahayag o broadcast o ng anumang pagpupulong.
b. Idyolek - Nagpapakilala ng kakayahan ng nagsasalita bunga ng kaalaman,
karanasan o pag-aaral, paraan ng pagsasalita o uri ng wikang ginamit, timbre ng
boses o kwaliti ng boses o paboritong ekspresyon ng nagsasalita.
Halimbawa: ano, alright, okay, actually, by the way, as a matter of fact.
Maaring makilala ang nagsasalita kung si Pangulong Ramos, Pangulong
Estrada o Pangulong Arroyo, ayon sa tono o timbre ng boses.
c. Dayalektong Pampook - ang mga salita ay nagkakaiba iba dahil sa pook na
pinagmulan.
Halimbawa: Batangas Bulakan
Mabanas mainit
Malibag marumi
Amargoso amplaya
d. Dayalektong Pamanahon - Ang wika ay nababago sa paglipas ng panahon. Ang
mga panitikan na nasulat sa panahon nina Balagtas, Rizal, Lope K. Santos ay
naiiba sa kasalukuyang panahon. Maliban sa nabagong istruktura, maligoy ang
mga pangungusap at may mga salitang hindi na ginagamit sa pagsasalita at
pagsulat.
Halimbawa: