Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Pagbasa 11 Q3 Mod 1 Tekstong-Impormatibo

notes
Course

Accountancy

999+ Documents
Students shared 15912 documents in this course
University

STI College

Academic year: 2021/2022
Uploaded by:
17Uploads
154upvotes

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo

sa Pananaliksik Kuwarter 3-

Modyul 1 Tekstong

Impormatibo

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Filipino – Ikalabing-isang Baitang Alternative Delivery Mode Kuwarter 3- Modyul 1: Tekstong Impormatibo Unang Edisyon 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatangari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang mga hiniram na materyales (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.

Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga materyales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa. Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at mga may- akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Dibisiyon ng Cagayan de Oro

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO V

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo

sa Pananaliksik

Kuwarter 3 - Modyul 1

Uri ng Teskto-Tekstong Impormatibo

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- emai l ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. FAIR USE AND CONTENT DICLAIMER : This module is for educational purposes only. Borrowed materials (i., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas Talaan ng Nilalaman

Para Saan ang Modyul Na Ito ..................................................................................................... i

Ano ang Inaasahan Mo ................................................................................................................. i

Paano Mo Matutunan .................................................................................................................. i

Mga Icon ng Modyul ..................................................................................................................... ii

Ano ang Nalalaman Mo ............................................................................................................... iii

Aralin 1: Uri ng Teksto: Tekstong Impormatibo

Alamin ................................................................................................................... 1

Tuklasin: ....................................................................................................... 1

Gawin ........................................................................................ 2

Suriin: ............................................................................................................ 2 Pagyamanin : ................................................................................................ 3

Isaisip: .... ...................................................................................................... 3

Isagawa: ....................................................................................................... 5

Lagom ......................................................................................................... 6

Tayahin (Pangwakas na Pagtataya) ................................................................... 7 Susi sa Pagwawasto ........................................................................................................... 8

Mga Sanggunian .................................................................................................................

9

Para Saan ang Modyul na Ito

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga uri ng mga teksto na matutunghayan ang unang uri ng teksto ay tekstong impormatibo. Sadyang inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang matutuhan sa pakikipagtalastasan at pananaliksik. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at panonood. Tutulungan ka ng modyul na ito na matukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga uri ng teksto at pananaliksik at maiuugnay sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati at mga panayam at pananaliksik. Sa araling ito, ang tekstong impormatibo ay binibigyang pansin upang makuha na ang uri ng teksto at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao, ito’y pagkakakilanlan ng isang bansa. Gagabayan ka ng modyul na ito sa iyong paglalakbay at pagtuklas sa mundo ng kaalaman ng uri ng teksto Sa Modyul na ito, Mababasa ang iba’t bang uri ng teksto (Impormatibong Teksto). Inaasahan ang mga aralin sa modyul na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga magaaral. Masusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Nilalayon din ng modyul na masusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibant teksto.

Ang modyul na ito ay may aralin:

  • Aralin 1 – Tekstong Impormatibo

Ano ang Inaasahan Mo Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

Mga Icon ng Modyul

ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin. Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang maaasahan nila sa aralin.

SUBUKIN Panimulang pagtataya o Gawain upang matukoy ang lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa natalakayingpaksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga magaara ltungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang matukoy ito upang matiyak na may napadagdag pang kaalaman.

TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng kwento, pagsasanay, tula, awitin ,sitwasyon at iba pang paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng mahalagang kaisipan.

SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin. Maaari rin itong pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan. Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at Gawain batay sa natutunan sa aralin.

ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng pagsusulit, gawain at pagsasanay.

ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang mailalapat sa tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng pagkatuto mula sa natamong kasanayan.

KARAGDAGANG GAWAIN

Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga mag-aaral.

SUSI NG PAGWAWASTO

Mga kasagutan sa anumang pagtataya, pagsasanay at mga Gawain

ii

Ano Ang Nalalaman Mo

Panimulang Pagtataya

I. PAGPIPILI: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik na naglalaman ng iyong tamang sagot. 1. Ito ay aklat na naglalaman tungkol sa paborito mong isports. A. Impormatibo B. Deskriptibo C. Persuweysib D. Naratibo 2. Pagkatapos mailarawan ang tatlong tauhan sa kuwento, inilalahad ng nagbabasa kung paano naaantig ang kanyang damdamin. A. Naratibo B. Argumentatibo C. Impormatibo D. Deskriptibo 3. Ang mga sumusunod ay bahagi ng Kabanata I sa pagsulat ng pananaliksik maliban sa ___. A. Balangkas Konseptwal B. Kahalagahan ng Pag-aaral C. Disenyo ng Pananaliksik D. Panimula o Introduksyon 4. Layunin ng tekstong ito ang mahikayat o makumbinsi ang mambabasa. A. Persuweysib B. Prosidyural C. Deskriptibo D. Argumentatibo 5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong naratibo maliban sa: A. Maikling kuwento B. Pagdedebate C. Alamat D. Tula 6. Elemento ito ng tekstong naratibo na tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran. A. Tagpuan at panahon B. Banghay C. tauhan D. paksa o tema

iii 7. Ipinapakita mo sa harapan ng klase ang paraan ng pagluluto ng adobo. Anong paraan ng pagsunud-sunod ng mga kaisipan ang iyong ginamit?

Baitang: Grade 11 Markahan: Semestre 2/Linggo 1/Kuwarter 3

Panahong Igugugol: Isang Linggo

Alamin Natin Sa katapusan ng Modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

MELC1_LR1 tekstong Imporrmatibo (F11PB-111a-98) (SHS, Qtr 3)

  1. Natutukoy ang paksang tinatalakay sa iba’t ibang tekstong binasa.
  2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang tekstong binasa.

Tuklasin A. Basahin ang teksto. Tuklasin ang mahahalagang kaisipan at impormasyon na nakapaloob dito.

MANILA, Philippines - Pinamamadali nina Buhay party-list Reps. Irwin Tieng at

Mariano Michael Velarde ang pagpasa ng panukalang cyber bullying upang matugunan ang lumalang problema na may kinalaman sa internet at mga social

networking sites.

Sinabi nina Tieng at Velarde, dapat madaliin ng Kamara ang pagpapasa ng House Bill 6116 dahil na rin sa mabilis na development ng information and

communication technologies na bagong uri ng pang lipunang sakit na mabilis na kumakalat o mas kilala sa tawag na cyber bullying.

Sa pamamagitan lamang umano ng paggamit ng cellphones at social

networking sites ay nakakapaglagay na ng hindi magagandang komento sa mga litrato na nakikita ng publiko.

Paliwanag ng mga mambabatas, ang “cyber bullying attacks” ay mas masakit dahil hindi kaagad ito nabubura sa internet kayat napapaaway ang mga biktima ng

ilang buwan o halos taon na.

1

Ang cyber bullying ay pagkakasangkot ng isang indibidwal sa pagmamalupit sa

pamamagitan ng paggamit ng internet o iba pang digital technologies at paulit-ulit na pagpapadala ng mga nakakahiya, pambabastos, malalaswa, pang iinsultong

mensahe at pananakot sa biktima.

Gawin Mo

  1. Ano ang layunin ng teksto? Ang layunin ng teksto ay upang magbigay sa amin ng sapat na impormasyon upang makagawa ng isang may pinag-aralan na desisyon sa Cyber Bullying. Binanggit pa nito kung paano makakatulong ang panukalang ito sa isang taong naging biktima ng cyberbullying, pati na rin kung paano ito maiiwasan o malalampasan.
  2. Ano ang intensiyon ng may-akda sa kabuuan ng teksto? Ang intensiyon ng may-akda sa kabuuan ng teksto ay maiwasan na ang Cyber Bullying. At upang matulungan ang mga taong naging biktima ng Cyber Bullying.
  3. Ang kabuuang nilalaman ng teksto ay nakapokus sa Cyber Bullying.
  4. Anong impresyon ang gustong ibigay ng teksto sa mambabasa? Ang Impresyon na gustong ibigay ng teksto sa mambabasa ay maalarmahan ang mga taong naging biktima ng Cyber Bullying upang matulungan itong maiwasan o malampasan.

Batayan Kaukulang Puntos

Marka

Nagpakita ng Malalim na Pagsusuri sa teksto 10 Nasusuri ang nilalaman, intensiyon at impresyon ng teksto 10 Maayos ang Sistema at malinaw ang paglalahad ng mga bahagi ng papel

10

Kabuuan 30

Suriin

Paghahawan ng Sagabal

B. Bigyang-kahulugan ang salitang Cyber Bullying sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaugnayan na salita, parirala at pangungusap dito gamit ang word network. Isulat lang sa kahon ang inyong mga sagot.

Cyber Bullying

NAKAKAPAHAMAK

MASAMANG GAWAIN

Masasamang kilos na dapat seryosohin sapagkat mapanganib at dapat

ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto, hayop, at iba pang nabuhuhay; at iba pa. • Gayunpaman, anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon. 2. PANGUNAHING IDEYA • Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng manunulat ang mga mangyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa tekstong impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa. • Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay

3

ng pamagat sa bawat bahagi – tinatawag din itong organizational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin. HALIMBAWA: 3. PANTULONG NA KAISIPAN • Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong na makabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila. ESTILO SA PAGSULAT, KAGAMITAN/SANGGUNIANG MAGTATAMPOK SA MGA BAGAY NA BIBIGYANG-DIIN • Makatutulong sa mga mag-aaral na magkakaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitang /sangguniang magbibigay-diin sa mahalagang bahagi tulad ng sumusunod: a.) Paggamit ng mga nakalarawang presentasyon- makatulong ang paggamit ng mga larawan, guhit dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa. b.) Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto- nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin. c.) Pagsulat ng mga talasanggunnian- karaniwang inilagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginagamit upang higit na mabigyang diin ang katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito. MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

  1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Kasaysayan • Sa uring ito ng tekstong impormatibo inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. • Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maari ding hindi direktang nasaksikan ng manunulat kundi mula sa katotohanang nasaksihan at pinatutunayan ng iba tulad naman ng sulating pangkasaysayan o historical account. Ang uring ito ng teksto ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksiyon. • Kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito ang pinakamahalagang impormasyon tulad ng kung sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang inilahad. • Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman katawan, at karaniwang nagtatapos sa kongklusyon.

  2. Pag-uulat Pang-impormasyon • Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang

kaalaman o imormasyon patungkol sa tao, hayop, at iba pang bagay na nabubuhay

at di nabubuhay, gayundin sa mga pangayayri sa paligid. • Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay ng teknolihiya, global warming, cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos. • Ang pagsulat ng ganitong uring teksto ay nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat. 3 Pagpapaliwanag • Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. • Layunin nitong makita ng

4

mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang

paksa sa ganitong kalagayan. • Karaniwang itong ginagamitan ng mga larawang, dayagram, o flowchart na may kasamang mga paliwanag. • Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba pa.

Iba’t ibang Uri ng Tekstong Impormatibo

Mayroong iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo batay sa kung ano ang estraktura

ng pagkakalahad nito. Ito ay maaring maglahad ng sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay ng depinisyon, at paglilista ng klasipikasyon.

Sanhi at bunga

Uri ng tekstong impormatib na naglalahad ng ugnayan ng mga pangyayari.

Nagpapakita ito ng direktang relasyon sa pagitan ng bakit nangyari ang pangyayari (sanhi) at kung ano ang naging resulta nito (bunga). Ito ay nagpapaliwanag sa kung paano nakaapekto ang mga pangyayari sa nakaraan sa mga kaganapan sa kasalukuyan at maging sa hinaharap.

Paghahambing

Ito naman ay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng kahit anong

bagay, konsepto, at maging pangyayari.

Pagbibigay ng depinisyon

Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, ipinapaliwanag ng manunulat ang kahulugan

ng isang salita, terminolohiya, o konsepto.

Paglilista ng Klasipikasyon

Sa tekstong ito, ang malawak na paksa ay hinahati sa iba’t ibang kategorya upang

magkaroon ng sistema ang talakayan. Sa uring ito ng teksto, ang manunulat ay naguumpisa sa paglalahad ng kahulugan ng paksa sa pangkalahatan, pagkatapos ay hahatiin ito batay sa uri o klasipikasyon nito.

Isagawa Isagawa natin: Tukuyin at Sabihin ang hulwaran ng organisasyon ng bawat kasunod na teksto.

  1. Pagbibigay Depinisyon

LAGOM

Ang tekstong impormatibo ay isang uring babasahin na may layuning magbigay ng isang malinaw, sapat, walang pagkiling o pagpanig na paglalantad sa nasasaklaw nitong bagay o kaalaman.

Katangian ng teksto

Paraan ng Pagkakasulat ng Teksto- Ang tinutukoy nito ay tungkol sa pagkakabuo ng teksto tulad ng paraan ng pagsisimula, pagwawakas, paksa at estilong ng may-akda.

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

  • Layunin ng May-akda
  • Pangunahing ideya
  • Pantulong na kaisipan

Mga Uri ng tekstong Impormatibo

  • Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Kasaysayan

  • Pag-uulat Pang-impormasyon

  • Pagpapaliwanag Uri ng tekstong Impormatibo ayon sa Estruktura

  • Sanhi at bunga

  • Paghahambing

  • Pagbibigay ng depinisyon

  • Paglilista ng Klasipikasyon 6

Tayahin Pangwakas na Pagtataya

Gamit ang Paksang “LIGTAS ANG MAY ALAM”. Gumuhit ng poster sa isang puting papel o bond paper. Pagkatapos ay sumulat ng maikling talata kung ano ang sariling pagpapakahulugan sa paksa.

Ang pagiging ligtas ay may mga proseso kailangan nating makipag koopera sa mga patakaran sa ating lugar kailangan nating malaman ang mga tamang paraan upang tayo ay maging ligtas at hindi tayo mapahamak sa nagaganap na krisis at sa iba pang nagaganap na krisis dito sa ating mundo.

Rubriks Batayan Kaukulang Puntos

Grado

Tumpak ang mga datos at impormasyong ginamit sa datos 10 Nailahad ang iba’t ibang panig ng paksa 10 Maayos ang sistema at malinaw ang paglalahad ng mga bahagi ng papel

10

Malikhain at nakapukaw ang poster na ginuhit 10 Kabuuan 40

Gamit ang Paksang “ Ligtas ang may Alam Tungkol sa Kalusugan ”. Gumuhit ng poster sa isang puting papel o bond paper. Pagkatapos ay sumulat ng maikling talata kung ano ang sariling pagpapakahulugan sa paksa. Batayan ng Grado Kaukulang Puntos

Grado

Tumpak ang mga datos at impormasyong ginamit 10 Napapanahon at Kapaki-pakinabang ang napiling paksa tungkol sa kalusugan

10

Maayos ang sistema at malinaw ang paglalahad ng mga bahagi

10

Malikhain at maayos ang kabuuang presentasyon ng datos

10

Kabuuan 40

7

SUSI NG PAGWAWASTO

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education

Division of Cagayan de Oro City Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro Telefax: ((08822)855 - 0048

E - mail Address: cagayandeoro@deped.gov

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Pagbasa 11 Q3 Mod 1 Tekstong-Impormatibo

Course: Accountancy

999+ Documents
Students shared 15912 documents in this course

University: STI College

Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 20 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
Senior High School
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik Kuwarter 3-
Modyul 1 Tekstong
Impormatibo

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.