Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Ang Barayti ng Wika: Isang Pananaliksik

I just want to study this lesson and be my guide in my course. This wi...
Course

College of education (233a)

230 Documents
Students shared 230 documents in this course
Academic year: 2021/2022
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Technische Universiteit Delft

Comments

Please sign in or register to post comments.

Related Studylists

Kompan

Preview text

Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang

simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay

nailalabas o napapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o

malungkot. Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at

iba pa.

Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri

ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at

kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng

heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat

ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.

Kahulugan at mga Halimbawa

1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik.

Mga halimbawa ng Idyolek:

 “Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro  “Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez  “Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio  “Hoy Gising!” ni Ted Failon  “Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza  “I shall return” ni Douglas MacArthur

2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek:  Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)  Dayalek na Tempora (batay sa panahon)  Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)

Mga halimbawa ng Dayalek:

 Tagalog = Bakit? Batangas = Bakit ga? Bataan = Baki ah? Ilocos = Bakit ngay? Pangasinan = Bakit ei?  Tagalog = Nalilito ako Bisaya = Nalilibog ako

3.) Sosyolek – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.

Mga halimbawa ng Sosyolek:  Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)  Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)  Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng gelpren mo)  Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)  May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako kaibigan/kapatid)

4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.

Mga Halimbawa ng Etnolek:  Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan  Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan  Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province  Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal  Kalipay – tuwa, ligaya, saya 5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.

Mga Halimbawa ng Ekolek:  Palikuran – banyo o kubeta  Silid tulogan o pahingahan – kuwarto  Pamingganan – lalagyan ng plato

 Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor

Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa pagkakaunawaan at nagbibigay ito ng kapayapaan at katahimikan. Pero ito rin ay pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga iba’t-ibang bagay sa magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil sa maling paggamit ng mga salita. Tunay nga na ang wika ay buhay.

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Ang Barayti ng Wika: Isang Pananaliksik

Course: College of education (233a)

230 Documents
Students shared 230 documents in this course
Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 4 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang
simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay
nailalabas o napapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o
malungkot. Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at
iba pa.
Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri
ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at
kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng
heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat
ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.
Kahulugan at mga Halimbawa
1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na
naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod
tangi at yunik.
Mga halimbawa ng Idyolek:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio
“Hoy Gising!” ni Ted Failon
“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza
“I shall return” ni Douglas MacArthur
2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang
salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay
wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek:
Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
Mga halimbawa ng Dayalek:

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.