Skip to document

Es P10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy

Modules for Grade 10 Edukasyon sa pagpapakatao . This is use to help s...
Course

Values Education

206 Documents
Students shared 206 documents in this course
Academic year: 2022/2023
Uploaded by:
0followers
2Uploads
9upvotes

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Edukasyon sa

Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 1:

Ang Mataas na Gamit at

Tunguhin ng Isip at

Kilos-loob

10

Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet Telefax: (074)-422- 4074 E-mail Address: car@deped.gov

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jesabell Fe C. Lag-asan Editor: Annie Rose B. Cayasen, Ed - Regional EPS - EsP Tagasuri: Erlinda C. Quinuan – Division EPS - EsP Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: May B. Eclar, Ph. CESO V – Regional Director Benilda M. Daytaca,EdD, CESO VI – OIC-SDS-SDO Benguet Carmel F. Meris – Chief Education Supervisor CLMD Ethielyn Taqued - Regional EPS - LRMDS Edgar Madlaing – Regional EPS – AP/ADM Focal Person Rizalyn A. Guznian, Ed. – Chief Education Supervisor CID Sonia D. Dupagan, Ed. – Division EPS LRMDS Vicenta C. Danigos – Principal I

ii

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating

mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na

gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga

kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na

naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang

o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-

kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng

mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung

kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding

pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.

May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat

gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa

paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang

magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang

anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa

mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro

kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng

SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,

umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1

Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Ang saklaw ng araling napapaloob sa modyul na ito ay gagabay sa iyo upang makilala ang iyong mga kahinaan sa pagpapasiya at makagawa ng kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga kahinaang ito.

Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pampagkatuto:

1 Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. (EsP10MP-Ia-1)

  1. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapapasiya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito. (EsP10MP-Ia-1)
Subukin

PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel.

  1. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karaasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.

  2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba sapagkat parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.

  3. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.

Aralin

1

ISIP AT KILOS-LOOB

3

  1. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama. a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin

  2. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin

  3. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob. a. isip b. kilos-loob c. emosyon d. karunungan

Balikan

Natutunan mo noong ikaw ay nasa Baitang 7 at naging malinaw sa iyo na ang tao ay natatanging nilikhang nabubuhay sa mundo. Ano ba ang nagpapabukod- tangi sa tao sa ibang nilikhang may buhay upang makamit niya ang layunin ng pagkakalikha sa kaniya bilang tao? Sa kaniyang pag-iisip, pagpapasiya, at pagkilos, nagiging bukod-tangi ang tao.

PANUTO: Upang ihanda ka sa ating aralin, ating balikan ang mga natutunan mo noong ikaw ay nasa Baitang 7. Sagutin ang gawain na may kinalaman sa nilikhang may buhay sa mundo. Magbahagi ng dalawang pagkakatulad at pagkakaiba ng tatlong nilalang na may buhay.

HALAMAN HAYOP TAO

Pagkakatulad

Pagkakaiba

4

Tuklasin

Gawain 1: PAGSUSURI SA LARAWAN

PANUTO: Tunghayan at suriin ang larawan. Unawain at sagutan ang mga katanungan tungkol sa larawan. Isulat ang iyong mga kasagutan sa sagutang papel.

TANONG TAO HAYOP

  1. Ano ang mayroon ang bawat isa upang makita ang babala? 2 ang kakayahang taglay ng bawat isa upang makita ang babala? 3 ang inaasahang magiging tugon ng bawat isa sa babala?

Mula sa iyong kasagutan sa itaas, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

  1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tao at hayop?
  2. Paano kumilos ang hayop? Ang tao?
  3. Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at aso?

6

Suriin

Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili at gumusto.

Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama. Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito.

####### KAKAYAHANG TAGLAY NG TAO

I. PANGKAALAMANG PAKULTAD (Knowing Faculty) dahil sa panlabas na pandama at dahil sa isip kaya’t ang tao ay nakauunawa, naghuhusga at nangangatuwiran.

DALAWANG KAKAYAHAN NG TAO

a. Panlabas na pandama- ito ay ang paningin, pandinig, pang- amoy, at panlasa. Ang mga ito ay nagiging dahilan upang ang tao ay magkaroon ng direktang ugnayan sa reyalidad.

Mga halimbawa: a. paningin- mata na ginagamit upang makita ang mga bagay sa ating paligid

b. pang-amoy - ilong na ginagamit upang maka-amoy katulad ng amoy ng pabango o iba pang amoy sa ating paligid

c. panlasa - dila na ginagamit upang makalasa ng mga pagkain

d. pandinig - tainga na ginagamit upang makadinig ng iba’t-ibang klaseng tunog sa paligid

b. Panloob na pandama- ito ay ang kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct.

Kamalayan- pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa. Halimbawa: Mag-aaral ka ng mabuti dahil alam mo na malapit na ang final exam , may kamalayan ka sa iyong sarili na kailangan mong mag- aral dahil gusto mong makapasa sa pagsusulit.

7

Memorya- kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan Halimbawa: Naaalala mo na may takdang aralin kayo sa Edukasyon sa Pagpapakatao na ipapasa bukas.

Imahinasyon- kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito. Halimbawa: Nakabubuo ka ng pangyayari sa iyong isip na ikaw ay nakarating ibang bansa at nagpatayo ng sarili mong negosyo.

Instinct- kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran. Halimbawa: Naramdaman mong parang may sumusunod sa iyo habang naglalakad pauwi, dahil sa iyong instinct mabilis kang tumakbo.

Ipinakita ni Esteban ang ispiritwal at materyal na kalikasan ng tao gamit ang tsart na:

ANG KABUUANG KALIKASAN NG TAO Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pakultad Pagkagustong Pakultad Materyal (Katawan)

Panlabas na Pandama Panloob na Pandama Emosyon Ispiritwal (Kaluluwa, Rasyonal) Isip Kilos-loob

Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa kaniyang pandama. Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam.

ISIP KILOS-LOOB

Kakayahan a. may kakayahang magnilay o magmuni-muni b. nakauunawa c. may kakayahang Mag- abstraksiyon d. makabubuo ng kahulugan at kabuluhan ang bagay

a. Pumili, magpasiya at isakatuparan ang pinili b. Naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama

Gamit at Tunguhin

a. humanap ng impormasiyon b. umisip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng impormasiyon

a. Malayang pumili ng gustong isipin o gawin

9

Pagyamanin

GAWAIN 3: KOMPLETUHIN!

PANUTO: Mula sa naging talakayan, kumpletuhin ang mahalagang konsepto tungkol sa isip at kilos-loob. Piliin ang mga sagot sa kahon at isulat ito sa sagutang papel.

TUNGUHIN INTELLECT (ISIP) WILL (KILOS-LOOB)

  1. Mag-isip (to think) 2.

Hangarin/Layunin (Purpose)

  1. Pumili (to choose)

  2. Ang katotohanan (truth) 5.

Highest Human Fulfillment

  1. Kabutihan bilang birtud (virtue) Pag-ibig (love)

karunungan upang umunawa tungkulin

kabutihan isakilos malaman

kaganapan ng tao

10

GAWAIN 4: IPANGATUWIRANAN MO!

PANUTO: Suriin ang sitwasyon. Isulat ang iyong mga katuwiran sa naging pasiya mo kaugnay ng iyong pag-aaral at ang gagawing solusyon kaugnay nito sa speech balloon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY (10)

MAHUSAY (8)

NALILINANG (6)

NAGSISIMULA (4) Kalidad ng Pagpapaliwanag

Napakahusay ang pagpapaliwanag (buo at maliwanag)

Mabuting pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag)

Matatanggap ang pagpapaliwanag (may kaunting kamalian ang pagpapaliwanag)

Kailangang isaayos (malaki ang kakulagan, nagpapakita ng kaunting kaalaman)

Maganda ang performance mo sa paaralan. Lagi kang kasama sa mga may honors. Subali’t mula nang nakilala mo at naging barkada mo si John na may hindi magandang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak, naimpluwensyahan ka niya. Napabayaan mo ang iyong pag-aaral at nanganganib din ang iyong mga grado. Kinausap ka ng iyong ama, hiningi niya sa iyo na sabihin ang iyong katuwiran sa iyong naging pasiya at ang plano mong solusyon kaugnay nito.

Ano ang iyong katuwitan?









Ano ang iyong magiging solusyon?









12

Isagawa

GAWAIN 6: ANG AKING KAHINAAN!

PANUTO: Magsulat ng apat mong kahinaan tungkol sa pagpapasiya. Sa tapat nito, magbahagi ng paraan upang malampasan mo ang kahinaang ito at upang mas mapabuti mo ang iyong pagpapasiya.

ANG AKING KAHINAAN MGA PARAAN UPANG MAS MAPABUTI ANG AKING PAGPAPASIYA

a. b. c. d.

a. b. c. d.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY (10)

MAHUSAY (8)

NALILINANG (6)

NAGSISIMULA (4) Kalidad ng Pagpapaliwanag

Napakahusay ang pagpapaliwanag at nakapagtala ng apat na kahinaan (buo at maliwanag)

Mabuting pagpapaliwanag at nakapagtala ng tatlong kahinaan (katamtamang pagpapaliwanag)

Matatanggap ang pagpapaliwanag at nakapagtala ng dalawang kahinaan (may kaunting kamalian ang pagpapaliwanag)

Kailangang isaayos at nakapagtala lamang ng isang kahinaan (malaki ang kakulagan)

13

Tayahin

GAWAIN 7: TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA

PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel.

  1. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.

  2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.

  3. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.

  4. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karaasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.

  5. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.

PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin ang TITIK ng iyong sagot sa HANAY B. Isulat ang sagot sa sagutang papel. HANAY A HANAY B

  1. pagkakaroon ng malay sa pandama, a. kamalayan nakapagbubuod, at nakauunawa b. instinct
  2. kakayahang makaramdam sa isang c. panloob na pandama karanasan at tumugon nang hindi d. memorya dumadaan sa katwiran e. imahinasyon
  3. kakayahang lumikha ng larawan sa f. panlabas na sa isip at palawakin ito pandamdam
  4. kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan
  5. ito ang paningin, pandinig, pang- amoy, at panlasa

15

Karagdagang Gawain

GAWAIN 8: ANG AKING GAMPANIN

PANUTO: Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo sa iyong pamilya, paaralan, at pamayanan upang maisabuhay mo ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob? Isulat ito sa sagutang papel. 1. pamilya?

  1. paaralan?

  2. pamayanan?

Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawain

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY (10)

MAHUSAY (8)

NALILINANG (6)

NAGSISIMULA (4) Kalidad ng Pagpapaliwanag (60%)

Napakahusay ang pagpapaliwanag (buo at maliwanag)

Mabuting pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag)

Matatanggap ang pagpapaliwanag (may kaunting kamalian ang pagpapaliwanag)

Kailangang isaayos (malaki ang kakulagan, nagpapakita ng kaunting kaalaman)

a. Isip-____________________________________________ ________________________________________________ b. Kilos-loob-_______________________________________ ________________________________________________

c. Isip-____________________________________________ ________________________________________________ d. Kilos-loob-_______________________________________ ________________________________________________

e. Isip-____________________________________________ ________________________________________________ f. Kilos-loob-_______________________________________ ________________________________________________

16

Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Tayahin

  1. TAMA

  2. MALI

  3. MALI

  4. TAMA

  5. MALI

  6. a

  7. b

  8. e

  9. d

f 10.

  1. a

  2. b

a 13.

b 14.

  1. d

Pagyamanin

Gawain 3

  1. tungkulin

  2. isakilos

  3. malaman

  4. Kaganapan ng tao

  5. kabutihan

  6. Karunungan upang

umunawa

Isaisap

Gawain 5

  1. isip

  2. panlabas na pandamdam

  3. kilos-loob

  4. panloob na pandama

  5. kamalayan

  6. memorya

  7. imahinasyon

  8. instinct

Subukin

TAMA 1.

MALI 2.

TAMA 3.

MALI 4.

TAMA 5.

c 6.

e 7.

d 8.

a 9.

f 10.

a 11.

b 12.

a 13.

b 14.

d 15.

Was this document helpful?

Es P10-Q1-M1-Ang Mataan na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob-Final Copy

Course: Values Education

206 Documents
Students shared 206 documents in this course
Was this document helpful?
CO_Q1_ESP10_Module1
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan Modyul 1:
Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at
Kilos-loob
10