Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

3 Yunit 2 Malikhaing Pagsulat Aralin 3 Mga Uri ng Malikhaing Pagsulat

3 Yunit 2 Malikhaing Pagsulat Aralin 3 Mga Uri ng Malikhaing Pagsulat ppt
Course

Education

999+ Documents
Students shared 9735 documents in this course
Academic year: 2020/2021
Uploaded by:
0followers
11Uploads
15upvotes

Comments

Please sign in or register to post comments.

Related Studylists

tyn

Preview text

Yunit 2: Malikhaing Pagsulat

Aralin 3: Mga Uri ng Malikhaing Pagsulat

Nilalaman
Pansinin 1
Panimula 1
Mga Layunin 2
Tuklasin 3
Alamin 4
Mga Uri ng Malikhaing Sulatin 5
Palawakin 17
Gawain 1 17
Gawain 2 18
Suriin 19
Paglalahat 22
Bibliograpiya 23

Pansinin

Panimula

Lar. 1. Ang pagbabasa ng mga akda ay nakapanghihikayat sa malikhaing pagsulat.  

Bukod sa pagkakaroon ng malikhaing kakayahan at malayang paghaharaya, minsan mo na  bang naisip na isa ring kritikal na kakayahan ang pagsulat ng malikhaing akda? Ibig sabihin,  sa pamamagitan ng pagsasatitik ng manunulat sa nilalamang ideya at substansiya ng  kaniyang malalim na imahinasyon, nagagawang maging buhay ang kaniyang akda sa diwa  ng mga mambabasa nito.  

Tuklasin

5 minuto

Batay sa iyong kaalaman, magtala ng anim hanggang walong malikhaing sulating nabasa na.  Ilagay ang sagot sa tapat ng mga nakaturong linya. 

Pagkatapos ng limang minuto ay humanap ng katambal upang maging kapalitan sa  pagbabahagi ng inyong mga naisulat.  

Mga Gabay na Tanong
  1. Ano-anong uri ng malikhaing sulatin ang inyong naitala? 

  2. Sa iyong mga naisagot, aling uri ng malikhaing sulatin ang may pinakamarami mong  naitala? Bakit?

  3. Anong pagkakataon ang nag-udyok sa iyo upang basahin ang mga nabanggit mon g akda? Palawigin at ibahagi.

  4. Ano o ano-anong katangian ng mga akda ang masasabi mong nagpatingkad sa pagigi ng malikhain ng mga ito? Bakit o paano?

Alamin

Naghahawan ng daan ang pag-unawa ng mga mag-aaral at/o mambabasa sa iba pang mga paksang kaugnay ng kasanayan sa malikhaing pagsulat; upang hindi lamang pormal na maisaulo ang mga impormasyong ukol dito, kundi sa layong maging kri tikal ang pag-iisip at mailangkap ito sa malayang paghaharaya, tungo sa aktuwal na proseso ng malikhai ng pagpapahayag ng sarili—damdamin, saloobin, at/o naratibo.  

Di-kathang-isip

Gumagamit ito ng estilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng makatotohanan at  tumpak na salaysay. Iba ito sa teknikal na pagsulat dahil kahit naghahayag ito ng  katotohanan, mahalaga ang sining at poetika sa daloy ng akda. 

Ayon kay Barbara Lounsberry (1990), may apat na katangian ang malikhaing sulating  di-kathang-isip:  ● maaaring maidokumento ang paksa at hindi basta lamang inimbento ng manunulat; 

● malalim ang pananaliksik sa paksa nang maging buo ang kredibilidad ng tinahing  daloy ng salaysay; 

● mahalaga ang paglalarawan sa tagpuan ng salaysay at ang kontekstuwalisasyon ng  isinasaad na mga danas; at  ● mahusay ang panulat, na tumutukoy sa masining na paglalapat ng manunulat ng  kaniyang mga ideya at saloobin sa kaniyang salaysay at husay niyang gumamit ng  wika. 

Narito sa ibaba ang iba’t ibang anyong sulatin sa ilalim nito. 

a. Talambuhay

Ito ay salaysay ng naging buhay ng isang tao mula sa kaniyang pagkabata at  pinagmulan hanggang sa kinahinatnan ng kaniyang buhay pagtanda. Maaari itong  tingnan sa dalawang anyo: ang sariling talambuhay, o kilala rin sa tawag na  awtobiyograpiya, at ang talambuhay o biyograpiya. Sa una, ang manunulat ang siya  ring mismong paksa ng akda kaya gumagamit ng unang pananaw sa paraan ng  pagsasalaysay; habang sa ikalawa, inilalahad ang naging kaganapan sa buhay ng  isang tao na iniaakda ng ibang tao o manunulat. 

Mga Halimbawa:

● _Jose Rizal: Buhay, Mga Ginawa at Mga Sinulat ng Isang Henyo, Manunulat, _ Siyentipiko, at Pambansang Bayani​ (1997)  ● Talambuhay ni Lope K. Santos​ (1972)  ● On My Terms: The Autobiography of Vicente Tirona Paterno ​ (2014) 

b. Personal na Naratibo

Ito ay salaysay ng mga personal na pangyayari sa buhay ng mismong may-akda.  Karaniwang nilalaman nito ang mga iba’t ibang danas ng sumusulat batay sa  magkakaibang emosyong kaniyang nararamdaman at kung paano ito nakukulayan  sa kaniyang paghaharaya, upang maikuwento nang buhay at masining. 

Mga Halimbawa:

● Talaarawan  ● _Travelogue _ ● Blog ● Testimonyo 

c. Maikling Kuwento

Ito ang mga kuwentong maikli at inaasahang kayang mayari ng mambabasa sa isang  upuan lamang. Sa kabila ng kaiklian, buhay ang paglalarawan at buong nailalahad  ang mga susing pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, at taglay nito ang  kakintalan sa diwa ng mga mambabasa. Sa ilalim ng di-kathang-isip na sulatin,  karaniwang naglalaman ito ng isang partikular na danas ng mismong manunulat, at  maaari din namang hango sa totoong kuwentong nakapukaw sa kaniyang interes. 

Mga Halimbawa:

● “Kabilang sa mga Nawawala” ni Ricardo “Ricky” Lee  ● “Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino” ni Eros S. Atalia  ● “Ngunit Wala Akong Litrato Noong Nasa Nasa Kolehiyo Ako” ni Reuel Aguila 

Kathang-isip

Ito ang paglalahad ng salaysay na walang katotohanan at inimbento lamang ng may-akda  sang-ayon sa pangangailangang makabuo ng isang ganap na kuwento. Bagama’t maaaring  ibatay ng manunulat sa mga taong kaniya nang nakasalamuha o nakasama sa totoong  buhay, nananatiling nakakulong sa sarili niyang imbensiyon ang mga tauhan, danas, at  pangyayaring nilalaman ng kaniyang akda.  Katulad ng di-kathang-isip na malikhaing sulatin, mayroon din itong iba’t ibang anyo gaya ng  sumusunod sa ibaba. 

a. Nobela

Naturingan ding “kathambuhay,” naglalahad at nagtatalakay ito ng madudulang  pangyayari sa buhay ng tao—o iyong pangunahing tauhang sentrong balon ng  tunggalian at pakikipagsapalarang inilalabi ng banghay. Malimit mang ihalintulad sa  maikling kuwento, tiyak ang pagkakaiba ng dalawa; masalimuot ang pagtatahi ng  mga pangyayari sa isang akdang nobela, sapagkat binubuo ito ng mga pangyayaring  hiwa-hiwalay ngunit magkakaugnay, na naglalagay ng higit na pulidong pagtatahi ng  mga kaganapan sa bahagi ng manunulat. 

Mga Halimbawa:

● “​ Walong Diwata ng Pagkahulog​ ” (2009) ni Edgar Calabia Samar  ● “​ Si Amapola sa 65 na Kabanata​ ” (2011) ni Ricardo “Ricky” Lee 

● “​ Gapo​ ” (2012) ni Lualhati Bautista 

b. Nobelita

Kung haba ang pagbabatayan, di-hamak na mas mahaba ito kumpara sa maikling  kuwento ngunit mas maikli kumpara sa isang nobela. Bagama’t maikli, ang mga  elementong taglay sa pagbubuo ng banghay nito at mga sangkap sa kabuuang  estruktura ng akda ay hindi na nag-iiba sa isang nobela.  

Mga Halimbawa:

Sherds​ (2007) ni F. Sionil Jose  ● Goodbye, Barbie​ (1982) ni Edilberto Tiempo 

Pangalawang Larangan: Maikling Nobela​ (1912) ni Alfonso Sujeco 

c. Maikling Kuwento

Ayon sa batikang manunulat at kuwentistang si Genoveva E. Matute, ang maikling  kuwento ay hindi isang pinaikling nobela o kaya ay buod ng isang nobela, kundi  magkaibang anyo ng panitikan ang dalawa. Bagkus, sa kabila ng kaiklian ng maikling  kuwento, buo nitong nailalarawan ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng  pangunahing tauhan at may kalakasang makapag-iwan ng kakintalan sa  mambabasa. 

Mga Halimbawa:

● “Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino” ni Eros S. Atalia 

● “Ang Reyna ng Espada at mga Pusa” ni John Carlos Pacala  ● “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual 

d. Dagli

Sa madaling pagpapakahulugan, isa itong anyong sulating higit na maikli kaysa  maikling kuwento. Sa pangkaraniwan, nasusulat lamang ito sa halos isa hanggang  dalawang pahina. Ilan sa mga kawili-wiling katangian ng dagli ang pagkakaroon ng  mga biglang pihit ng sitwasyong inilalako sa loob ng kuwento, o kaya naman ang mga  suntok-sa-katotohanan ng buhay na matalas na naipamalas ng may-akda. 

Mga Halimbawa:

● “Ang Duyan ng Magiting” ni Dustin Edward Celestino  ● “Kaharian ng Pinto” ni Michelle Josephine Rivera 

● “Kidney for Sale: Bato ng Buhay Ko” ni Arthur Casanova

Alin sa mga nabanggit na sulating kathang-isip ang

malapit sa iyong kawilihang pagyamanin ang

sariling kakayahan sa pagsulat? Bakit?

Panulaan o Tula

Ito ang uri ng malikhaing sulatin o panitikang tampok ang malayang paggamit ng may-akda  sa wika ayon sa estilo at anyong nais niya. Mayaman ito sa mga tayutay na lalong  nagbibigay-rikit sa daloy nito. Madaling natutukoy ang tula bilang malikhaing sulatin gawa  na rin ng ​ pattern​ nito sa paglalapat ng mga katagang karaniwang may tugma (bagama’t  hindi sa lahat ng pagkakataon), sukat o bilang ng mga pantig, at pagkakaroon ng  estrukturang binubuo ng saknong at mga taludtod. 

​Tandaan

Tumutukoy ang ​ tayutay​ sa mismong talinghagang maaaring may  kaugnayan sa paglikha ng tunog at pagpapasidhi ng guniguni at  damdamin (Bisa, 1999 na kay Bernales et al., 2006). 

Basahin at suriin ang iba’t ibang uri ng tula ayon sa ​ pattern​ nito o sa paksang iniikutan ng  daloy ng akda. 

a. Maikli

Tinawag na maikli ang uri ng ganitong tula sapagkat binubuo lamang ang mga ito ng  isang saknong na may tatlo hanggang limang taludtod. 

Mga Halimbawa:

● Haiku ​– Isa sa mga pinakakilalang anyo ng maikling tula at nagmula rin sa  bansang Hapon, binubuo ito ng tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5.  ● Tanaga ​– Sa tradisyonal na tanaga, binubuo ito ng isang saknong na nahahati  sa apat na taludtod sa sukat na 7-7-7-7 at may tugmaang AAAA.  ● Tanka – Nagmula ito sa bansang Hapon, na binubuo ng 31 pantig ang isang  saknong. Nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7. 

b. Liriko o Pandamdamin

Ito ang itinuturing na pinakamatandang uri ng panulaan ng mga makata saanmang  panig ng daigdig. Layunin nitong magpahayag ng mga saloobin at damdamin ng  makata. Tampok dito ang ugnayan ng tulang liriko at ang musikang sinasaliwan ng  instrumentong lira, kaya naman nakilala ito bilang tulang kakantahin o tulang may  katangiang awit. 

Mga Halimbawa:

● Awit (dalitsuyo) ​– tungkol sa pag-ibig  ● Dalit o Himno (dalitsamba) – tungkol sa pagpapala at pagpupuri sa Diyos  ● Elehiya (dalitlumbay) – tungkol sa matinding kapanglawan, pagtangis, at  kamatayan, o maaari ding pahayag ng mga pagguguniguning ukol sa kamatayan  ● Oda (dalitpuri) ​– kaugnay ng paghanga o kaya ay pagbibigay ng parangal,  nagpapahayag ito ng matayog na damdamin o kaisipan  ● Pastoral (dalitbuki) ​– tungkol sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao,  kaugnay ng pangingisda, pagsasaka, pagpapastol, at iba pa  ● Soneto (dalitwari) ​– binubuo ng labing-apat na taludtod, na ang mga pahayag  ay may kaakibat na matinding damdaming bunga ng mabigat na  pagkukuro-kurong isinaad ng akda 

● Madamdamin (​ Melodrama​ ) ​– dulang patula na nakaukol sa paglalarawan ng  galaw na may kaakibat na matinding damdamin  ● Mag-isang Salaysay (​ Dramatic Monologue​ ) – tampok dito ang isang taong  nagsasadula ng tula mula simula hanggang wakas ● Parsa (​ Farce​ ) ​– tampok dito ang mga eksaheradong linya, galaw ng mga  tauhan, at tagpo, at nangangailangan ng mahusay na pagtatanghal ng mga  nagsisiganap 

e. Patnigan

Isang uri ito ng tulang itinatanghal ng magkatunggaling makata, na nagpapaligsahan  ng kani-kaniyang katwiran at nagtatagisan ng talas sa pagtalos ng kanilang  paksang-usapin. 

Mga Halimbawa:

● Balagtasan ​– Sa paraang patula, masining na naglalahad ng kani-kanilang  saloobin at pananaw ang dalawang panig ng makatang nagdidiskurso hinggil  sa isang paksa. Hango ito sa ngalan ni Francisco Balagtas, na naging tanyag sa  gayong uri at sining ng pakikipagtalastasan.  ● Batutian ​– Hango sa uring balagtasan at ipinangalan kay Huseng Batute (Jose  Corazon de Jesus), ginagawa ito sa mga lamayan upang libangin ang mga  naglalamay. Naglalaman ito ng mga linyang lubhang katawa-tawa ngunit  kaakibat ay katotohanang may halong yabang, panunudyo, o pag-iiwan ng  palaisipan.  ● Duplo ​– Hango sa mga kasabihan, salawikain, at berso sa Bibliya ang  inihahayag ng magkatunggaling makata, na nagpapagalingan sa pagbigkas at  pagbibigay-katwiran ng kanilang panig.  ● Karagatan ​– Ito ay pagtulang itinuturing na “libangang itinatanghal.” Mula ito  sa isang alamat ng isang singsing ng prinsesang nahulog sa dagat. 

Sa ano-anong layunin mo nais gamitin ang

panulaan o tula bilang daluyan at paraan ng

pagpapahayag ng iyong sarili? Paano?

Napansin mo ba? Taglay ng mga natukoy nating mga uri ng malikhaing sulatin ang mga  katangiang inaasahan sa isang malikhaing akda; ang malikhaing pagpapahayag sa  pamamagitan ng paggamit ng idyoma at tayutay, ang aestetikong anyo, ang mga paksang  unibersal o pandaigdigan, at ang pagtataglay ng kawalang-maliw. 

Makatutulong kung titiyakin sa mga sarili ang mga nabanggit na katangian ng malikhaing  sulatin kung magagawang tuklasin ang mga kuwentong nakapaloob sa mga nabanggit na  halimbawa sa bawat anyo ng panitikang tinalakay. Sa ganitong paraan, hindi mo lamang  masisipat ang mga konseptuwal na paksang tinalakay sa buong yunit, kundi malalantad ka 

sa sining ng pagsulat na tiyak masusumpungan sa banghay ng mga akda.

​Tandaan

Ayon kay Jun Cruz Reyes (The Varsitarian, 2014), isang batikang manunulat at mananaliksik ng kasalukuyang panahon, pinatatatag o  pinarurupok ng ​ pananaliksik​ ang pundasyon ng anumang akda,  maging sa malikhaing pagsulat. Kaya naman, mahalaga pa rin ang  gawaing pananaliksik upang mapunuan ng may-akda ang mga  mabubuong katanungan sa mga mambabasa habang at/o matapos  na mabasa ang akda nito. 

Nililinaw rito na ang bungang saliksik sa malikhaing pagsulat ay  inilalapat sa ​ tagpuan​ o ​ setting​ , dahil kaakibat lagi nito ang ​ kulturang   iniinugan​ ng ginagawang akda. 

Gawain 2

Pumili ng isang partikular na anyo ng malikhaing akda—alinman sa ilalim ng tinalakay na  mga uri ng malikhaing sulatin—na nais mong gawin sang-ayon sa kawilihan at kakayahang  matapos sa itinakdang oras. Pumili ng gagamiting paksa mula sa sumusunod sa ibaba.  a. Pamilya  b. Kaibigan  c. Kalayaan  d. Panitikan 

​Gabay sa Pagsagot

● Mahalagang nakikilala ang mga katangiang namumukod sa bawat isang uri ng  malikhaing sulatin at iba’t ibang anyong nakapasailalim sa mga ito.  ● Para sa makabuluhang pagsulat ng malikhaing akda, magsimula sa uri ng malikhaing sulating malapit sa iyong kawilihan bilang mambabasa at sensibilidad  bilang naghaharaya.   ● Hayaan munang dumaloy ang mga kataga sa iyong isip at isatitik ito sa iyong  papel. Pinakamahalaga sa pagsulat nang malikhain ang pagsasanib ng ideya at  damdamin upang matatas ng manunulat nang wasto ang mensaheng nais  ipabatid. 

Suriin

A. Sagutin ang sumusunod at ipaliwanag sa sariling  pangungusap. 

  1. Ano-ano ang batayang katangian ng isang malikhaing sulating di-kathang-isip? 

  2. Ano-ano ang batayang katangian ng isang malikhaing sulating kathang-isip?

 

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

3 Yunit 2 Malikhaing Pagsulat Aralin 3 Mga Uri ng Malikhaing Pagsulat

Course: Education

999+ Documents
Students shared 9735 documents in this course
Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 24 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
Yunit 2: Malikhaing Pagsulat
Aralin 3: Mga Uri ng Malikhaing Pagsulat
Nilalaman
Pansinin 1
Panimula 1
Mga Layunin 2
Tuklasin 3
Alamin 4
Mga Uri ng Malikhaing Sulatin 5
Palawakin 17
Gawain 1 17
Gawain 2 18
Suriin 19
Paglalahat 22
Bibliograpiya 23

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.