Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

AP9 Q1 W1 3 Module 1 Kahalagahan at Kahulugan ng Ekonomiks

Course

Readings in Philippine History (GE 6)

456 Documents
Students shared 456 documents in this course
Academic year: 2021/2022
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Western Philippines University

Comments

Please sign in or register to post comments.

Related Studylists

AP Q1

Preview text

Araling

Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 1:

Kahulugan at Kahalagahan ng

Ekonomiks

9

Araling Panlipunan – Ika-siyam na baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region03@deped.gov

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Raquel C. Castro Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librado M. Rubio, PhD Angelica M. Burayag, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Nestor P. Nuesca, EdD Marie Ann C. Ligsay, PhD Amando P. Yutuc, PhD Emily F. Sarmiento, PhD

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan -9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 9 ) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa (kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks)

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

iii

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Alamin

Ang modyul na ito ay nakatuon sa kahulugan at kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks na kung saan binibigyan diin nito kung paano gagamitan ang matalinong pagpapasya sa kabila ng kakapusan na nararanasan ngunit may walang hanggang pangangailangan ang tao.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang bahagi: A. Kahulugan ng Ekonomiks B. Kahalagahan ng Ekonomiks

Pagkatapos mong maisakatuparan ang mga gawain, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod na kasanayan:

  1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan; at ( AP9MKE-Ia-1)
  2. natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan**. (AP9MKE-la-2-3)**

Kaugnay nito, inaasahan din na maisasakatuparan mo ang mga sumusunod na mga kakayahan:

1 kahulugan ang Ekonomiks;

  1. napapahalagahan ang pag-aaral ng Ekonomiks; at 1.3-aaply ang kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw- araw na pamumuhay bilang mag-aaral bilang kasapi ng pamilya at lipunan.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik at isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang pinaka-angkop na kahulugan ng ekonomiks? a. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng likas na yaman b. Ito ay may kinalaman sa tamang paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. c. Ito ay bahagi ng siyensiya na pinakamahalagang salik sa lipunan d. Ito ay pag-aaral sa tao at lipunan

  1. Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang griyego na ibig sabihin ay pamamahala ng tahanan/bahay a. oikonomos b. oikonomiks c. oikonomia d. oikonomiya

  2. Ang hindi paggamit ng tamang pagpapasya sa pagkonsumo ng mga pinagkukunang yaman ay maaring magbunga ng a. kakapusan b. kasaganaan c. kaayusan d. kapayapaan

  3. Ang mga sumusunod ay konsepto sa pag-aaral ng ekonomiks maliban sa isa: a. tamang pagbabadget b. tamang pagpapasya c. tamang pagtitipid d. tamang pagboto

  4. Sa konsepto ng ekonomiks sa bawat pagpapasya ay kalimitang may pagpili o pagsasakripisyong nagaganap kapalit ng ibang bagay ito ay tinatawag na? a. trade off b. lay off c. dayoff d. opportunity cost

  5. Ito ay ang halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. a. seguridad b. alternatibo c. opportunity cost d. pagpapasya

  6. Ang konseptong ito ay mahalaga sa pagtukoy sa mga karagdagang halaga maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha sa gagawing desisyon. a. Planning b. Decision making c. Marginal setting d. Marginal thinking

  7. Ang gustong ibigay ng tagapaglikha ng produkto na maaaring makahikayat sa mga manggagawa. a. sick leave c. vacation b. day off d. incentives

  8. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng matalinong pagdedesisyon maliban sa isa: a. kapag ang ginawang desisyon ay maaring makatulong sa pamilya b. kapag ang ginawang desisyon ay nagamit sa mahahalagang usaping pang ekonomiko c. kapag ang ginawang desisyon ay may kaugnayan sa pagpapaunlad para sa sariling kapakanan. d. kapag ang ginawang desisyon ay maaring humubog sa iyong pag- unawa at gawi na makakatulong sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.

Paalala: Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Tayong lahat ay madalas nakakaranas ng mga iba’t ibang suliranin. Bilang isang mag-aaral, madalas kulang ang baon para sa mga personal at kailangan sa eskuwelahan ngunit ayaw mong humingi pa sa iyong mga magulang dahil alam mo na kapos din ang pamilya sa araw araw na pangangailangan. Pagdating mo sa eskuwelahan narinig mong nagkukuwentuhan ang iyong mga kaklase na kulang o hindi daw sapat ang sahod ng kanilang magulang kung kayat sila’y walang baon sa araw na iyon.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mapapansin mo na ang lahat ng mga suliranin na nararanasan araw-araw ay may kaakibat na solusyon. Mas madalas nga, higit ninyong natutugon ang mga pangangailagan sa bahay sampu ng iyong mga kaklase. Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano ang kaugnayan mo sa ekonomiks at ang araw-araw mong ginagawa? Nakakatulong nga ba ang ekonomiks sa iyong pang araw-araw na pamumuhay at paano mo ito binibigyang halaga?

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng mga matalinong pagpapasya na mai-aaply sa pang araw-araw na pamumuhay.

Halika’t alamin natin kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks at papaano ito makakatulong sa iyo bilang isang mag-aaral.

Tuklasin

Sinasabing nakatuon ang Ekonomiks sa pag-aaral kung paano matutugunan ng limitadong pinagkukunang-yaman ang walang katapusang pangangailangan ng tao.

Panuto: Bumuo ng sampung (10) salita (English o Tagalog) na nagmula sa salitang Ekonomiks. Mga salitang maaring may kinalaman sa pang araw-araw na gawain sa iyong buhay Maaring maulit ang letra kung kinakailagan at sagutin ang mga pamprosesong tanong. Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

Halimbawa: E K O N O M I K S - INOM, SINE, KOMIKS

1 6.

2 7.

3 8.

4. 9.
5. 10.

Pamprosesong Tanong:

1. Naging madali ba ang pagbibigay ng kahulugan sa bawat letra ng
ekonomiks? Kung oo, bakit? Kung hindi, bigyan ng paliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Sa mga nabuong mga salita, Alin sa mga ito ang palagi mong ginagawa o

ginagamit? Bakit?




3. Alin sa mga salitang nabuo ang may kaugnayan sa iyong pang araw –araw
na pamumuhay bilang isang mag-aaral?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Sa madaling salita, ang Ekonomiks ay bahagi na ng isang tao o lipunan at naapektuhan nito ang gawi, isip at pagkilos niya sa araw-araw.

B. Kahalagahan ng Ekonomiks

Sa pag-aaral ng ekonomiks, mahalagang malaman na ang tamang pagdedesisyon sa pagtugon sa tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng isang tao ay isa sa pinakamahalagang usapin na binibigyan ng sapat na pansin sa agham na ito.

Bilang mag-aaral, mahalaga na magkaroon ka ng kaalaman sa konsepto ng Ekonomiks dahil mahuhubog nito ang pagiging mapanuri at pagiging matalino sa paggawa ng desisyon.

Bilang kasapi ng pamilya maari mong magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pamamagitan ng matalinong pagasta, kahalagahan ng pag-aaral ng mabuti at pagkakaroon ng matalinong desisyon sa pagtugon sa iyong mga pangangailangan o kaya naman sa iyong mga kagustuhan.

Bilang bahagi ng lipunan nagagamit natin ang kaalaman sa ekonomiks upang lubusang maunawaan ang mga napapanahong usapin na may kinalaman sa mga programang ipinatutupad ng ating bansa.

Matatandahan na maraming mahahalagang konsepto ang ibinigay ng mga eksperto para mabigyan ng kahulugan ang ekonomiks kaugnay nito masasabi natin na ang kahulugan ng ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa tamang paggamit ng mga limitadong yaman upang matugunan ang tila walang katapusang pangangailangan ng tao.

Mga mahahalagang konsepto na dapat isa-alang alang sa pag-aaral ng ekonomiks upang makabuo ng matalinong pagpapasya.

Kakapusan - Ito tumutukoy ito sa pangmatagalang kalagayan kung saan ang mga pinagkukunang-yaman ay hindi sapat para matugunan ang mga hindi maubos-ubos na pangangailangan ng tao.

Alokasyon - Tumutukoy sa tamang pagbabaha-bahagi ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang tumugon sa nagpapaligsahang gusto o kailangan ng mga tao.

Produksiyon - Ito ay ang proseso ng paggawa o pagbuo ng mga produkto o serbisyo na siyang tutugon sa mga pangangailangan ng tao.

Trade-Off - Ang kapalit ng pinili nating desisyon kung saan isinasakripisyo natin ang isang bagay kapalit ng pinili natin. Mahalaga ito sapagkat sa pamamagitan nito ay maaring mong masuri ang mga pagpipilian upang makabuo ng magandang resulta.

Opportunity Cost - tumutukoy sa halaga ng isang bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa mo ng desisyon. (Case, Fair at Oster,2012). Isa halimbawa ay gustong gusto mong maglaro ng computer games ngunit naiisip mo ang mga takdang aralin na iyong dapat tapusin. Alam mong hindi mo ito magagawa ng sabay kung kaya’t kailangan mong pumili. Ang halaga ng pag-aaral ay kasing halaga rin ng kaligayahang maidudulot ng paglalaro mo sa kompyuter.

Marginal Thinking - Ang konseptong ito ay mahalaga sa pagtukoy sa karagdagang halaga ng paggawa ng produkto. Sa paggawa ng mga produkto, ang mahalagang desisyon na maaaring gawin ng prodyuser ay ibuhos ang mga pinagkukunang-yaman o pondo kung saan kikita nang mas malaki kaysa sa ginastos sa paggawa ng produkto.

Incentives - Ang gustong ibigay ng tagapaglikha ng produkto. Tulad halimbawa ng pag-aalok ng mas mura pero de-kalidad na produkto o serbisyo ng isang kumpanya. Ang pagbibigay ng insentibo sa trabahao kapag ikaw ay walang pagliban ay maaring makahikayat sa isang manggagawa na masipag at pumasok araw-araw.

Ang mga kaalaman sa mahahalagang konsepto ng ekonomiks ay makakatulong sa pagbuo ng matalinong desisyon upang masagot ng rasyonal ang mga suliraning maaaring maranasan araw-araw.

Malaki rin ang naitutulong ng ekonomiks dahil maaari rin itong magbigay- daan sa pagkakaroon natin ng interes sa iba’t ibang usapin ng ating bayan tulad ng nararanasan natin sa kasalukuyang pandemya (Covid 19) na makakatulong sa pagpapaliwanag sa iba, kung ano-ano ang possibleng maging epekto nito sa ating pamumuhay at sa ating ekonomiya, Pero higit rito ay ang inaasahang pagiging aktibong kabahagi lalo na sa panahon na kailangan para sa makamit ng makabuluhang ang pagbabago at pag-unlad sa ating lipunan.

KONSEPTO NG EKONOMIKS

Panuto : Punan ng mga mahahalagang konsepto sa ekonomiks ang mga sumusunod na palaso (arrow). Bigyan ng paliwanag bakit ito makakatulong sa paglutas sa mga suliraning nararanasan araw-araw.

E K O N O M I K S
T CHART NA YAN!

Panuto: Gamit ang T –Chart ibigay ang kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks. Mula sa nabuong chart, sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa iyong naunawaan sa gawain. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kahulugan ng Ekonomiks Kahalagahan ng Ekonomiks

HALIKA PAG-ISIPAN NATIN
M A T A L I N O N G
P A G P A P A S Y A

Panuto: Piliin ang titik ng sa tingin ninyo ay pinakaangkop sa iyong sitwasyon. Bigyan ng paliwanag bakit ito ang iyong napili. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Ngayong panahon ng pandemya, anong oras ako gigising para mag-aral? a. 6:00 a b. 7:00 a c. 8:00 a d. 9:00 a ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________
  2. Tapos na akong mag-aral ng leksyon, ano ang aking gagawin? a. Maglalaro sa labas b. kakain c. matutulog d. pupunta sa aking kaibigan
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
  1. Kung papayagan ng mag-aral sa eskuwelahan pagkatapos ng pandemya, sisiguraduhin kong a. magiging masaya ako b. magtitipid ako c. mag-aaral ng mabuti d. makahanap ng bagong kaibigan
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
  1. Kung ako ay magtatrabaho, sa unang sahod ko bibili ako ng: a. sapatos b. cellphone c. ibibigay sa aking nanay d. ilalagay sa alkansya
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
  1. Eco bag ang aking dadalhin sa pamamalengke dahil: a. Mas makakamura b. mainam sa kapaligiran c. magandang tingnan d. mas komportable
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Paano ba Magpasya?

Panuto: Isulat ang opportunity cost ng bawat pasya na ginawa sa katumbas na kolum.

PASYA OPPORTUNITY COST Pag-uwi ng maaga mula sa eskuwelahan Pagbabaon ng sariling pagkain sa eskuwalahan Paglalaro sa kompyuter

Pagtulog ng maaga

Pamamasyal

Pagbisita sa mga kaibigan

Pagtatrabaho pagkatapos ng high school

Isaisip

Tandaan!

Ang ekonomiks ay bahagi ng buhay ng isang tao. Ito ay isang pag-aaral sa tamang paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Dapat matutunan ang konsepto ng kakapusan, alokasyon at produksiyon upang matugunan ang mga suliraning pang-ekonomiya. Mahalaga ang tamang pagdedesisyon upang higit na matamo ng isang tao ang pinakamataas na antas ng paggamit o pakinabang sa napili niyang desisyon.

Panuto: Bumanggit ng konsepto at kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks para sa kabataang tulad mo at magbigay ng sitwasyon na naranasan ngayong pandemya at papaano nakakatulong ang kahalagahan at konsepto ng ekonomiks para sa iyo.

Isagawa

Eko-larawan

Panuto : Gumawa ng poster o tula tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks at ang kaugnayan nito sa iyong pang-araw-araw na buhay.

  • Sitwasyon

Konsepto ng Ekonomiks

  • Sitwasyon

Kahalagahan ng Ekonomiks

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

AP9 Q1 W1 3 Module 1 Kahalagahan at Kahulugan ng Ekonomiks

Course: Readings in Philippine History (GE 6)

456 Documents
Students shared 456 documents in this course
Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 27 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
Araling
Panlipunan
Unang Markahan Modyul 1:
Kahulugan at Kahalagahan ng
Ekonomiks
9

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.