Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Limang Pinakamapinsalang Bagyo sa Pilipinas sa Ika-21 Siglo

Ang Pilipinas ay kilala bilang isang tropikal na bansa na mayroon lama...
Course

Filipino (FIL121)

59 Documents
Students shared 59 documents in this course
Academic year: 2020/2021
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Far Eastern University

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Limang Pinakamapinsalang Bagyo sa Pilipinas sa Ika-21 Siglo

Ang Pilipinas ay kilala bilang isang tropikal na bansa na mayroon lamang dalawang uri ng klima—ang tag-ulan at tag-init. Alang- alang sa lokasyon nito na naka- sentro sa bahagi ng ekwador, nasa silangan rin nito ang pinakamalaking karagatang pasipiko na kaya’t naging dahilan kung bakit ang Pilipinas ay madalas na sinasalanta ng bagyo. Karaniwang nabubuo ang mga bagyo sa maiinit o maligamgam na tubig kaya nama’y karamihan sa mga bagyo ay nabubuo sa karagatang ito at pumapatungo sa Pilipinas. Dahil isa sa mabibigat na problema ng Pilipinas ang kahirapan, ang mga mamamayan at mismong pamahalaan nito ay nahirapang umahon at pangasiwaan ang pinsala ng dinulot ng limang nangungunang bagyo ng tatalakayin ko.

Pang-lima—Bagyong Sendong o kilala rin sa pang-internasyonal nitong pangalan bilang Typhoon Washi. Ang Bagyong Sendong ay dumayo sa Pilipinas noong disyembre 2011. Tinamaan nito ang hilaga ng kapuluhang mindanao at kung saan tinangay nito ang mga puno’t bahay sa pagbaha at pagguho ng mga lupa. Sa takbo nitong siyamnaput limang kilometro bawat oras, labis isang libo ang nasawi at 1,114,229 katao naman ang naapektuhan nito. Umabot ito ng ilang buwan bago maibalik ang estado’t suplay ng mga kuryente sa mga lugar na naapektuhan nito.

Pang- apat—Bagyong Pepeng o kilala rin bilang Typhoon Parma. Sinakop nito ang lalawigan ng Luzon partikular na ang lambak ng Cagayan at Cordillera noong 2009 ng septyembre hanggang oktubre. Pumasok ito sa Pilipinas sa panahong paga-ahon ng mga tao mula sa Bagyong Ondoy at nanatili pa ng dalawang linggo. May takbo ito nang 195 km/hr na siyang nagdulot ng pagguho ng lupa at mas nagpalala sa pinsalang naranasan ng rehiyon. Mas mababa ang bilang ng mga nasawi rito kaysa sa Bagyong Sendong ngunit 954,087 na pamilya at 4,478,491 katao ang naapektuhan dito.

Pangatlo—Bagyong Frank o kilala rin bilang Typhoon Fengshen. Sa takbong 172 km/hr , higit sa 155,500 na bahay ang nasira nito at 4,785,460 katao naman ang naapektuhan. Sa takbong 173 km/hr, labis isang daan ang nasawi rito at karamihan sa mga ito ay nang dahil sa lumubog na barkong “Princess of the Stars” dulot ng malalakas at matataas na daluyong ng dagat. Winasak nito ang kapuluhang Visayas lalong lalo na ang bahagi ng Iloilo dahil sa malawakang pagbaha nito noong Hunyo 2008.

Pangalawa—Bagyong Pablo o Typhoon Bopha. Ang bagyong ito ay nabuo noong Nobyembre 2012 at pumapangalawa sa pinakamalakas na bagyong dumaan sa Pilipinas sa Ika-21 na Siglo. Nagdulot ito ng malawakang pagbaha sa timugang bahagi ng mindanao na kung saan ay, bihira lamang tamaan ng mga bagyo. Anim na milyong katao at higit pitong daang libong pamilya naman ang naapektuhan dito. Bukod doon ay higit isang libong buhay naman ang nasawi sa takbo nitong 185km/hr. N agdulot ito ng

malawakang pagbaha’t malakas na hangin na siyang naging dahilan ng pagkasira ng mga bahay at pananim ng mga magsasaka sa probinsya.

At ang panghuli at nangungunang pinakamapinsala’t pinakanakamamatay na bagyo na dumaan sa Ika-21 na Siglo sa Pilipinas ay walang iba kundi ang Bagyong Yolanda na tinatawag ring Super Typhoon Haiyan. Ito ang pumapangalawa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas sa buong kasaysayan nito. Sa takbong 230 km/hr, anim na libong buhay ang nasawi at mahigit labing anim na milyon naman ang naapektuhan nito lalong lalo na sa lalawigan ng Samar at Leyte pati narin ang bahagi ng Tacloban. Napakalaking pinsala at pagwasak ang nagawa nito na nag bigay ng bangungot at pagkabigla sa mga mamamayang Pilipino.

Base sa mga naitala kong ito, maaaring mangyari muli o may mas darating pa na mas malakas na bagyo kaysa mga ito. Mainam na tayong mga Pilipino ay laging handa sa mga posibleng mangyayari lalong lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Manatiling nakatutok sa ulat ng panahon upang maging alerto at mapaghandaan ang dapat paghandaan.

MGA SANGGUNIAN

Wikipedia. (2020). Talaan ng mga Sakuna sa Pilipinas. Mula sa tl.wikipedia/wiki/Talaan_ng_mga_Sakuna_sa_Pilipinas

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Limang Pinakamapinsalang Bagyo sa Pilipinas sa Ika-21 Siglo

Course: Filipino (FIL121)

59 Documents
Students shared 59 documents in this course
Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 3 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
Limang Pinakamapinsalang Bagyo sa Pilipinas sa Ika-21 Siglo
Ang Pilipinas ay kilala bilang isang tropikal na bansa na mayroon lamang
dalawang uri ng klima—ang tag-ulan at tag-init. Alang-alang sa lokasyon nito na naka-
sentro sa bahagi ng ekwador, nasa silangan rin nito ang pinakamalaking karagatang
pasipiko na kaya’t naging dahilan kung bakit ang Pilipinas ay madalas na sinasalanta ng
bagyo. Karaniwang nabubuo ang mga bagyo sa maiinit o maligamgam na tubig kaya
nama’y karamihan sa mga bagyo ay nabubuo sa karagatang ito at pumapatungo sa
Pilipinas. Dahil isa sa mabibigat na problema ng Pilipinas ang kahirapan, ang mga
mamamayan at mismong pamahalaan nito ay nahirapang umahon at pangasiwaan ang
pinsalang dinulot ng limang nangungunang bagyong tatalakayin ko.
Pang-lima—Bagyong Sendong o kilala rin sa pang-internasyonal nitong pangalan
bilang Typhoon Washi. Ang Bagyong Sendong ay dumayo sa Pilipinas noong disyembre
2011. Tinamaan nito ang hilaga ng kapuluhang mindanao at kung saan tinangay nito
ang mga puno’t bahay sa pagbaha at pagguho ng mga lupa. Sa takbo nitong siyamnaput
limang kilometro bawat oras, labis isang libo ang nasawi at 1,114,229 katao naman ang
naapektuhan nito. Umabot ito ng ilang buwan bago maibalik ang estado’t suplay ng mga
kuryente sa mga lugar na naapektuhan nito.
Pang-apat—Bagyong Pepeng o kilala rin bilang Typhoon Parma. Sinakop nito ang
lalawigan ng Luzon partikular na ang lambak ng Cagayan at Cordillera noong 2009 ng
septyembre hanggang oktubre. Pumasok ito sa Pilipinas sa panahong paga-ahon ng mga
tao mula sa Bagyong Ondoy at nanatili pa ng dalawang linggo. May takbo ito nang 195
km/hr na siyang nagdulot ng pagguho ng lupa at mas nagpalala sa pinsalang naranasan
ng rehiyon. Mas mababa ang bilang ng mga nasawi rito kaysa sa Bagyong Sendong
ngunit 954,087 na pamilya at 4,478,491 katao ang naapektuhan dito.
Pangatlo—Bagyong Frank o kilala rin bilang Typhoon Fengshen. Sa takbong 172
km/hr, higit sa 155,500 na bahay ang nasira nito at 4,785,460 katao naman ang
naapektuhan. Sa takbong 173 km/hr, labis isang daan ang nasawi rito at karamihan sa
mga ito ay nang dahil sa lumubog na barkong “Princess of the Stars” dulot ng malalakas
at matataas na daluyong ng dagat. Winasak nito ang kapuluhang Visayas lalong lalo na
ang bahagi ng Iloilo dahil sa malawakang pagbaha nito noong Hunyo 2008.
Pangalawa—Bagyong Pablo o Typhoon Bopha. Ang bagyong ito ay nabuo noong
Nobyembre 2012 at pumapangalawa sa pinakamalakas na bagyong dumaan sa Pilipinas
sa Ika-21 na Siglo. Nagdulot ito ng malawakang pagbaha sa timugang bahagi ng
mindanao na kung saan ay, bihira lamang tamaan ng mga bagyo. Anim na milyong katao
at higit pitong daang libong pamilya naman ang naapektuhan dito. Bukod doon ay higit
isang libong buhay naman ang nasawi sa takbo nitong 185km/hr. Nagdulot ito ng

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.