Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

ESP 10 Quarter 1 LM - A learning module for EsP 10

A learning module for EsP 10
Course

BSED- Filipino

461 Documents
Students shared 461 documents in this course
Academic year: 2014/2015
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Bohol Island State University

Comments

Please sign in or register to post comments.
  • Student
    thank you so much! It really helps

Related Studylists

PRINCESSEsp10

Preview text

Edukasyon sa Pagpapakatao

Modyul para sa Mag-aaral

Yunit 1

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

10

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 ISBN:

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names , tatak o trademarks , palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala ( publisher ) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD

Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Mga Konsultant: Manuel B. Dy Jr., PhD at Fe A. Hidalgo, PhD Editor: Luisita B. Peralta Mga Manunulat: Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Goeffrey A. Guevara, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul, Glenda N. Rito, at Sheryll T. Gayola Tagaguhit: Gilbert B. Zamora Naglayout: Jerby S. Mariano Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo, Jr., Elizabeth G. Catao, at Luisita B. Peralta

Inilimbag sa Pilipinas ng FEP Printing Corporation Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634- E-mail Address: imcsetd@yahoo

Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10
Unang Markahan

MODYUL 1: ANG MGA KATANGIAN NG

PAGPAPAKATAO

A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?

“Sa bawat kilos ko, anong uri ng tao ang binubuo ko sa aking sarili?”

Ngayong nasa Baitang 10 ka na, naitanong mo na ba ang tanong na ito sa iyong sarili? Nakatulong ba ang mga konseptong natutuhan mo sa mga modyul sa mga nakaraang baitang sa Edukasyon sa Pagpapakatao, lalo na ang Modyul 5 hanggang Modyul 8 sa Baitang 7? Malinaw ba sa iyo ang uri ng tao na binubuo mo sa iyong sarili? Kung pangarap mong maging matagumpay na propesyonal (tulad ng isang guro, guidance counselor o negosyante) o manggagawa na produktibo at nakikibahagi sa pag-unlad ng iyong pamayanan at bansa, ano-anong mga pagpapahalaga kaya ang makatutulong upang mabuo ang tao na iyong pinapangarap? Magandang tanungin ang iyong sarili sa panahon ng mga tukso at pag-aalinlangan na para bang nakatingin ka sa salamin: Anong uri nga ba ng tao ang binubuo ko sa aking sarili?

Marahil dahil sa iyong kalayaan, naisasakilos mo agad ang anumang naisip nang walang pagmumuni. Mahalagang isaalang-alang na ang bawat pasiya at kilos mo ay may epekto sa pagkataong hinuhubog mo sa iyong sarili. Paano kung sa huling yugto ng iyong buhay ay magulat ka sa iyong nakamit na pagkatao - dahil hindi pala ito ang nilayon mo? Ano-ano ang dapat mong gawin upang ang pagkataong hinuhubog mo sa iyong sarili ay magugustuhan mo, kapuri-puri sa iyong kapuwa at pamayanan at katanggap-tanggap sa Diyos?

Sa modyul na ito, inaasahan ang pagsagot mo sa Mahalagang Tanong na: Paano makatutulong sa tao ang mga katangian ng pagpapakatao upang magampanan niya ang kaniyang misyon sa buhay tungo sa kaniyang kaligayahan?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1 Natutukoy ang mga katangian ng pagpapakatao 1 Nasusuri ang sarili kung anong katangian ng pagpapakatao ang makatutulong sa pagtupad ng iba’t ibang papel sa buhay (upang magampanan ang kaniyang misyon sa buhay) 1 Napatutunayan ang Batayang Konsepto ng aralin 1 Nailalapat ang mga tiyak na hakbang upang paunlarin ang mga katangian ng pagpapakatao

Naririto ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kasanayang Pampagkatuto 1:

a. May malinaw na Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) b. Natukoy ang iba’t ibang papel sa buhay batay sa kaniyang PPMB c. Natukoy ang mga konkretong gawain upang matupad ang iba’t ibang papel sa buhay d. Natukoy ang mga katangian ng pagpapakatao na nahuhubog sa pagsasagawa ng mga konkretong gawain na natukoy

Paunang Pagtataya

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.

  1. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao?” a. May isip at kilos-loob ang tao. b. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang kaganapan. c. Tapat ang tao sa kaniyang misyon. d. May konsensiya ang tao.

  2. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao?” a. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao. b. Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa parehong sitwasyon. c. Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya habang siya ay nagkakaedad. d. May kakayahan ang tao na itakda ang kaniyang kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan.

c. Maraming magagawa ang isip ng tao. d. Gamit ang pagmumuni-muni, nalalaman ng tao ang mga bagay na hindi niya alam.

  1. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinakita ni Buddha sa pangungusap? Noong nakita ni Buddha ang apat na lalaki – isang matanda, may ketong, bangkay, at pulubi, nakabuo siya ng buod ng buhay: Ang buhay ay isang pagdurusa. a. May kamalayan sa sarili b. Umiiral na nagmamahal c. May kakayahang kumuha ng esensiya ng mga umiiral

d. Tumutugon sa tawag ng paglilingkod

  1. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinamalas ni Mother Teresa sa talata?

Sa kaniyang pagninilay, narinig niya ang tawag ng paglilingkod sa labas ng kumbento – ang tulungan ang mga batang napabayaan, mga taong hindi minahal at may sakit na hindi inalagaan. Ginamit niya ang kaniyang kaalaman sa panggagamot at kakayahan sa pagtuturo upang tugunan ang pangangailangang pisikal at espiritwal ng mga mahihirap.

a. May kamalayan sa sarili b. Umiiral na nagmamahal c. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral d. May pagtanggap sa kaniyang mga talento

  1. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kaniyang misyon sa buhay na siyang magiging daan tungo sa kaniyang kaligayahan? a. Mga katangian ng pagpapakatao b. Mga pangarap at mithiin c. Mga talento at kakayahan d. Kasipagan at katapatan
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Gawain 1

Panuto:

  1. Suriin ang kasabihang: “Madaling maging tao, ngunit mahirap magpakatao.”

  2. Sa gabay ng inyong guro, hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Pag-uusapan ng bawat pangkat ang kahulugan ng kasabihan. Sasagutin ang tanong na: Ano ang mga katangian ng tao at ng nagpapakatao? Bawat kasapi ng pangkat ay magbibigay ng kaniyang opinyon.

a. Isusulat ng isang miyembro ng pangkat sa isang kartolina o i- encode sa laptop ang matrix sa ibaba:

Mga Katangian ng Tao Mga Katangian ng Nagpapakatao

Hal.: May isip at kilos-loob Ginagamit ang isip para sa paghahanap ng katotohanan

b. Pagkatapos, bubuo ang bawat pangkat ng konsepto o buod mula sa mga sagot na lumabas sa talakayan.

c. Ibabahagi ng lider ng pangkat ang kanilang output sa klase.

  1. Sagutin ang mga tanong ng guro tungkol sa pangkatang gawain:

a. Batay sa mga sagot ng mga pangkat, ano-ano ang pagkakaiba ng pagiging tao sa pagpapakatao? b. Bakit sinasabi sa kasabihan na madaling maging tao? Bakit mahirap magpakatao? Ipaliwanag.

  1. Pagkatapos, isasadula ng bawat pangkat sa malikhaing paraan sa loob ng tatlong minuto ang taong nagpapakatao (halimbawa: pagbisita sa mga bilanggo o maysakit).

  2. Pagkatapos ng dula-dulaan, sagutin ang sumusunod na tanong sa klase:

a. Ano-anong katangian ng pagpapakatao ang napansin mo sa mga dula-dulaan?
b. Kung isasabuhay mo ang mga katangian ng pagpapakatao, ano ang kabutihang

idudulot nito?

c. Ano ang magsisilbing gabay ng lahat ng iyong mga pagpupunyagi na

dapat mong buuin upang makamit ang tagumpay at tunay na kaligayahan? Ipaliwanag.

C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN,
AT PAG-UNAWA

Gawain 3

Panuto sa Pang-isahang Gawain:

  1. Batay sa ginawa mong PPMB sa Gawain 1, tukuyin ang mga dapat mong gawin upang matupad mo ang iyong misyon (na nakalahad sa iyong PPMB) sa iba’t ibang papel na ginagampanan mo sa buhay (halimbawa bilang anak, kapatid, kamag-aral, kabataan sa pamayanan, kaibigan ng kaklase, at anak ng Diyos).

Halimbawa, sa PPMB ni Faustina:

Bilang anak : Pamumuno sa mga kapatid sa pagtulong sa paggawa ng mga takdang-aralin at gawaing bahay Bilang mag-aaral: Pagpapanatiling mataas ang marka sa lahat ng asignatura sa klase sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti; Pagtulong sa mga kamag-aral na mahina sa klase. Bilang mamamayan: Pakikiisa sa programang “Clean and Green” sa barangay Bilang Layko (o anak ng Diyos): Pagtuturo ng Katesismo sa mga batang lansangan

Ngayon, ikaw naman : Punan ang mga kahon ng mga gawain na makatutulong sa pagtupad mo ng iba’t ibang papel sa buhay. Maaaring magdagdag ng kahon kung may

iba ka pang papel sa buhay (hal.: pangulo ng Student Council, lider ng isang pangkat ng kawanggawa para sa mga maralitang tagalunsod, blogger, editor ng student paper ,

layout artist , at iba pa).

Panuto sa Pangkatang Gawain:

  1. Bumuo ng dyad sa bawat pangkat.
  2. Ibahagi ang output sa bawat isa sa loob ng tatlong minuto.
  3. Ibahagi sa pangkat ang mga sagot na magkapareho. Halimbawa: ang mga ginagampanan sa buhay at ang mga gawaing makatutulong sa pagtupad ng iba’t ibang papel sa buhay.
  4. Ilalahad ng bawat pangkat ang kanilang output.

Sagutin ang mga Tanong:

  1. Ano ang damdamin mo habang ibinabahagi ang iyong mga papel sa buhay at mga gawaing makatutulong sa pagtupad ng mga ito?
  2. Ano-anong pagpapahalaga ang mahihinuha sa mga gawaing ibinahagi ng pangkat? Ipaliwanag.
  3. Ano-anong k atangian ng pagpapakatao ang masasalamin sa mga konkretong gawain na ibinahagi ng pangkat? Ipaliwanag.
Bilang KAPATID,
Bilang ANAK,
Bilang MAG-AARAL,
Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay:
(PPMB)
Bilang MAMAMAYAN,
Bilang ANAK NG
DIYOS,
Bilang PANGULO NG
STUDENT COUNCIL

Ang tao bilang persona ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya. Bilang persona, may halaga ang tao sa kaniyang sarili mismo. Ito ay dahil bukod-tangi siya, hindi siya mauulit ( unrepeatable ) at hindi siya mauuwi sa anuman ( irreducible ). Ibig sabihin, hindi siya mababawasan at maibababa sa kanyang pagkatao dahil “ buo” siya bilang tao (Dy, 2012, ph. 295). Kaya napakahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad niya ng kaniyang mga talento, hilig, at kakayahan upang mabuo niya ang kaniyang pagiging sino. Ang persona ang tumutukoy sa paglikha ng pagka- sino ng tao.

Ang tao bilang personalidad ay ang pagkamit ng tao ng kaniyang kabuuan, ang resulta ng pagpupunyagi sa pagbuo ng kaniyang pagka- sino. Ang taong itinuturing na personalidad ay may mga matibay na pagpapahalaga at paniniwala, totoo sa kaniyang sarili, at tapat sa kaniyang misyon. Kaya anuman ang mga nagtutunggaliang impluwensiya ng kapaligiran o teknolohiya, hindi siya nagpapadala o naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kaniyang matibay na paninindigan. Mataas ang antas ng kaniyang pagka- persona. Ang pagkamit ng kaniyang pagka- personalidad ay nangangailangan ng pagbuo ( integration ) ng kaniyang pag-iisip, pagkagusto ( willingness ), pananalita, at pagkilos tungo sa isang pagpapahalagang magbibigkis sa lahat ng mga ito. Mabubuo lamang ang kaniyang sarili kung itatalaga niya ang kaniyang pagka- sino sa paglilingkod sa kaniyang kapuwa,

lalo na ang mga nangangailangan. Ngunit hindi lahat ng tao ay personalidad dahil

hindi nila nakamit ang mataas na antas ng kanilang pagka- persona.

May tatlong katangian ang tao bilang persona, ayon kay Scheler (1974, ph 37-42). Ang mga ito ay: may kamalayan sa sarili, may kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral at umiiral na nagmamahal ( ens amans ). Ang mga ito ang mga katangian ng pagpapakatao.

  1. May kamalayan sa sarili. May kakayahan ang tao na magnilay o gawing obheto ng kaniyang isip ang kaniyang sarili. Dahil dito, alam niya na alam niya o hindi niya alam. Nagiging mundo ang kaniyang kapaligiran dahil sa kaniyang kakayahan na pag- isipan ang kaniyang sarili. Halimbawa, itinuturing ng isang guro bilang kaniyang mundo ang anumang tao o bagay na may kaugnayan sa kaniyang pagtuturo, tulad ng mag-aaral, banghay-aralin, pisara, at silid-aralan. Samantala, walang mundo ang hayop dahil lagi niyang dala ang kaniyang kapaligiran sa kaniyang organismo.

Mabubuo ko lamang ang aking sarili kung itatalaga ko ang aking pagka- sino sa paglilingkod sa aking kapuwa, lalo na ang mga nangangailangan.

Ang taong may kamalayan sa sarili ay may pagtanggap sa kaniyang mga talento na magagamit niya sa kaniyang pakikibahagi sa mundo - halimbawa, sa paaralan o sa lugar kung saan siya nakikisalamuha sa mga tao. Dito nanggagaling ang positibong pagtingin niya sa sarili. Ito ang nagpapatibay ng kaniyang kalooban sa pagtugon sa kaniyang bokasyon at tunguhin sa buhay (Moga, 2005).

Dahil sa kaniyang kakayahan sa pag-iisip, napauunlad niya ang kaniyang kamalayan sa sarili. Malaki ang kakayahan niyang ilarawan at bigyang-kahulugan ang mga imahe at palatandaan ng kalikasan, kilos, at mga panaginip. Nakatutulong ang mga ito upang mabantayan at mapaghandaan niya ang mga sitwasyon sa buhay lalo na ang mga hindi kanais-nais.

  1. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral. Ito ang kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga partikular na umiiral. May kakayahan siyang bumuo ng konklusiyon mula sa isang pangyayari. Halimbawa, noong nakita ni Buddha ang apat na lalaki - isang matanda, may ketong, bangkay, at pulubi, nakabuo siya ng buod ng buhay: Ang buhay ay isang pagdurusa. Sa kabilang dako, hindi alam ng gagamba na ang lamok na hindi dumikit sa kaniyang sapot ay pareho sa lamok na makakain niya na tumama sa kaniyang sapot (Scheler, 1974, ph).

Nakikita ng tao ang esensiya ng mga umiiral ( essence of existence ) kung humahanga at namamangha na siya sa kagandahan ng mga bagay sa kaniyang paligid, nauunawaan na niya ang layunin ng pag-iral ng mga ito, at ang kaugnayan ng mga ito sa kaniyang pag-unlad. Ang paghanga o pagkamanghang ito ay magbubunga ng kaniyang pagkamalikhain, pag-unawa, at pagiging mapanagutan sa mga bagay- bagay sa kaniyang buhay. Nalilinang ang kaniyang kakayahan na makita ang esensiya ng isang upuan at ang pagka-upuan nito, ang narra at ang pagkapuno nito, ang kaniyang guro sa EsP at ang pagka-guro nito.

Ang buod o esensiya na nabuo mula sa mga partikular na bagay na umiiral ay naghihintay ng tugon sa tao. Mula sa mga natuklasan ni Buddha na nagdulot ng kalungkutan at sobrang pagkabagabag sa kaniya, bumuo siya ng mga mahahalagang prinsipyong nararapat isabuhay ng tao upang matigil ang kahirapan. Ang pagtugon niya sa mga sitwasyong nakaantig sa kaniyang kalooban ay mahalagang kilos upang mag-isip at gumawa siya ng mga angkop at mabisang solusyon sa kahirapan.

  1. Umiiral na nagmamahal ( ens amans ). Ang pagtugon ni Buddha ay kilos ng pagmamahal. Ang umiiral na nagmamahal ang pinakamahalagang katangian ng tao bilang persona. Ang ens amans ay salitang Latin na ang kahulugan ay umiiral na nagmamahal. Ang tao ay may kakayahang magmahal dahil ang puso niya ay nakalaang magmahal. Lahat ng mabuting kilos ay kilos ng pagmamahal. Kumikilos ang tao para sa kabutihan dahil siya ay umiiral na nagmamahal.

Nahubog ang pagka-persona ni Kesz sa kaniyang natuklasang misyon sa buhay - ang pagkalinga sa mga batang lansangan. Binuo niya ang Championing Community Children pagkatapos siyang sagipin bilang batang lansangan ni Harnin Manalaysay. Tinawag nilang “Gifts of Hope” ang ipinamimigay nila na mga tsinelas, laruan, sipilyo, kendi, at iba pa. Tinuruan nila ang mga kabataang ito na maging malinis sa katawan, kumain ng masustansiyang pagkain at ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Ipinaunawa rin nila ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagtuturo sa isa’t isa upang lumawak ang kanilang kaalaman at kasanayan.

Dahil sa kaniyang kakayahan na impluwensiyahan at pamunuan ang mga batang lansangan, nahubog ang pagka-persona ni Kesz. Gamit ang kakayahang kunin ang buod o esensiya ng kahirapang kaniyang kinamulatan, nakita ni Kesz ang kaniyang misyong maging produktibo at makibahagi sa lipunan - sa pamamagitan ng pagkalinga sa mga batang lansangan.

Isa rin sa mga nagpunyagi upang maging personalidad si Roger Salvador, isang magsasaka na taga Jones, Isabela. Nagpasiya siyang sakahin ang lupaing minana niya sa kaniyang mga magulang pagkatapos mamasukan sa isang bangko. Dahil kulang ang kasanayan sa pagtatanim at pag-aalaga ng baboy at manok, nagsaliksik at kumunsulta siya sa mga teknikong pang-agrikultura.

Dahil sa kaniyang dedikasyon sa trabaho at pagiging bukas sa mga bagong kaalaman, napili siyang Farmer-Leader Extensionist ng Local Government Unit ng Jones, Isabela. Tinuruan din niya ang kapwa magsasaka ng iba’t ibang istratehiya at makabagong teknolohiya sa agrikultura. Dahil dito, umani siya ng maraming pagkilala at parangal. Hinirang siyang Most Outstanding Corn Farmer ng Rehiyon 2, Finalist sa National Level ng Gawad Saka Search , at “Most Outstanding Isabelino. Itinalaga siya sa iba’t ibang katungkulan upang pamunuan at matulungang umunlad ang kapwa magsasaka. Kinilala siya bilang Farmer-Scientist ng mani sa Cagayan Valley Agriculture Resources Research and Development (CVARRD). Isa siya sa mga Pilipinong tumanggap ng Asha Variety ng mani noong 2006 mula sa pangulo ng India.

Dahil sa pagtaguyod niya nang mapanagutan sa kaniyang pamilya naging matagumpay ang kaniyang mga anak. Bilang mamamayan, naitaas niya ang antas ng kabuhayan ng kaniyang kapuwa magsasaka. Dahil sa kaniyang pagtitiyaga, pagsisikap, at pananampalataya sa Diyos, nalampasan niya ang kahirapan, tumugon siya sa tawag ng pagmamahal, at nakamit ang tagumpay sa buhay.

Sa larangan ng sining, naging tapat sa kaniyang natuklasang misyon ang personalidad na si Joey Velasco. Umani ng paghanga ang kaniyang mga painting sa Pilipinas at sa buong mundo dahil sa espiritwal na paraan ng pagpapahayag ng mga ito ng kawalan ng katarungan sa lipunan. Nakaaantig ang mga larawan sa kaniyang canvass - tila humihingi ng tugon at aksiyon para sa panlipunang pagbabago. Ang “Hapag ng Pag-asa,” ang kaniyang bersiyon ng Huling Hapunan, ay naglalarawan kay Hesus na kasama ang mga batang lan sangan, sa halip na mga Apostoles.

Ano ang nag-udyok kay Joey upang ituon ang kaniyang canvass sa mga batang lansangan? Nagkaroon siya ng malaking bukol sa bato ( kidney ) noong siya ay tatlumpo’t walong gulang. Bagamat tagumpay ang kaniyang operasyon, nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at matinding takot sa muntik niyang pagkamatay. Pagkatapos siyang magkulong sa kaniyang silid nang matagal upang manalangin at magnilay, nagkaroon ng linaw ang layunin ng kaniyang buhay at naging positibo ang pananaw niya sa kamatayan. Dito siya nagsimulang magpinta ng mga kamangha-manghang larawan. Naunawaan niya na siya at ang kaniyang talento ay instrumento upang maiparating ng Diyos ang kaniyang mga mensahe.

Tinanggap ni Joey ang misyong imulat ang mga tao sa kanilang kamalian at pagkukulang na sanhi ng kahirapan at inhustisya sa bansa sa pamamgitan ng kaniyang mga obra maestra. Ipinamalas niya ang pagmamahal at pagkalinga sa mga batang lansangan lalo na sa mga may sakit sa pag-iisip. Binigyan niya ng bahay sa Gawad Kalinga Village at disenteng pamumuhay ang mga batang lansangan na ginamit niyang modelo sa kaniyang pinintang Hapag ng Pag-asa. Umani ng maraming parangal at gantimpala ang kaniyang mga likha at ang kaniyang paglilingkod. Pumanaw si Velasco dahil sa kumpli kasyon sa bato sa edad na 43 noong Hulyo 2010 habang patuloy pa rin ang pagtulong sa mga bata.

Isa ring personalidad si Mother Teresa ng Calcutta, isang madre na nagpakita ng napakalalim na antas ng pagmamalasakit sa mga mahihirap. Sobra siyang naapektuhan sa nakita niyang kahirapan ng mga tao lalo na sa mga pulubi na namamatay dahil sa matinding gutom at pagkakasakit sa lansangan. Sa kaniyang pagninilay, narinig niya ang tawag ng paglingkod sa labas ng kumbento – ang tulungan ang mga batang napabayaan, mga taong hindi minahal, at mga maysakit na hindi inalagaan_._ Ginamit niya ang kaniyang kaalaman sa panggagamot at kakayahan sa pagtuturo upang tugunan ang

  1. Ipaliwanag ang mga yugto ng pagpapakatao gamit ang halimbawa ng isang tao na itinuturing mong isang personalidad. Banggitin ang mga hamong kinaharap niya sa buhay at paano niya nalampasan ang mga ito.
  2. Paano naipakita ng tao sa Bilang 5 ang sumusunod? a. Kamalayan sa sarili b. Kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral c. Umiiral na nagmamahal
Paghinuha ng Batayang Konsepto

Panuto: Mula sa iyong mga pagkatuto sa babasahin, tapusin ang sinimulang pangungusap upang mabuo ang Batayang Konsepto.

Ang pag-unlad sa mga katangian __________________________________

___________________________________________________________________.

Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Pagganap

Gawain 4

Panuto: Paano mo maipamamalas ang tatlong katangian ng pagpapakatao sa iba’t ibang papel na ginagampanan mo sa buhay? Sundin ang sumusunod na hakbang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

  1. Balikan ang nabuo mong PPMB sa Gawain 2. Isulat ito sa patlang sa itaas ng

matrix ng Plano ng Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB). Sundan ang halimbawa sa pahina 17.

  1. Balikan ang mga impormasyong tinukoy mo sa Gawain 3 - ang mga papel na ginagampanan mo sa buhay at mga gawain para maisakatuparan ang bawat

  2. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?

  3. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?

papel. Isulat ang mga ito sa Kolum 1 at 2 ng matrix ng Plano ng Pagsasabuhay

ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB). Isulat sa Kolum 3 ang bilang ng oras na ilalaan mo sa pagtupad ng bawat gawain. Gabay mo ang

halimbawa.

Halimbawa: PPMB ni Gng. Mary Jean Rivera: Isang mapagmalasakit na lider at tagapagdaloy ng mga pagkatuto ng mga mag-aaral at guro tungo sa pagbuo ng isang pamayanang patuloy na nagpapaunlad ng mga kaaalaman ( community of learners ) at ng pananampalataya sa Diyos.

Plano ng Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)

Ang Aking mga Papel sa Buhay Mga Gawain sa Bawat Papel

Panahon para sa Bawat Gawain Mabuting anak ng Diyos

• Pagtatalaga ng regular na prayer time sa isang tahimik na lugar

• Pagsimba nang regular kasama ang pamilya

• 20 minuto sa madaling-araw at sa gabi bago matulog • Tuwing linggo

Mapagkalingang ina

• Pagsubaybay at pagtuturo sa mga anak ng takdang-aralin • Pagtulong sa asawa sa paghahanap- buhay upang maitaguyod ang mga pangangailangan ng mga anak • Pagbibigay ng regular na panahon para makapiling ang mga anak

• 2 na oras araw- araw • 6 na aros araw- araw

• Araw-araw Mahusay na guro ng ESP

• Pag-aaral sa kalikasan, kalakasan, at kahinaan ng mag-aaral upang mailapat ang angkop na paraan ng pagkakalinga at pagtuturo sa kanila • Paghahanda ng banghay-aralin na angkop sa paksang ituturo • Pagsasagawa at pagdalo sa mga seminar upang mapaunlad ang pag- unawa at kasanayan sa mga bagong kaalaman at teknolohiya tungkol sa pagtuturo-pagkatuto • Pagbuo ng malinaw na career plan upang maiangat ang mga kasanayan at matupad ang pangarap • Paglalaan ng regular na panahon sa pagninilay gamit ang journal

• Sa bawat libreng oras

• 2 oras araw- araw • 1 oras bawat buwan

• Sa simula ng semester

• Tuwing gabi

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

ESP 10 Quarter 1 LM - A learning module for EsP 10

Course: BSED- Filipino

461 Documents
Students shared 461 documents in this course
Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 85 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
1
Edukasyon sa Pagpapakatao
Modyul para sa Mag-aaral
Yunit 1
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga
edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
10
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.