Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

BATA BATA Paano KA Ginawa

para sa pagsusuri sa subject na FILN, makatutulong ito upang di na mah...
Course

BS Psychology (BSPsyc)

290 Documents
Students shared 290 documents in this course
Academic year: 2020/2021
Uploaded by:

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Biyernes, Hunyo 30, 2017 Pagsusuri sa Bata, Bata..'no ka ginawa ni Lualhati Bautista

Pamagat: Bata, Bata..’no ka ginawa? May-akda: Lualhati Bautista

I. Buod: Nagsimula ang nobela sa pagmamartsa ng magtatapos sa kinder, isa si Maya, ang anak ni Lea kay Ding ay gragradwayt ng oras ng iyon. Bago simulan ang pagbibigay ng honors ay may inilatag na isang programa ang paaralan, yung ay ang Ms. Kinder ’83, kasali si Maya sa mga kalahok. Hindi hinayaan ni Lea na lagyan ng kahit na anong panretoke sa mukha o kahit lipstick man lang si Maya dahil naniniwala si Lea na ang ganda ng isang bata ay wala sa mayk-up o kung anong kolorete sa mukha. Tumulo ang luha ni Lea nang tanghaling Ms. Kinder ang anak, dali-dali niya itong pinicturan ngunit ubos na ang kaniyang film. Ginawaran din si Maya bilang third honors. Nagkaroon ng konting salo-salo sa bahay ni Lea na kung saan ang karamihan sa kanilang bisita ay mga bata, dumating naman si Pilar sa kanilang bahay at inalok si Lea na isali si Maya sa contest ng Johnsons Johnsons at iisponsoran nito ang bata ngunit ayaw na itong isali ni Lea sa kahit na anong contest. Nasa trabaho si Lea nang mga oras na iyon nang tumawag si Raffy sa kaniya upang sila’y muling magkita at magka-usap. Humingi si Raffy ng pabor kung maaaring makasama niya si Ojie, pumayag naman si Lea at agad na sinabi ito kay Ojie, ngunit hindi sang-ayon dito si Ding, nagpumilit namang sumama si Maya, at mahigpit na binilinan ito ni Ding na alamin ang bawat kilos ni Lea at Raffy. Nang magkitang muli ang mag-amang Ojie at Raffy ay masayang-masaya ang dalawa, pumunta sila sa isang karnibal at doon nagkaroon ng pagkakataon na magka-usap muli ng masinsinan sina Raffy at Lea, dito na umiyak nang umiyak si Lea sa paglalabas ng sama ng loob nito kay Raffy, nalaman ni Lea na mayroon na palang bagong asawa si Raffy at tatlong buwang buntis na ito. Tumira si Ojie sa kaniyang ama sa loob ng isang buwan at pinayagan naman ito ni Lea ngunit ayaw itong paalisin ni Ding dahil wala raw makakasama si Maya sa bahay pero wala nang magagawa pa si Ding. Nang makabalik na si Ojie sa bahay ni Lea ay nagpatuli naman na ito, bagamang onse ayos pa lang ay gusto na nitong magpatuli. Nagka-usap muli sina Lea at Raffy at sinabi ni Raffy na gusto niyang isama si Ojie sa Amerika. Araw na nang pasukan at sinamahan na ni Lea si Maya sa silid nito, nalito pa ang guro sapagkat akala nito ay De lara din ang apelyido ni Maya. Nagkaroon ng isang miting ang lahat ng magulang sa eskuwelahan at nagpakilala ang bawat magulang. Nainis si Lea at nung siya na ang magsasalita ay sinabi nito na huwag nang sayangin pa ang kanilang oras. Nagbotohan naman sila

ng officers at may isang lalaki doon na laging isinasali ang pangalan ni Lea sa mga kandidato, muli ay nainis siya at saka nagsalita nang nagsalita. Nang mabasa ni Lea ang balita ay dali-dali itong pumunta ng kaniyang opisina upang malaman ang nangyaring pagkamatay ni Ninoy Aquino, laman ito ng balita at libo-libong tao ang nagprotesta dahil sa nangyari na ang unang kuwarter ng pasukan at ibinigay na sa mga bata ang kanilang report card at dahil sa malalim na pag-iisip ni Lea ay nagkapalit nang pirma ito sa report card ng mga bata, kaya naman nagbigay siya ng sulat sa guro nito na kung maaari ay baguhin na lang at magbabayad na lamang siya, pero ang sabi ng mga guro ng mga bata ay kanilan siyang kausapin ng principal. Nang magka-usap ang principal at si Lea ay nalaman ng principal ang trabaho ni Lea at humanga ito sakaniya dahil kaya niyang ipaglaban ang karapatan ng tao. Naging magkaibigan si Lea si Mrs. Zalamea. Nasa trabaho si Lea nang tumawag ang kaniyang kapitbahay at ibinalita rito na naospital ang kaniyang mga anak. Pagdating niya sa ospital ay bukol sa ulo ang natamo ni Ojie at gasgas naman ang kay Maya, galit na galit na dumating sina Ding at Raffy, nanermon nang nanermon ang dalawa na para bang siya lahat ang ay kasalanan sa nangyari, dahil din sa galit ni Lea ay iniwan niya ang mga bata sa kani-kanilang ama. Dahil sa inis ay tinawagan ni Lea si Johnny ay niyayang manood ng sine, pagkatapos nito ay inalok ni Lea si Johnny na makipag-anohan sa kaniya, nung una ay ayaw nito pero kalaunan ay pumayag na rin. Nang makalabas na ng ospital ang kaniyang mga anak ay naghanda siya ng kaunti upang makabawi sa mga ito dahil sa hindi niya pagdalaw. Pagkaraan naman ng gabi ay tumawag ang asawa ni Johnny kay Lea at ibinalita rito ang pagkakakulong ni Johnny sa salang PDA. Sumapit ang pasko at bagong taon, walang Ding na umuwi sa bahay ni Lea ngunit nang umuwi ito ay sinabi ni Ding na may asawa na siya at nagpakasal sila noong pasko, at gusto nitong isama si Maya. Natapos ang nobela sa pagpili ng kaniyang mga anak na sumama na lamang sa kaniya kaysa sa kanilang mga ama at ang paggradwayt ni Ojie ng elementarya.

II. Pagtalakay A. Tauhan  Si Lea Bustamante ay isang mapag-aruga at mapagmahal na ina kay Ojie at Maya. Nagtratrabaho siya sa isang organisasyon na kung saan ipinaglalaban ang karapatan ng tao o isang human rights organization. Nagkaroon ng dalawang asawa at matiyagang binubuhay ang kaniyang dalawang anak. Naniniwala siya na mas mainam na sabihin na agad ang totoo sa mga bata kaysa malaman pa nito sa iba. Siya ay maituturing na isang uri ng tauhang lapad sapagkat mula umpisa ay hindi nagbago ang ugali at pananaw niya sa kaniyang buhay. Pinakita rin sa nobela kung gaano siya katatag na ina sa kaniyang mga anak.

 Sa bahay ni Lea nangyari ang halos lahat ng pangyayari sa nobela.  Sa mall at karnibal nagkita muling si Lea at Raffy at nagbonding kasama ang mga bata.  Sa eskuwelahan nagsimula ang nobela sa paggradwayt ni Maya sa Kinder at dito rin nagtapos ang nobela sa paggradwayt ni Ojie at ang pagbigay ni Lea ng talumpati.  Sa loob ng kuwarto ng principal nagkasagutan si Lea at ni Mrs. Zalamea na kalaunan ay naging mabuting magkaibigan.  Sa trabaho ni Lea inilahad sa nobela ang ginagawa ng isang miyembro ng organisation kung paano nila ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao.  Manila ang pinanggaganapan ng kuwento sapagkat naisaad dito ang nangyari sa pagkamatay, paglibing kay Ninoy Aquino at pagprotesta ng mga tao laban sa gobyerno.

C. Panahon  Ang nobela ay isinulat sa panahon ng Martial Law na kung saan ipinahayag sa nobela ang patayang nagaganap sa bansa, ang pagpatay kay Aquino sa airport at ang pagprotesta ng mamamayan.

D. Punto de vista  3 rd Person point of view dahil nakabatay ito sa obserbasyon at pananaw ng may-akda.

E. Tunggalian  Tao laban sa Tao. Bagaman walang nangyaring labanan o suntukan sa mga karakter, makikita pa rin ang tunggalian sa tao laban sa tao. Si Lea laban sa dalawa niyang asawa at ng lipunan. Si Lea laban sa kaniyang dalawang asawa na sina Raffy at Ding, pinakita ni Lea sa nobela ang kaniyang katatagan na kahit pilit na siyang pinaaalis sa kaniyang trabaho ay mas pinili niya ang kaniyang trabaho at kahit na iniwan na siya ng dalawa ay nananitili pa rin siyang matatag para sa kaniyang mga anak. Si Lea laban sa lipunan, sa ganitong panahon, marami ang mga taong mahilig manghusga at dahil sa kalagayan ni Lea, dalawa ang kaniyang anak at magkaiba ang ama hindi na maiiwasan ang mahusgahan ng mga taong nagmamalinis katulad na lamang noong umatend siya ng miting sa paaralan nina Ojie at ang mga tingin sa kaniya ng mga tao ay parang madaliang babae na kung sino-sino lang nagpapaano.  Tao laban sa sarili sapagkat ipinakita ni Lea na kahit iniwan na siya nina Raffy at Ding ay nanatili siyang matatag para sa kaniyang mga anak, nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang buhay kahit wala ang mga ito.

F. Paksang-diwa  Ang paksang-diwang binibigyang diin sa nobela ay ang pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga anak, ang paninindigan ni Lea sa karapatan ng tao at pagiging pantay-pantay ng babae sa lalaki at ang mga nangyayari sa lipunan katulad na lamang ng kaliwa’t kanang pagpatay, pagprotesta ng mga mangagawa at ang pagpatay ay Ninoy Aquino.  Ang paksang umiiral sa nobela ay ang kasaysayang pag-ibig na kung saan ipinakita rito ang pagmamahal ni Lea sa kaniyang mga anak at sa dalawang lalaking naging parte ng kaniyang buhay.

G. Pamamaraan  Ang istilong ginamit ng may-akda ay pinaghalo niya ang wikang Ingles at Filipino. Karamihan sa parte ng kaniyang nobela ay ang kasalukuyang kaganapan ng mga panahon na iyon. Mas umiiral din ang pagiging ina ng may-akda dahil mararamdaman ito ng mambabasa sa katauhan ni Lea, na kahit anong mangyari ang kaniyang anak at sarili pa rin ang kaniyang pipiliin.

H. Pananalita  Ang diyalogo ng bawat tauhan sa nobela ay makikita sa kanilang edad. Halimbawa na lang nito ay kay Maya na kung saan makikita ang kainosentehan nito sapagkat tanong ito nang tanong na nangyayari naman talaga sa ibang batang katulad niya. Si Lea na kung saan ang pananalita niya ay makikita ang pagiging isang ina nito.

III. Dulog Ang nobelang Bata, Bata..’no ka Ginawa ni Lualhati Bautista ay gumamit ng dulog na Feminismo sapagkat babae ang pangunahing tauhan ng nobela, ipinakita sa nobela kung gaano katatag si Lea sa mga pagsubok na dumating sa kaniya, naipakita rin ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang dalawang anak na kung saan na kahit na may posibilidad na sumama ang kaniyang mga anak sa kani-kanilang ama pero hinayaan niya pa rin ang mga ito na sila mismo ang pumili at magdesisyon kung kanino sila sasama. Pinakita rin sa nobela ang pakikipagsabayan ng mga kababaihan sa mga kalalakihan na kung saan mas pinili ni Lea na kaniyang trabaho kaysa kay Raffy, naisaad din sa nobela ang mga palaban na kababaihan sa paglalaban nila sa kanilang karapatan. Naipahayag din ang pagsali ng mga kababaihan sa protesta laban sa nagaganap na Martial Law sa bansa. IV. Bisang Pampanitikan a. Bisa sa Kaisipan

tapos ngayon sasabihin niyo na mas mabuti pa ang kababaihan noon kaysa ngayon” para saakin, may nabasa na akong ilang akda na nagsasaad na kapag nagustuhan ang isang babae ng isang lalaki noong panahon na kahit na ang babae ay bata pa, ay ikinakasal na ito, kaya para nagmumukhang mas mabuti ang ginawa ng mga babae noon kaysa ngayon. Sa lagay ni Lea na dalawa ang naging anak sa magkaibang lalaki, hindi na ito bago sa panahon ngayon, mayroon pa nga na iba’t ibang lalaki ang ama ng isang anak dahil sa kung sino-sino lang ito nagpapaano. Malungkot man isipin pero ganito na ang nangyayari sa lipunan ngayon, mas pinapairal ang puso kaysa utak. Sarap bago hirap. Kapag nagbunga ang ginawa, iiyak, pagkatapos kapag hindi pinanagutan ng lalaki, ipapalaglag ang bata o di kaya ay magsu-sucide. Malikot na mag-isip ang mga kabataan ngayon, lahat gustong maranasan agad-agad, hindi iniisip ang mga mangyayari. Pagkatapos, ano? Iiyak sa magulang at hihingi ng tawad. Hindi masama na gawin ang gustong gawin, pero kung maaari lamang ay isipin ang mga posibleng mangyari bago gawin ang gusto. Ipairal muna ang utak bago puso. Masasaktan ka lang pagnagkataon.

V. Mensahe Ang “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay isang nobelang isinulat ng batikang manunulat na si Lualhati Bautista. Tungkol ito sa mga dating Filipinong babae na asawa lang dapat ng kalalakihan. Napakagandang nobela na kung saan malalaman ang mga nangyari sa lipunan ng panahong isinulat ito at ang katatagan ng isang ina na may dalawang anak sa magkaibang lalaki. Noong panahon sunud- sunuran lamang ang mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at mga kaibigang kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng mga gawaing bahay, taga pag-alaga ng mga pangangailangan ng asawa o kaya ng mga bata, wala silang karapatan at hindi nararapat na makielam ayon sa nakaugalian hinggil sa paksa at usaping panghanap- buhay at larangan ng politika. Subalit nabago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan sapagkat nagbago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay ang kanilang kaisipan na may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan. Sinalaysay sa nobelang ito ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina na may dalawang anak, -isang lalaki at isang babae. Kung kaya’t makikita rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina at kung paano gaganapin ng ina ang kaniyang pagiging magulang sa makabagong panahon. Sa pamamagitan ni Lea, ipinakita ng manunulat na hindi sa lahat ng panahon magiging tahimik ang buhay ng isang tao, kailangang magpasya at makibaka sa agos ng buhay. Patuloy tayong naghahanap

ng kalayaan, tulad ni Lea na ayaw manatili sa kaniyang maliit na papel na pagiging asawa lang ng kalalakihan mas mainam na sa kaniya ang magkaroon ng silbi sa lipunang kaniyang ginagalawan. Ngayong modernong panahon, ang mga kababaihan ay masasabi nang karamay ng kalalakihan sa lahat ng bagay, kaya na nitong gawin ang kahit na anong trabaho ng isang lalaki.

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

BATA BATA Paano KA Ginawa

Course: BS Psychology (BSPsyc)

290 Documents
Students shared 290 documents in this course
Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 8 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
Biyernes, Hunyo 30, 2017
Pagsusuri sa Bata, Bata...Pa'no ka ginawa ni Lualhati Bautista
Pamagat: Bata, Bata…Pan’no ka ginawa?
May-akda: Lualhati Bautista
I. Buod:
Nagsimula ang nobela sa pagmamartsa ng magtatapos sa kinder, isa
si Maya, ang anak ni Lea kay Ding ay gragradwayt ng oras ng iyon. Bago simulan
ang pagbibigay ng honors ay may inilatag na isang programa ang paaralan, yung
ay ang Ms. Kinder ’83, kasali si Maya sa mga kalahok. Hindi hinayaan ni Lea na
lagyan ng kahit na anong panretoke sa mukha o kahit lipstick man lang si Maya
dahil naniniwala si Lea na ang ganda ng isang bata ay wala sa mayk-up o kung
anong kolorete sa mukha. Tumulo ang luha ni Lea nang tanghaling Ms. Kinder ang
anak, dali-dali niya itong pinicturan ngunit ubos na ang kaniyang film. Ginawaran
din si Maya bilang third honors. Nagkaroon ng konting salo-salo sa bahay ni Lea
na kung saan ang karamihan sa kanilang bisita ay mga bata, dumating naman si
Pilar sa kanilang bahay at inalok si Lea na isali si Maya sa contest ng Johnsons
Johnsons at iisponsoran nito ang bata ngunit ayaw na itong isali ni Lea sa kahit na
anong contest. Nasa trabaho si Lea nang mga oras na iyon nang tumawag si Raffy
sa kaniya upang sila’y muling magkita at magka-usap. Humingi si Raffy ng pabor
kung maaaring makasama niya si Ojie, pumayag naman si Lea at agad na sinabi ito
kay Ojie, ngunit hindi sang-ayon dito si Ding, nagpumilit namang sumama si
Maya, at mahigpit na binilinan ito ni Ding na alamin ang bawat kilos ni Lea at
Raffy. Nang magkitang muli ang mag-amang Ojie at Raffy ay masayang-masaya
ang dalawa, pumunta sila sa isang karnibal at doon nagkaroon ng pagkakataon na
magka-usap muli ng masinsinan sina Raffy at Lea, dito na umiyak nang umiyak si
Lea sa paglalabas ng sama ng loob nito kay Raffy, nalaman ni Lea na mayroon na
palang bagong asawa si Raffy at tatlong buwang buntis na ito. Tumira si Ojie sa
kaniyang ama sa loob ng isang buwan at pinayagan naman ito ni Lea ngunit ayaw
itong paalisin ni Ding dahil wala raw makakasama si Maya sa bahay pero wala
nang magagawa pa si Ding. Nang makabalik na si Ojie sa bahay ni Lea ay
nagpatuli naman na ito, bagamang onse ayos pa lang ay gusto na nitong magpatuli.
Nagka-usap muli sina Lea at Raffy at sinabi ni Raffy na gusto niyang isama si Ojie
sa Amerika. Araw na nang pasukan at sinamahan na ni Lea si Maya sa silid nito,
nalito pa ang guro sapagkat akala nito ay De lara din ang apelyido ni Maya.
Nagkaroon ng isang miting ang lahat ng magulang sa eskuwelahan at nagpakilala
ang bawat magulang. Nainis si Lea at nung siya na ang magsasalita ay sinabi nito
na huwag nang sayangin pa ang kanilang oras. Nagbotohan naman sila

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.