Skip to document

Kahulugan, Uri, Katangian, at Kahalagahan ng Kultura - Parinas, Aljohn

Pag-aaral ng wika at kultura
Course

Intro sa Pag-aaral ng Wika (Fil104)

29 Documents
Students shared 29 documents in this course
Academic year: 2019/2020
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Foundation University (Philippines)

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Pangasinan State University Kampus ng Bayambang Kolehiyo ng Pangguruang Edukasyon Bayambang, Pangasinan

Pangalan: Parinas, Ajohn S. Asst. Prop. Mary Ann C. Macaranas Kurso at Seksiyon: BSE Filipino II – 1 Instruktor

Fil112: Kulturang Popular ANG KULTURA Kahulugan, Uri, Katangian, at Gampanin sa Lipunan

Mga Layunin: a. Nabibigyang kahulugan ang kultura. b. Nakapagtatanghal ng iba’t ibang uri ng kultura. c. Nakikilala ang mga katangian ng kultura. d. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang gampanin ng kultura sa lipunan

Introduksiyon Bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay natin ang kultura. Maraming mga pagkakataong hindi natin alam na napapasok na natin ang mundong ito. Masining, makulay, misteryoso, maganda, kakaiba at marami pang pang-uri ang maaaring magamit upang ito ay ilarawan. Upang mas lalo nating maunawaan kung bakit ginagamit ang mga naturang pang-uri hihimayin at bubuksan ng araling ito sa mas malalim na pagtanaw ang kabuluhan ng kultura sa atin at sa lipunan.

Talakayan KAHULUGAN NG KULTURA  Ayon kina Andersen at Taylor (2007), ito ay isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.  Ayon kay Panopio (2007), ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao.  Ayon kay Mooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. Mahihinuha na ang kultura ay:  Ang kabuuan ng pinagsama-samang pananaw ng mga tao sa lipunan.  Ang pagkakakilanlan ng tao at ng kanyang lugar.  Ang paraan ng pamumuhay ng mga tao.

**MGA URI NG KULTURA

  1. MATERYAL** Binubuo ito ng mga bagay na nakikita at nahahawakan at gawa o likha ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang lipunan. Halimbawa: Gusali, Likhang Sining, Kagamitan, Kasuotan, at Pagkain

Ang bahay kubo, Pista’y Dayat mural painting, manunggul jar, modernong filipiniana at barong, at longganisa ng Alaminos

2. ‘DI MATERYAL Hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan, Ito ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan. (Mooney, 2011) Halimbawa: Batas, Gawi, Paniniwala, at Norms

Ang konstitusyon ng bansa, canao ng mga Igorot, paniniwala sa albularyo, at pagmamano.

Hal. Kung ang diwa ng bayanihan ay gagamitin laban sa ibang bansa, tayo ay magtatagumpay. Tayong mga Filipino ang nagluluklok sa mga taong magbibigay sa atin ng mga batas.

MGA GAMPANIN NG KULTURA SA LIPUNAN  Binibigyan nito ng identidad ang lipunan at ang tao.Nakapagbubuklod sa sambayanan at nagdudulot ng pagkakaisa.  Naipakikita ng mga tao ang kanilang mga talento.  Iminumulat nito ang diwa ng tao sa kasaysayan at nakaraan.  Ipinakikita nito ang dapat at hindi dapat sa isang lipunan.

KONKLUSYON Sa pagkakaroon natin ng kaalaman sa kabuluhan ng kultura sa pamamagitan ng pag-alam sa kahulugan, uri, katangian, at halaga nito sa lipunan ay mas mapapalawig ang ating pagtangkilik dito. Mas magiging sensitibo tayo sa mga tao, bagay, at gawi na ating nakakadaupang palad sa bawat araw. Hindi maikakaila na may mga kulturang unti-unti nang namamatay at marami rin ang umuusbong. Sa tulong ng pagsasabuhay ng mga nabanggit na gampanin ng maaari pang maisalba ang mga namamatay at maaaring mas dumami ang mga positibong katangian at prosesong kahaharapin ng kultura.

SANGGUNIAN:  slideshare/mobile/jaredram55/kultura-777828 729  pinonewbie/ano-ang-kahulugan-ng-kultura-elemento-uri/  historyplex/characteristics-of-culture.amp

Was this document helpful?

Kahulugan, Uri, Katangian, at Kahalagahan ng Kultura - Parinas, Aljohn

Course: Intro sa Pag-aaral ng Wika (Fil104)

29 Documents
Students shared 29 documents in this course
Was this document helpful?
Pangasinan State University
Kampus ng Bayambang
Kolehiyo ng Pangguruang Edukasyon
Bayambang, Pangasinan
Pangalan: Parinas, Ajohn S. Asst. Prop. Mary Ann C. Macaranas
Kurso at Seksiyon: BSE Filipino II – 1 Instruktor
Fil112: Kulturang Popular
ANG KULTURA
Kahulugan, Uri, Katangian, at Gampanin sa Lipunan
Mga Layunin:
a. Nabibigyang kahulugan ang kultura.
b. Nakapagtatanghal ng iba’t ibang uri ng kultura.
c. Nakikilala ang mga katangian ng kultura.
d. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang gampanin ng kultura sa lipunan
Introduksiyon
Bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay natin ang kultura. Maraming mga
pagkakataong hindi natin alam na napapasok na natin ang mundong ito. Masining,
makulay, misteryoso, maganda, kakaiba at marami pang pang-uri ang maaaring
magamit upang ito ay ilarawan. Upang mas lalo nating maunawaan kung bakit
ginagamit ang mga naturang pang-uri hihimayin at bubuksan ng araling ito sa mas
malalim na pagtanaw ang kabuluhan ng kultura sa atin at sa lipunan.
Talakayan
KAHULUGAN NG KULTURA
Ayon kina Andersen at Taylor (2007), ito ay isang komplikadong sistema ng
ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong
panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
Ayon kay Panopio (2007), ito ang kabuuang konseptong sangkap sa
pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain
ng tao.
Ayon kay Mooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng
pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.
Mahihinuha na ang kultura ay:
Ang kabuuan ng pinagsama-samang pananaw ng mga tao sa lipunan.
Ang pagkakakilanlan ng tao at ng kanyang lugar.
Ang paraan ng pamumuhay ng mga tao.
MGA URI NG KULTURA
1. MATERYAL
Binubuo ito ng mga bagay na nakikita at nahahawakan at gawa o likha ng tao.
(Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag-unawa
ng kultura ng isang lipunan.
Halimbawa: Gusali, Likhang Sining, Kagamitan, Kasuotan, at Pagkain