Skip to document

Kabanata 4 Kayarian NG MGA Salita

Course

Filipino (PFP11)

118 Documents
Students shared 118 documents in this course
Academic year: 2021/2022
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Technische Universiteit Delft

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

KABANATA 4: KAYARIAN NG MGA SALITA

1. Payak - ay binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit at walang katambal na ibang salita.

Haimbawa: Alamutuy Kahoy Bango Araw Dasal Dahon Lakad Gabi

2. Maylapi- ito ay isang binubuo ng salitang-ugat na may kasamang isa o higit pang panlapi.

Halimbawa: Usigin pagsumikapan Katapangan sumpa-sumpaan

Ang paglalapi ay tumutukoy sa pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama- sama ng panlapi at salitang-ugat, Ang salitang-ugat ay nagkakaroon ng iba9t ibang anyo at kahulugan sa pamamagitan ng paglalagay ng iba9t ibang panlapi.

Halimbawa: Panlapi + s. → salitang maylapi

um- + ikot → umiko -um + sama → sumama -hin + sabi → sabihin

LAYUNIN:

1. Natutukoy ang mga kayarian ng mga salita, parirala at sugnay sa isang seleksyong binasa. 2. Nakapagtutukoy sa mga anyo, kayarian at gamit ng pangungusap sa isang talata. 3. Natutukoy ang tamang paglalapi o panlapi ng mga salita.

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

a) Mga uri ng panlapi Ang tatlong pangkalahatang uri ng panlapi ay (1) unlapi, (2) gitlapi, at (3) hulapi.

unlapi- ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat. Halimbawa: Um- + awit → umawit Mag- + sama → magsama i - + sukat → sinabi  Ang gitlapi ay isinisingit sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig lamang ang gitlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig. Halimbawa: -um- + dalaw → dumalaw -in- + sabi → sinabi

 Ang hulapi ay ikinakabit sa hulihan ang salitang-ugat. Halimbawa: -in + gamot → gamutin -an + kamay → kamayan -hin + sabi → sabihin -han + sama → samahan

Kabilaan ang tawag sa mga panlaping nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat. ka- -an + laya = kalayaan mag- -an + mahal = magmahalan pala- -an + baybay = palabaybayan tala- -an + araw = talaarawan

Laguhan ang tawag sa mga panlaping nasa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat. pag- -um- -an + sikap = pagsumikapan mag- -in- -an + dugo = magdinuguan

(Pansinin na ang o ay nagiging u kapag hinuhulapian. Pansinin rin kung saan inilalagay ang mga gitling ayon sa uri ng panlaping tinutukoy).

Paraan ng Paglalapi - ito ay tumutukoy sa paglalagay ng o mga panlapi sa salitang ugat.

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

g. Pag-uunlapi, Paggigitlapi at Paghuhulapi. Ang mga panlapi ay ikinakabit sa unahan, gitna at sa hulihan ng salitang-ugat. pag- -um- -an + sikap = pagsumikapan ipag- -um- -an + sigaw = ipagsumigawan mag- -in- -an + dugo = magdinuguan

3. Inuulit. Makabubuo ng mga salita sa tulong ng reduplikasyon ng salitang-ugat. Maaaring ulitin ang salitang-ugat ayon sa uri nito.

a. parsyal o di-ganap na pag-uulit. Inuulit lamang ang isa o higit pang pantig o silabol ng salitang-ugat at kahit may panlapi pa ito, tulad nito alis = aalis ani = aani lipad = lilipad ligaya = liligaya ibig = iibig kidlat = kikidlat maligaya = maliligaya bumasa = bumabasa

b. Buo o ganap na pag-uulit. Inuulit ang buong salitang-ugat nang may pang-akop o wala o may panlapi o wala. Paalala lamang na ang salitang ugat lamang ang inuulit.

araw = araw-araw sino = sinu-sino ba =I bang-iba marami = marami-rami ayaw = ayaw na ayaw tao = tau-tauhan

c. Magkahalong ganap at di-ganap na pag-uulit. Ito ang tawag kapag inuulit ang isang bahagi at ang kabuuan ng salita. Lipad = lilipad-lipad payag = papayag-payag Tatlo = tatatlo-tatlo takbo = tatakbu-takbo Ilan = iilan-ilan sayaw = sasayaw-sayaw

(Alalahanin na hindi lahat ng mga salita na kung titingnan na may pag-uulit ay salitang inuulit na. Tulad ng mga salitang alaala, paruparo, sarisari, gunamgunam, guniguni, dibdib, kilikili at bulaklak ay mga salitang payak dahil wala namang salitang-ugat na ala, paro, sari, gunam, guni, dib, kili at bulak). 1. Tambalan. Ang dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita ay tinatawag na tambalang salita. May dalawa itong uri.

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

a. Tambalang di-ganap. Sa uring ito, ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal ay hindi nawawala. Walang ikatlong kahulugang nabubuo. Halimbawa, sa tambalang-salitang bahay-kubo, ang kahulugan ng bahay 8tirahan ng tao9 at ang kahulugan ng kubo 8maliit na bahay na yari sa mga karaniwang materyales9 ay kapwa nananatili sa kahulugan ng salitang nabubuo. Ito ay nilalagyan ng gitling bilang pampalit sa mga katagang kinaltas. Iba pang halimbawa:

Asal-hayop (asal ng hayop) kulay-dugo (kulay ng dugo)

ingat-yaman (ingat ng yaman) bahay-ampunan (bahay na ampunan)

silid-tanggapan (silid na tanggapan) daang-bakal (daan na bakal)

batang-lansangan (bata sa lansangan) kahoy-gubat (kahoy sa gubat)

dalagang-bukid (dalagang tagabukid) urong-sulong (urong at sulong)

lumubog-lumitaw (lumubog at lumitaw) bahag-hari (bahag ng hari)

b. Tambalang ganap. Sa uring ito, ang dalawang salitang pinagtatambal ay nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsasama. Hindi ito ginagamitan ng gitling.

basag + ulo = basag-ulo

hampas + lupa = hampaslupa

bahag + hari = bahaghari (rainbow)

balat + sibuyas = balatsibuyas (sensitibo)

dalaga + bukid = dalagambukid (isda)

hanap + buhay = hanapbuhay (trabaho)

Was this document helpful?

Kabanata 4 Kayarian NG MGA Salita

Course: Filipino (PFP11)

118 Documents
Students shared 118 documents in this course
Was this document helpful?
MODULE
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
Page 1
KABANATA 4: KAYARIAN NG MGA SALITA
1. Payak - ay binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit at walang
katambal na ibang salita.
Haimbawa:
Alamutuy Kahoy Bango Araw
Dasal Dahon Lakad Gabi
2. Maylapi- ito ay isang binubuo ng salitang-ugat na may kasamang isa o higit pang
panlapi.
Halimbawa:
Usigin pagsumikapan
Katapangan sumpa-sumpaan
Ang paglalapi ay tumutukoy sa pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama-
sama ng panlapi at salitang-ugat, Ang salitang-ugat ay nagkakaroon ng iba9t ibang
anyo at kahulugan sa pamamagitan ng paglalagay ng iba9t ibang panlapi.
Halimbawa:
Panlapi + s.u. salitang maylapi
um- + ikot umiko
-um + sama sumama
-hin + sabi sabihin
LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga kayarian ng mga salita, parirala at sugnay sa
isang seleksyong binasa.
2. Nakapagtutukoy sa mga anyo, kayarian at gamit ng pangungusap
sa isang talata.
3. Natutukoy ang tamang paglalapi o panlapi ng mga salita.