Skip to document

Tagalog Guidance - Lecture notes 1-2. High school Grade 12 Students for Quarter 3

FILIPINO LEARNING MODULE In High school Studens
Course

Hotel and Restaurant Management (HM 112)

62 Documents
Students shared 62 documents in this course
Academic year: 2022/2023
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Isabela State University

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

COVID-19 AT ANG MGA KARAPATAN NG MGA TAONG MAY MGA KAPANSANAN: GABAY

  1. Ano ang epekto ng COVID-19 sa karapatan sa kalusugan ng mga taong may mga kapansanan?
  2. Ano ang epekto ng COVID-19 sa mga taong may mga kapansanan na nakatira sa mga institusyon?
  3. Ano ang epekto ng COVID-19 sa karapatan ng mga taong may mga kapansanan na tumira sa komunidad?
  4. Ano ang epekto ng COVID-19 sa trabaho, kita at kabuhayan ng mga taong may mga kapansanan?
  5. Ano ang epekto ng COVID-19 sa karapatan sa edukasyon ng mga taong may mga kapansanan?
  6. Ano ang epekto ng COVID-19 sa karapatan ng mga taong may mga kapansanan na maprotektahan laban sa karahasan?
  7. Ano ang epekto ng COVID-19 sa mga partikular na grupo ng populasyon kung saan marami ang mga taong may mga kapansanan? a. mga bilanggong may mga kapansanan b. mga taong may mga kapansanan na walang bahay na sapat na nakatutugon sa kanilang mga pangangailangan

PANGKALAHATANG-IDEYA

Bagama't maituturing na banta para sa lahat ng miyembro ng lipunan ang pandemyang dulot ng COVID-19, hindi hamak na mas lubos na naaapektuhan dito ang mga taong may mga kapansanan dahil sa mga nabuong pangpananaw, pangkalikasan at pang-institusyon na hadlang kaugnay ng pagtugon sa COVID-19.

Maraming taong may mga kapansanan ang may dati nang mga kundisyon sa kalusugan, kung kaya't mas madali silang mahawahan ng virus na nagiging dahilan para makaranas sila ng mga mas malalang sintomas kapag nahawahan, na nagreresulta sa matataas na rate ng pagkamatay. Sa panahon ng krisis kaugnay ng COVID-19, posibleng makaranas ng isolasyon at mahirapan sa panahon ng pagpapatupad ng mga pag-iingat sa lockdown ang mga taong may mga kapansanan na nakadepende sa suporta para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, habang maituturing nang partikular na may mataas na panganib ang mga nakatira sa mga institusyon, gaya na rin ng makikita sa napakaraming bilang ng mga pagkamatay sa mga residential care home at psychiatric na pasilidad. Lalo pang tumindi ang mga hadlang sa pag-access ng mga serbisyo at impormasyong pangkalusugan para sa mga taong may mga kapansanan. Dagdag pa rito, patuloy na humaharap ang mga taong may mga kapansanan sa diskriminasyon at iba pang hadlang sa pag-access ng suporta sa kabuhayan at kita, pakikilahok sa mga online na uri ng edukasyon, at paghahanap ng proteksyon laban sa karahasan. Mas malaki pa ang hinaharap na panganib ng mga partikular na grupo ng mga taong may mga kapansanan, gaya ng mga bilanggo at iyong mga walang bahay o walang bahay na sapat na nakatutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Nagreresulta ang kaalaman tungkol sa mga panganib na ito sa mas mahuhusay na pagtugong makakapawi sa hindi pantay na epektong nararanasan ng mga taong may mga kapansanan. Nilalayon ng gabay na itong: ▪ maghatid ng kaalaman tungkol sa epekto ng pandemyang ito sa mga taong may mga kapansanan at sa kanilang mga karapatan; ▪ bigyang-pansin ang ilang magagandang kagawiang isinasagawa na sa buong mundo; ▪ tukuyin ang mga pangunahing aksyon para sa Mga Estado at iba pang stakeholder; at

KARAPATANG PANTAO SA GITNA NG PAGTUGON

MGA PINAGTUTUUNANG PAKSA

COVID-19 AT ANG MGA KARAPATAN NG MGA TAONG MAY

MGA KAPANSANAN

29 Abril 2020

▪ magbigay ng mga resource para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pagtiyak sa mga pagtugon sa COVID-19 na batay sa mga karapatan na nagsasaalang-alang sa mga taong may mga kapansanan.

1. ANO ANG EPEKTO NG COVID-19 SA KARAPATAN SA KALUSUGAN NG MGA TAONG MAY

MGA KAPANSANAN?

Sa kabila ng pagiging isang populasyong partikular na nasa panganib ng COVID-19, humaharap ang mga taong may mga kapansanan sa mas malalaki pang diskriminasyon sa pag-access sa pangangalagang pangkalusugan sa panahon ng pandemya dahil sa hindi naa-access na impormasyon at kapaligirang pangkalusugan, pati na rin sa mga piling medikal na alituntunin at protocol na posibleng magpalalasa diskriminasyong hinaharap ng mga taong may mga kapansanan sa pagkakaloob ng pangangalagang pangkalusugan. Kung minsan, nagpapakita ang mga protocol na ito ng medikal na bias laban sa mga taong may mga kapansanan kaugnay ng kalidad ng kanilang buhay at panlipunang halaga. Halimbawa, mga alituntunin sa triage para sa pamamahagi ng mga limitadong resource na may mga pamantayan sa pagbubukod batay sa ilang partikular na uri ng kapansanan, pagkakaroon ng malalaking pangangailangan sa suporta para sa pang-araw-araw na pamumuhay, “panghihina”, mga posibilidad ng “therapeutic na tagumpay”, pati na rin sa mga palagay sa mga natitirang “life-year” kung makakaligtas sila. Nakaranas na rin ang mga taong may mga kapansanan at ang kanilang mga pamilya ng panggigipit sa sistemang pangkalusugan kaugnay ng pagtanggi sa pagsasagawa ng mga hakbang sa pag-resuscitate.

Ano ang ilang magagandang kagawian? ▪ Ang Komite sa Bioethics ng San Marino Republic ay gumawa ng gabay para sa COVID-19 kaugnay ng triage, na nagbabawal sa diskriminasyon sa batayan ng kapansanan: “Samakatuwid, ang tanging sukatan sa pagpili ay ang tamang aplikasyon ng triage, nang may paggalang sa bawat buhay ng tao, batay sa mga pamantayan ng kilinikal na kaangkupan at pagkakapantay-pantay ng mga paggamot. Ang anupamang pamantayan sa pagpili, gaya ng edad, kasarian, panlipunan o etnikong kaugnayan, at kapansanan, ay hindi katanggap-tanggap sa etikal na batayan, dahil magdudulot ito ng pawang pagtitimbang ng kung aling buhay ang mas karapat-dapat o hindi karapat-dapat na magpatuloy, na bumubuo sa isang hindi katanggap-tanggap na paglabag sa mga karapatang pantao.” 1 ▪ Ang Tanggapan para sa Mga Karapatang Sibil sa Kagawaran ng Kalusugan at Mga Serbisyong Pantao ng United States ay naglabas ng bulletin para matiyak na ipagbabawal ng mga awtoridad ang diskriminasyon sa batayan ng kapansanan, na nagsasaad na “hindi dapat pagkaitan ng pangangalagang pangkalusugan ang mga taong may mga kapansanan sa batayan ng mga stereotype, pagtatasa sa kalidad ng buhay, o panghuhusga tungkol sa kaukulang “halaga” ng isang tao batay sa pagkakaroon o kawalan ng mga kapansanan o edad”. 2 Nagbibigay din ang bulletin ng gabay sa mga awtoridad tungkol sa pagtiyak ng pagpapaabot at pagiging accessible ng impormasyon at mga pakikipag-ugnayan sa mga taong may mga kapansanan para sa pantay na pagkakataong makinabang sa mga pagsisikap para sa pagtugon sa emergency, “kabilang ang paggawa ng mga makatuwirang pagsasaalang-alang [para] makatulong na matiyak na ang pagtugon sa emergency ay matagumpay at nakakabawas sa panghahamak.” ▪ Ang United Arab Emirates ay naglunsad ng pambansang programa para masuri ang mga taong may mga kapansanan sa kanilang mga tahanan at simula noong kalagitnaan ng Abril ay nakapagsagawa na ng 650,000 pagsusuri para sa COVID- 19 sa mga taong may mga kapansanan. 3 ▪ Sa Pilipinas , naglathala ang Komisyon sa Mga Karapatang Pantao ng impormasyon para suportahan ang mga ahensyang pangkalusugan na bumuo ng mga pampublikong mensahe para sa mga grupong nasa mataas na panganib sa mga komunidad, kabilang ang mga bata at mga taong may mga kapansanan. 4

▪ Sa Switzerland at Spain, ang mga taong may mga kapansanang nakatira sa mga institusyon ay inilipat mula sa mga institusyon para tumira kasama ang kanilang mga pamilya, kung saan posible. ▪ Sa Canada, ang mga alituntunin sa priyoridad na pagsusuri ay inisyu kasama ng mga partikular na paraan para sa mga pang-institusyon na setting. 7

Ano ang ilan sa mga pangunahing pagkilos na maaaring isagawa ng Mga Estado at iba pang stakeholder?I-discharge at palabasin ang mga taong may mga kapansanan sa mga institusyon at tiyakin kaagad ang pagkakaloob ng suporta sa komunidad sa pamamagitan ng mga pampamilya at/o hindi pormal na network, at pondohan ang mga serbisyo ng suporta sa pamamagitan ng mga pampubliko o pribadong tagapagkaloob ng serbisyo. ▪ Pansamantala, bigyang-priyoridad ang pagsusuri at isulong ang mga hakbang sa pag-iwas sa sakit sa mga institusyon para mabawasan ang mga panganib ng pagkahawa sa pamamagitan ng pagtugon sa overcrowding, pagpapatupad ng mga hakbang sa physical distancing para sa mga residente, pagbabago sa mga oras ng pagbisita, pag-aatas ng paggamit ng protective equipment, at pagpapahusay sa mga kundisyong pang-hygiene. ▪ Paramihin nang pansamantala ang mga resource ng mga institusyon kabilang ang human resource at mga pinansyal na resource para maipatupad ang mga hakbang sa pag-iwas sa sakit. ▪ Sa panahon ng emergency, tiyakin ang patuloy na paggalang sa mga karapatan ng mga taong nakatira sa mga institusyon kabilang ang kalayaan mula sa pananamantala, karahasan at pang-aabuso, hindi pandidiskrimina, karapatan sa malaya at may kabatirang pahintulot, at access sa hustisya. 8 ▪ Gumaling nang mas mabuti sa pamamagitan ng paggamit at pagtataguyod ng mga diskarte sa pag-deinstitutionalize para isara ang mga institusyon at ibalik ang mga tao sa komunidad, at pagpapalakas ng mga suporta at serbisyo para sa mga taong may mga kapansanan at mas nakakatanda.

Mga Resource ▪ Gabay ng WHO tungkol sa Pag-iwas at Pagkontrol sa Paghawa para sa mga Pasilidad ng Pangmatagalang Pangangalaga sa konteksto ng COVID-19, Pansamantalang gabay, 21 Marso 2020 ▪ WHO, Mga pagsasaalang-alang sa kapansanan sa panahon ng pagkalat ng COVID- 19 ▪ Pahayag ng mga panrehiyon at internasyonal na organisasyon ng mga taong may mga psychosocial na kapansanan na may kasamang mga rekomendasyon sa konteksto ng pandemyang COVID- 19

3. ANO ANG EPEKTO NG COVID-19 SA KARAPATAN NG MGA TAONG MAY MGA

KAPANSANAN NA TUMIRA SA KOMUNIDAD?

Humaharap ang mga taong may mga kapansanan sa mga partikular na hadlang sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa komunidad dahil sa mga hakbang sa pagtugon kaugnay ng COVID-19. Sa partikular, ang mga paghihigpit sapananatili sa bahay na hindi nagsasaalang-alang sa kanilang mga pangangailangan ay nakapagdudulot ng mga abala at bagong panganib sa kanilang pagsasarili, kalusugan at mga buhay. 9

Maraming taong may mga kapansanan na umaasa sa iba para sa pang-araw-araw nilang pamumuhay (sa pamamagitan ng pormal na suporta ng mga tagapagkaloob ng serbisyo o hindi pormal na suporta ng mga kamag-anak/kaibigan) ang nawawalan ng suporta dahil sa mga paghihigpit sa pagkilos at hakbang sa physical distancing. Dahil dito, posibleng malagay

sila sa mataas na panganib nang walang access sa pagkain, mahahalagang produkto at gamot, at mapigilan sila sa paggawa ng mga karaniwang pang-araw-araw na aktibidad gaya ng paliligo, pagluluto, o pagkain.

Ang pampublikong impormasyon tungkol sa mga hakbang sa COVID-19 ay hindi sistematikong sinasabi o ipinapakalat sa mga naa-access na format at paraan para maabot ang lahat ng taong may mga kapansanan (hal. interpretasyon ng sign language, pag-caption, Madaling Basahing format, atbp).

Bilang karagdagan, posibleng hindi makayanan ng ilang taong may mga kapansanan, gaya ng mga taong may mga psychosocial na kapansanan at mga taong may autism, ang istriktong pananatili sa bahay. Ang maiikli at maiingat na paglabas-labas sa buong araw ang solusyon para makayanan nila ang sitwasyon.

Ano ang ilang magagandang kagawian? ▪ Ang Paraguay 10 at Panama 11 ay bumuo ng mga sistema para matiyak na naibibigay ang nauugnay na impormasyon sa mga naa-access na format. Gayundin, ang Ministeryo ng Kalusugan ng New Zealand ay may seksyon sa website nitong itinalaga sa pagbibigay ng impormasyon sa mga naa-access na format, kabilang ang sign language at madaling basahing format. 12 Gumamit rin ang pamahalaan ng Mexico ng katulad na kagawian. 13 ▪ Sa Argentina, 14 hindi kasama ang mga support person sa mga paghihigpit sa pagkilos at physical distancing para magbigay ng suporta sa mga taong may mga kapansanan. Nabuo sa Colombia ang mga network ng suporta sa komunidad at nagre-recruit ang mga ito ng mga boluntaryong sumusuporta sa mga taong may mga kapansanan at mas nakakatanda sa kanilang mga grocery at iba pang pagbili. 15 Gayundin, sa Panama , sa pagsisikap na bawasan ang mga panganib, nagtalaga ng mga partikular na oras ng pagbubukas para sa mga taong may mga kapansanan at kanilang mga personal na assistant para sa mahahalagang pagbili. 16 ▪ Ang United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland 17 ay nagluwag sa mga paunang mahigpit na panuntunan sa pananatili sa bahay at nagpatupad ng mga pagbubukod para pahintulutang lumabas ang mga taong may autism at iba pang taong may mga kapansanan. Nagpatupad ang France ng mga katulad na hakbang. 18

Ano ang ilan sa mga pangunahing pagkilos na maaaring isagawa ng Mga Estado at iba pang stakeholder? ▪ Tiyaking ang impormasyon tungkol sa mga hakbang na nauugnay sa COVID-19 ay naa-access ng mga taong may mga kapansanan , kabilang ang sa pamamagitan ng interpretasyon ng sign language, pag-caption, at mga format na madaling basahin, at iba pa. ▪ Tiyaking ang mga support person ng mga taong may mga kapansanan ay hindi kasama sa mga paghihigpit sa pananatili sa bahay para makapagbigay ng suporta. ▪ Isulong ang at makipagtulungan sa pagbuo ng mga network ng suporta sa komunidad , at tiyakin ang pagiging available ng mga materyal, kagamitan at produktong pamprotekta. ▪ Isaalang-alang ang pagtatatag ng mga oras ng pagbubukas na nagbibigay ng priyoridad sa mga taong may mga kapansanan at kanilang mga personal na assistant sa mga supermarket, grocery at iba pang mahahalagang tindahan, sa panahon ng mga hakbang sa pananatili sa bahay/pag-isolate. ▪ Tiyakin ang pagkakaloob ng makatuwirang pagsasaalang-alang sa mga taong may mga kapansanan sa pamamagitan ng pagpigil sa mga pangkalahatang pagbabawal sa pag-alis ng bahay at pagpapataw ng mga multa, at paggawa ng mga pagbubukod para makalabas ang mga taong may mga kapansanan.

Mga Resource ▪ WHO, Mga pagsasaalang-alang sa kapansanan sa panahon ng pagkalat ng COVID- 19 ▪ UNPRPD, ILO at iba pa, pagtugon sa panlipunang proteksyon sa krisis sa covid-19 na nagsasaalang-alang ng kapansanan

▪ ILO, Walang maiiwan, hindi ngayon, hindi kailanman na Mga Taong may mga kapansanan sa pagtugon sa COVID- ▪ UNPRPD, ILO at iba pa, Pagtugon sa panlipunang proteksyon sa krisis sa COVID- 19 ▪ International Monetary Fund, Mga patakarang pagtugon sa COVID- 19

5. ANO ANG EPEKTO NG COVID-19 SA KARAPATAN SA EDUKASYON NG MGA TAONG MAY MGA

KAPANSANAN?

Mas malamang na hindi nakakapagtapos sa pag-aaral ang mga taong may mga kapansanan kumpara sa iba, at mas malamang na hindi na lang rin talaga sila pinapapasok sa paaralan. 26 Because of COVID-19, most States have temporarily closed education institutions 27 na nakakaapekto sa lahat ng estudyante, kabilang ang mga estudyanteng may mga kapansanan. Para mabawasan ang epekto ng pagkaantala sa edukasyon, gumagamit ang ilang Estado ng mga kagawian para sa remote learning. Gayunpaman, sa mga kasong ito, humaharap ang mga estudyanteng may mga kapansanan sa mga hadlang dahil sa kawalan ng kinakailangang kagamitan, access sa internet, mga naa-access na materyal at suportang kinakailangan para pahintulutan silang sumunod sa mga online na programa ng paaralan. Bilang resulta, maraming estudyanteng may mga kapansanan ang naiiwan, partikular na ang mga estudyanteng may mga intelektwal na kapansanan.

Bukod pa rito, negatibo ring nakakaapekto sa mga estudyanteng may mga kapansanan ang iba pang dimensyon ng mga pagsasara ng paaralan, kabilang ang access sa mga pagkain sa paaralan at mga oportunidad na sumali sa pagtatanghal at palakasan kasama ng kanilang mga kaklase.

Ano ang ilang magagandang kagawian? ▪ Naglabas ang United States of America ng dokumentong gabay sa naaangkop na pederal na batas, ang Individual with Disabilities Act. 28 ▪ Naglabas ang Ecuador ng mga rekomendasyon para sa mga guro tungkol sa pagsuporta sa edukasyon ng mga batang kinakailangang manatiling naka-isolate sa bahay. 29 ▪ Ang United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland ay nagpakalat ng impormasyon at nagtatag ng mga sistema para suportahan ang mga magulang at tagapag-alaga para gabayan sila tungkol sa kung paano harapin ang mga nagtutunggaling responsibilidad habang nasa bahay at para masuportahan nang mas maayos ang proseso ng edukasyon ng mga batang may mga kapansanan. 30

Ano ang ilan sa mga pangunahing pagkilos na maaaring isagawa ng Mga Estado at iba pang stakeholder?Magbigay ng malinaw na gabay sa mga awtoridad ng edukasyon at paaralan tungkol sa sakop ng kanilang mga obligasyon at iba't ibang available na resource kapag nagbibigay ng edukasyon sa labas ng mga paaralan. ▪ Tiyakin ang access sa Internet para sa remote learning at tiyaking naa-access ang software para sa mga taong may mga kapansanan, kabilang ang sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pantulong na device at makatuwirang pagsasaalang-alang. ▪ Magbigay ng gabay, pagsasanay, at suporta para sa mga guro tungkol sa inclusive na edukasyon sa pamamagitan ng remote learning. ▪ Magtatag ng malapit na pakikipagtulungan sa mga magulang at tagapag-alaga para sa maagang edukasyon ng mga batang may mga kapansanan. ▪ Magbigay ng gabay at pangmalayuang suporta para sa mga magulang at tagapag-alaga na makakatulong sa pag-set up ng kagamitan at para masuportahan ang programa ng edukasyon ng kanilang mga anak na may mga kapansanan. ▪ Gumawa ng mga naa-access at na-adapt na materyal para sa mga estudyanteng may mga kapansanan, na susuporta sa remote learning. ▪ Gumawa ng mga naa-access na pang-edukasyong audio-visual na materyal na maipapamahagi sa pamamagitan ng iba't ibang media (hal. online na on demand, mga ipinapalabas na edukasyonal na programa, atbp.)

Mga Resource ▪ Pahayag ng Komite ng CRC tungkol sa malaking pisikal, emosyonal at sikolohikal na epekto ng pandemyang dulot ng COVID-19 sa mga bata at mga pag-aatas sa Mga Estado na protektahan ang mga karapatan ng mga bata ▪ UNICEF, Pagtugon sa COVID-19: Mga Pagsasaalang-alang para sa Mga Bata at Nasa Hustong Gulang na may Mga Kapansanan ▪ UNESCO, Website tungkol sa pagtugon sa COVID-

6. ANO ANG EPEKTO NG COVID-19 SA KARAPATAN NG MGA TAONG MAY MGA

KAPANSANAN NA MAPROTEKTAHAN LABAN SA KARAHASAN?

Ang mga taong may mga kapansanan ay nasa mas mataas na panganib ng karahasan, partikular na kapag naka-isolate sila. Humaharap ang mga nasa hustong gulang na kababaihan at mga batang babae sa mas matataas na antas ng karahasan sa kasarian, sekswal, kapareha at tahanan. 31 Hindi lang humaharap ang mga nasa hustong gulangna kababaihan at batang babaeng may mga kapansanan sa mas matataas na panganib ng karahasan kumpara sa iba pang babae, kundi nakakaranas din sila ng mas matataas na antas ng karahasan kaysa sa mga lalaking may mga kapansanan. 32 Bagama't kasalukuyang hindi available ang impormasyon tungkol sa karahasang nakabatay sa kapansanan at kasarian sa konteksto ng COVID-19, ipinapakita ng karanasan na sa mga katulad na sitwasyon, ang mga taong may mga kapansanan ay partikular na nasa panganib. 33

Partikular na mapanghamon para sa mga taong may mga kapansanan ang mga serbisyo at tulong sa karahasan sa tahanan, dahil karaniwang hindi kasama sa mga serbisyong ito ang mga taong may mga kapansanan at hindi nila naa-access ang mga ito. Madalas na hindi nilalagyan ang mga hotline ng mga serbisyo sa intepretasyon para sa mga taong may problema sa pandinig at bingi at bulag, at hindi handa ang mga serbisyo at tahanang pang-emergency na matugunan ang mga pangangailangan ng mga taong may mga kapansanan.

Ano ang ilang magagandang kagawian? Sa Peru , naglabas ng mga alituntunin para maabot ng mga lokal na pamahalaan ang mga taong may mga kapansanan sa pamamagitan ng telepono, sa panahon ng mga krisis, at nang personal pagkatapos humupa ng emergency, na nagsasaad ng tungkuling iulat ang mga sitwasyon ng karahasan sa mga awtoridad. 34 Maliban dito, hindi matukoy ng OHCHR ang bagong magagandang kagawian sa lugar na ito, na nagpapataas sa antas ng alalahanin. Patuloy na nagbibigay ang maraming bansa ng mga naa-access na hotline, tulong at pag-uulat, kabilang ang mga serbisyo sa pag-text, relay phone at video phone para sa mga taong bingi. 35 Natukoy ang ilang magagandang kagawian sa mga sangguniang nakalista sa ibaba.

Ano ang ilan sa mga pangunahing pagkilos na maaaring isagawa ng Mga Estado at iba pang stakeholder?Tiyaking naa-access ng mga taong may mga kapansanan ang mga pamamaraan ng pag-uulat, hotline, tahanang pang- emergency at iba pang uri ng tulong at kasama sila sa mga ito. ▪ Magsagawa ng pagsubaybay sa sitwasyon ng mga taong may mga kapansanan, partikular na para sa mga namumuhay nang nakahiwalay, sa pamamagitan ng pagsali sa proactive na outreach kabilang ang sa pamamagitan ng komunidad at mga boluntaryong network. ▪ Palawakin ang kaalaman at magbigay ng pagsasanay tungkol sa panganib ng karahasang kinakaharap ng mga taong may mga kapansanan, partikular na ng mga nasa hustong gulang na kababaihan at batang babaeng may mga kapansanan, at hikayatin ang mga network ng suporta kabilang ang pag-uudyok ng suporta ng peer.

Mga Resource

suporta, pagkain, tubig at kalinisan; paglalapat ng mga hakbang sa pag-isolate at pisikal na pagdistansya, pag-aatas ng paggamit ng protective equipment, at pagpapahusay sa mga kundisyon ng hygiene.

Mga Resource ▪ WHO, Pag-iwas at pagkontrol sa COVID-19 sa mga bilangguan at iba pang lugar ng pagkakakulong ▪ Inter Agency Standing Committee ng UN, COVID-19: pagtuon sa mga taong pinagkaitan ng kanilang kalayaan

b. MGA TAONG MAY MGA KAPANSANAN NA WALANG BAHAY NA SAPAT NA

NAKATUTUGON SA KANILANG MGA PANGANGAILANGAN

Marami rin sa pinakamahihirap na populasyon ang kumakatawan sa mga taong may mga kapansanan, partikular na ang mga taong may mga psychosocial at intelektwal na kapansanan. Ang mga taong walang bahay na may mga kapansanan at ang mga taong nakatira sa mga tahanang pang-emergency ay partikular na nanganganib na magkaroon ng COVID-19 dahil sa sobrang masisikip na kundisyon ng pamumuhay, kawalan ng access sa tubig at sanitasyon, at dahil sa kanilang mga dati nang kundisyon sa kalusugan.

Ang emergency ng COVID-19 ang nagtulak sa mga taong walang bahay, kabilang ang mga taong may mga kapansanan, na maghanap ng matutuluyan at suporta, na nagdudulot ng pagsikip ng mga tahanang pang-emergency at pagkalat ng virus. Nasa hindi magandang kalagayan din ang mga taong hindi makakasunod sa physical distancing dahil sa kanilang kundisyon sa pamumuhay.

Ano ang ilang magagandang kagawian? ▪ Sa United States of America , ipinatupad ang pagtugon sa kawalan ng tahanan sa pamamagitan ng mga partikular na alituntunin kung saan kasama ang aspeto ng kapansanan sa pakikipag-ugayan. ▪ Sa Chile, nag-anunsyo ang pamahalaan ng pagpapatibay ng pagbisita nito sa mga kalye para magbigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga taong walang bahay. ▪ Sa Argentina, mahigit 1,000 kama ang inilagay sa isang malaking pasilidad para magbigay ng tahanang pang-emergency sa mga taong posibleng mangailangan ng physical distancing nang walang gaanong kinakailangang medikal. Ano ang ilan sa mga pangunahing pagkilos na maaaring isagawa ng Mga Estado at iba pang stakeholder?Tiyaking ang mga taong walang bahay na may mga kapansanan ay gagamutin nang may dignidad at respeto , at na makakatanggap ang mga unang responder ng pagsasanay at gabay tungkol sa pakikipag-ugnayan para maiwasan ang mararahas na sitwasyon. ▪ Iwasan ang puwersahang pag-aalis ng mga hindi pormal na tahanan , dahil maaari nitong pabilisin ang pagkalat ng virus. Gamutin ang mga taong walang bahay na may mga kapansanan kung saan sila nakatira at mag-alok ng ligtas at naa-access na tahanan kung saan available. ▪ Maghanap ng iba't ibang opsyon sa tahanan na makapagbibigay-daan sa physical distancing , kabilang ang mga nirerentahang ari-arian, hotel, sentro ng kumperensya at stadium, na may sapat na sanitasyon at mga akmang kundisyon sa pamumuhay. ▪ Magbigay ng mga serbisyo sa pag-sanitize sa mga kalye , kabilang ang tubig, sabon, mga lababo, at iba pang resource para matiyak na available ang tubig at sanitasyon.

Mga Resource ▪ Espesyal na Rapporteur ng UN sa karapatan sa sapat na pabahay, Gabay sa COVID-19: Proteksyon para sa mga taong nabubuhay nang walang tahanan

▪ Espesyal na Rapporteur ng UN sa karapatan sa sapat na pabahay, Gabay sa COVID-19: Pagprotekta sa mga residente ng mga hindi pormal na tahanan

MGA SANGGUNIAN – PANGKALAHATAN

▪ Komite ng CRPD at Espesyal na Envoy ng Punong-Kalihim ng UN sa Pinagsamang Pahayag tungkol sa Kapansanan at Pagiging Accessible: Mga Taong may Mga Kapansanan at COVID- ▪ Internasyonal na Alyansa para sa Kapansanan, COVID-19 at ang kilusan para sa kapansanan ▪ Internasyonal na Kasunduan sa Kapansanan at Pag-unlad: Repository ng mga resource ng pagsasama ng kapansanan at COVID- 19 ▪ ILO, Walang maiiwan, hindi ngayon, hindi kailanman: Mga taong may mga kapansanan sa pagtugon sa COVID- ▪ Mga panrehiyon at internasyonal na organisasyon ng mga taong may mga psychosocial na kapansanan, Pahayag tungkol sa COVID19 at mga taong may mga psychosocial na kapansanan na may kasamang mga rekomendasyon ▪ Kumikilos ang UN para matiyak na hindi maiiwan ang mahihinang grupo sa pagtugon sa COVID- 19 ▪ UN ESCAP: Pagtiyak sa Mga Karapatan at Pagsasama ng Kapansanan sa Pagtugon sa Covid- 19 ▪ Inter Agency Standing Committee ng UN, COVID-19: pagtuon sa mga taong pinagkaitan ng kanilang kalayaan ▪ UNPRPD, ILO at iba pa, Pagtugon sa panlipunang proteksyon sa krisis sa COVID- 19 ▪ Mga Espesyal na Rapporteur at independyenteng eksperto, No exceptions with COVID-19: “May karapatan ang lahat sa mga pamamagitang nakakapagligtas ng buhay” ▪ Special Rapporteur ng UN sa mga karapatan ng mga taong may mga kapansanan, COVID-19: Sino ang pumoprotekta sa mga taong may mga kapansanan? ▪ UNFPA, Mga Alituntunin para sa Pagbibigay ng mga Serbisyong Nakabatay sa Karapatan at Tumutugon sa Kasarian para Matugunan ang Karahasang Nakabatay sa Kasarian at Sekswal at Reproductive Health at Mga Karapatan para sa Mga Kababaihan at Kabataang may Mga Kapansanan ▪ UNICEF, COVID-19: Mga Pagsasaalang-alang sa Mga Bata at Nasa Hustong Gulang na may Mga Kapansanan ▪ WHO, Mga pagsasaalang-alang sa kapansanan sa panahon ng pagkalat ng COVID- 19 ▪ WHO, Gabay tungkol sa Pag-iwas at Pagkontrol sa Pagkahawa para sa mga Pasilidad ng Pangmatagalang Pangangalaga sa konteksto ng COVID-19, Pansamantalang gabay, 21 Marso 2020 ▪ WHO, Pag-iwas at pagkontrol sa COVID-19 sa mga bilangguan at iba pang lugar ng pagkakakulong

1 Tingnan ang sanita/on-line/home/bioetica/comitato-sammarinese-di-bioetica/documents-in -english/documento2116023. 2 Tingnan ang hhs/sites/default/files/ocr-bulletin-3- 28 -20. 3 Tingnan ang khaleejtimes/coronavirus-pandemic/combating-coronavirus-uae-launches-home-testing-programme-for-people-of- determination 4 Tingnan ang facebook/pg/chrgovph/photos/?tab=album&album_id=2681151298668065&tn=-UC-R 5 Tingnan ang canada/en/employment-social-development/news/2020/04/backgrounder--covid- 19 -disability-advisory-group 6 Adelina Comas-Herrera and Joseba Zalakain, “Mortality associated with COVID-19 outbreaks in care homes: early international evidence”, International Long term care policy network, 12 April 2020, p 5. 7 Tingnan ang health.gov.on/en/pro/programs/publichealth/coronavirus/docs/2019_testing_guidance.pdf 8 Pahayag ng mga panrehiyon at internasyonal na organisasyon ng mga taong may mga psychosocial na kapansanan na may kasamang mga rekomendasyon sa konteksto ng pandemyang dulot ng COVID-19, sa dkmedia.s3.amazonaws/AA/AG/chrusp- biz/downloads/357738/COVID19-and-persons-with-psychosocial-disabilities-final_version 9 Sa simula ng pagkalat sa China, may isang 16 na taong gulang na kabataang may cerebral palsy na namatay dahil na-isolate ang mga miyembro ng kanyang pamilya at naiwan siyang mag-isa nang walang suporta. 10 Inilunsad ng Disability Focal Point (SENADIS) ng Paraguay ang paggamit nito ng social media para sa pagbibigay ng impormasyon sa sign language, na nanghihikayat sa pag-access ng komunidad ng mga may kapansanan sa pandinig.

Was this document helpful?

Tagalog Guidance - Lecture notes 1-2. High school Grade 12 Students for Quarter 3

Course: Hotel and Restaurant Management (HM 112)

62 Documents
Students shared 62 documents in this course
Was this document helpful?
www.ohchr.org
COVID-19 AT ANG MGA KARAPATAN NG MGA TAONG MAY MGA KAPANSANAN: GABAY
1. Ano ang epekto ng COVID-19 sa karapatan sa kalusugan ng mga taong may mga kapansanan?
2. Ano ang epekto ng COVID-19 sa mga taong may mga kapansanan na nakatira sa mga institusyon?
3. Ano ang epekto ng COVID-19 sa karapatan ng mga taong may mga kapansanan na tumira sa komunidad?
4. Ano ang epekto ng COVID-19 sa trabaho, kita at kabuhayan ng mga taong may mga kapansanan?
5. Ano ang epekto ng COVID-19 sa karapatan sa edukasyon ng mga taong may mga kapansanan?
6. Ano ang epekto ng COVID-19 sa karapatan ng mga taong may mga kapansanan na maprotektahan laban sa
karahasan?
7. Ano ang epekto ng COVID-19 sa mga partikular na grupo ng populasyon kung saan marami ang mga taong may
mga kapansanan?
a. mga bilanggong may mga kapansanan
b. mga taong may mga kapansanan na walang bahay na sapat na nakatutugon sa kanilang mga
pangangailangan
PANGKALAHATANG-IDEYA
Bagama't maituturing na banta para sa lahat ng miyembro ng lipunan ang pandemyang dulot ng COVID-19, hindi hamak
na mas lubos na naaapektuhan dito ang mga taong may mga kapansanan dahil sa mga nabuong pangpananaw,
pangkalikasan at pang-institusyon na hadlang kaugnay ng pagtugon sa COVID-19.
Maraming taong may mga kapansanan ang may dati nang mga kundisyon sa kalusugan, kung kaya't mas madali silang
mahawahan ng virus na nagiging dahilan para makaranas sila ng mga mas malalang sintomas kapag nahawahan, na
nagreresulta sa matataas na rate ng pagkamatay. Sa panahon ng krisis kaugnay ng COVID-19, posibleng makaranas ng
isolasyon at mahirapan sa panahon ng pagpapatupad ng mga pag-iingat sa lockdown ang mga taong may mga kapansanan
na nakadepende sa suporta para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, habang maituturing nang partikular na may
mataas na panganib ang mga nakatira sa mga institusyon, gaya na rin ng makikita sa napakaraming bilang ng mga
pagkamatay sa mga residential care home at psychiatric na pasilidad. Lalo pang tumindi ang mga hadlang sa pag-access ng
mga serbisyo at impormasyong pangkalusugan para sa mga taong may mga kapansanan. Dagdag pa rito, patuloy na
humaharap ang mga taong may mga kapansanan sa diskriminasyon at iba pang hadlang sa pag-access ng suporta sa
kabuhayan at kita, pakikilahok sa mga online na uri ng edukasyon, at paghahanap ng proteksyon laban sa karahasan. Mas
malaki pa ang hinaharap na panganib ng mga partikular na grupo ng mga taong may mga kapansanan, gaya ng mga bilanggo
at iyong mga walang bahay o walang bahay na sapat na nakatutugon sa kanilang mga pangangailangan.
Nagreresulta ang kaalaman tungkol sa mga panganib na ito sa mas mahuhusay na pagtugong makakapawi sa hindi pantay
na epektong nararanasan ng mga taong may mga kapansanan. Nilalayon ng gabay na itong:
maghatid ng kaalaman tungkol sa epekto ng pandemyang ito sa mga taong may mga kapansanan at sa kanilang mga
karapatan;
bigyang-pansin ang ilang magagandang kagawiang isinasagawa na sa buong mundo;
tukuyin ang mga pangunahing aksyon para sa Mga Estado at iba pang stakeholder; at
KARAPATANG PANTAO SA GITNA NG PAGTUGON
MGA PINAGTUTUUNANG PAKSA
COVID-19 AT ANG MGA KARAPATAN NG MGA TAONG MAY
MGA KAPANSANAN
29 Abril 2020