Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

2-Tekstong-Prosidyural Ikalawang-Modyul-1

Bago mo simulan ang pag-aaral sa paksang ito isantabi ang bagay na sa...
Course

Fundamentals of Accounting II (ACCT 1A)

357 Documents
Students shared 357 documents in this course
Academic year: 2021/2022
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
Pontifical and Royal University of Santo Tomas, The Catholic University of the Philippines

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Sa paksang ito, matututuhan mo ang kahulugan,layunin, iba’t ibang uri at halimbawa ng tekstong

prosidyural. Malalaman mo rin ang apat na pangunahing bahagi ng tekstong prosidyural maging ang karaniwang pagkakaayos o pagkakabuo nito at ang mga dapat isaalang alang sa pagbuo nito.

Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahan na malinang sa iyo ang kasanayang:

1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa (F11PS – IIIb-91). 2. Nakakasulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto (F11PU-IIIb-89).

Halina’t alamin ang tekstong prosidyural at matutong gumawa ng sarili mong prosidyur.

Bago mo simulan ang pag-aaral sa paksang ito isantabi ang bagay na sa tingin mo ay makasasagabal sa pag-aaaral. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

  1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

  2. Huwag kalimutang sagutin ang Paunang Pagsubok bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.

  3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

  4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

  5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

  6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

  7. Sumangguni sa iyong gurong tagagabay, sakaling may malabong detalyeng hindi maunawaan.

A. Tama o Mali

Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag. Sa puwang bago ang bilang, isulat ang T kung

tama ang mga pahayag ayon sa binasa at kung mali naman ay isulat ang M.

_________________1. Mahalagang detalyado at tiyak ang deskripsyon ng isang proseso upang matagumpay na maisagawa ng mambabasa ang nais niyang gawin.

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Unang Markahan – Ikalawang Linggo

Aralin 2: Tekstong

Prosidyural

PPTTP_ (F11PS – IIIb-91)/(F11PU-IIIb-89)

PPTTP – Grade

12

Unang Markahan

Ikalawang Linggo

Paunang Pagsubok

Mga Inaasahan

Para sa mga mag-aaral

_________________ 2. Ang antas ng wikang ginagamit ng mambabasa ay hindi mahalagang salik sa pagsulat ng isang tekstong prosidyural. _________________3. Mas madaling maunawaan ng mambabasa ang isang tekstong prosidyural kung ito ay mayroong ilustrasyon o larawan.

1

_________________ 4. Ang wastong pag unawa sa prosidyur ay nakakatulong upang maging maganda ang resulta ng gagawin. _________________ 5. Sa pagsulat ng hakbang o proseso ay mahalaga lamang na ito ay nakaaliw kahit na ito ay di wasto ay masusundan na ito ng mambabasa.

B. Tukuyin

Tukuyin kung ang mga pahayag na nasa ibaba ay sumusunod sa isang hakbang o proseso. Lagyan ng tsek (✓) ang mga pahayag na sumusunod sa isang proseso o hakbang at ekis (x) naman ang ilagay kung hindi.

____________1. Tamang paghugas ng kamay ____________ 2. Pagbibigay ng suhestiyon ____________ 3. Pag-aaplay ng lisensya sa pagmamaneho ____________ 4. Pagbuo ng bisekleta ____________ 5. Pagbibigay ng direksyon.

Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay naglalarawan ng tekstong impormatibo. Isulat sa patlang ang letrang I kung ito ay nagpapahayag ng tektong impormatibo at H naman kung hindi.

__________1. Ang Pangulo ay may kapangyarihan sa pamamahala at pagpapatupad ng batas samantala ang Kongreso ay may kapangyarihan sa paniningil ng buwis, pagbabadyet ng pondo at pagdedeklara ng digmaan ng bansa. __________2. Ang salitang computer ay nagmula sa salitang-ugat na compute. Katumbas ito ng tuos, kuwenta o kakula kung isasalin sa Filipino. __________3. Isang araw, di maipaliwanag ang pangyayaring nasaksihan ng lalaki sa labas ng kanilang maliit na dampa. Namatay ang mga halaman, natuyo ang lupa at walang tubig ang batis at ilog. __________4. Dahil sa pagsulat, napapanatiling buhay ang kultura at hindi nababaon sa limot ang kasaysayan ng isang bansa. __________ 5. Sinabi ng Arsobispo na lubhang nababahala na ang mga tao at natatakot para sa kanilang seguridad at kaligtasan dahil sa mga nagaganap na krimen, na ang iba ay mismong alagad ng batas ang sangkot.

Sa panahon ngayon karamihan sa mga produkto ay tinatawag na DIY o do-it-yourself, at ang ilang serbisyo ay nangangailangan ng self-service, napipilitan tayong gumawa ng mga bagay na

dati ay inaasa natin sa iba, bagamat hindi naman ganoon kahirap gawin ang mga ito dahil may gumagabay sa ating mga instructional booklet at ilang mga paalala.

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Unang Markahan – Ikalawang Linggo Isinulat ni Melissa Lie C. Osias

Alam mo ba?

Balik-tanaw

Pagpapakilala ng Aralin

Ang DoItYourself ay isa sa mga nangungunang web site na tumutulong sa mga nais magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Ang mga taong sumasanggguni nito ay hindi na kumukuha ng mga ekspertong susuwelduhan at sa halip, sila mismo ang gumagawa. Pinarangalan ang web site na ito ng Time Magazine bilang “One of the Top 50 Sites in the World.” Ang site na ito ay sinimulan noong 1995 na naglalayong tumulong sa mga namimili na makakuha ng mga impormasyon sa pagkukumpini ng bahay. Dito, nakapupulot sila ng ng mga prosidyur kung paano gawin ang mga bagay na kailangan nilang malaman sa pagkukumpini. Pinapadali nito ang kanilang buhay dahil sa isang klik lang ay mababasa at kung minsan ay mapapanood pa ang mga paraan kung paano gawin ang isang bagay. Sanggunian: doityourself/aboutus

Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, at ito ay ang mga sumusunod:

1. Layunin – ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur. Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang empleyado o mag-aaral kung susundin ang mga gabay.

2. Mga Kagamitan / Sangkap – Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang makompleto ang isasagawang proyekto. Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkakasunod-sunod kung kailan ito gagamitin. Maaaring hindi makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi gagamit ng anomang kasangkapan.

3. Hakbang (steps)/ Metodo (method) – Serye o pagkasunod-sunod ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.

4. Konklusyon/Ebalwasyon – Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa. Maaaring sa pamamagitan ito ng mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan, o makina o di kaya ay mga pagtatasa kung nakamit ang kaayusan na layunin ng prosidyur.

Balangkas ng Tekstong Prosidyural

1. Pamagat – ang nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin o isasakatuparan. 2. Seksyon – ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon upang maiwasan ang kalituhan sa mambabasa. 3. Sub-heading – Kung mayroong seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng pamagat na magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur. 4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na mahirap ipaintindi gamit lamang ang mga salita.

Mga Konsiderasyon sa Pagbuo ng Tekstong Prosidyural

 Ilarawan nang malinaw ang mga dapat isakatuparan. Ilahad ang detalyadong deskripsyon.  Mahalagang alamin kung sino ang awdiyens ng teksto upang mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wikang gagamitin.  Ilista ang mga gagamitin.  Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan ( third person point of view )  Kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin.  Malinaw ang pagkasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali ang gagawa nito.  Nakakatulong din ang paglalakip ng larawan o ilustrasyon kasama ang paliwanag upang higit na maunawaan ng taong gagawa nito.

Katangian at Kalikasan ng Tekstong Prosidyural

 Nasusulat sa kasalukuyang panahunan (gawin ito);  Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang;  Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon;  Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive devices upang ipakita ang pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto; at  Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay, at dami).

Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawan ng lahat. Sa pagsusulat ng tekstong prosidyural, kailangan malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin. Nararapat ding malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin, upang hindi malito o magkamali ang gagawa nito. Dapat ding tandaan na ang paggamit ng mga payak ngunit angkop na salitang madaling maunawaan ng sinumang gagawa. Nakatutulong din ang paglalakip ng larawan o

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Unang Markahan – Ikalawang Linggo

ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang higit na maging malinaw ang pagsasagawa sa mga hakbang. Matutuhan ng mambabasa kung paano ang wastong magagawa ang isang bagay sa tulong ng isang malinaw na pagpapaliwanag. Kailangan maging klaro sa teksto ang tamang pagkasunod-sunod upang makamit ng mambabasa ang inaasahang bunga. Dapat pakaisiping layunin ng tekstong prosidyural na maipaliwanag nang mabuti ang isang gawain upang maisagawa ito nang maayos at tumpak, kaya nararapat lamang na maisulat ito sa paraang simple, malinaw at mauunawaan ng lahat. (Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario, 2017

Tunghayan ang mga halimbawa ng tekstong prosidyural at suriin kung madali bang unawain ang mga ito.

Unang halimbawa:

Paggawa ng Parol

Mga kakailanganin:

10 patpat ng kawayan (1/4 pulgada ang lapad at 10 pulgada ang haba) 4 na patpat ng kawayan (/4 pulgada lapad at 3 ½ pulgada ang haba) Papel de hapon o cellophane Pandikit Tali

Paraan ng pagsasagawa

Unang hakbang, Markahan ang mga gilid para makita ang mga gild ng bawat sulok.

Pangalawang hakbang, Ikabit ang mga dulo ng kawayan gamit ang inihandang tali. Itali sa pangalawang balangkas ng bituin. Balutan ang dalawang dulo ng maliit na kahoy hanggang maging matibay ito. Talian ang mga dulo pero mag-iwan ng mga 3 pulgada ng tali (Ang dalawang tali ay dapat nakabitin mula sa bawat dulo ng mahaba’t makitid na piraso)

Pangatlong hakbang, Pagdikitin ang dalawang balangkas ng bituin at talian ang bawat dulo ng mga ito upang hindi kumalas.

Pang-apat na hakbang, Ilagay ang maliit na kahoy sa pagitan ng dalawang balangkas ng bituin. Talian ang mga dulo hanggang sa dugtong sa pamamagitan ng paggamit sa 3 pulgada na tali.

Panglimang hakbang, Tapusin ang pagkagawa ng hugis bituin. Kailangan dikit ang dalawang balangkas ng bituin na may namamagitan na maliit na kahoy sa gitna ng mga ito. Gumamit ng iba pang tali kung kinakailangan.

Pang-anim na hakbang , Balutin ng papel de hapon o cellophane ang balangkas ng parol. Gamitin ang iyong imahinasyon at pagiging malikhain para mapaganda ang iyong parol. Maaring lagyan ng pabitin sa baba ng iyong parol bilang palamuti upang maging mas kaayang ayang tingnan.

Larawan hango sa google/search?q=paggawa+ng+parol&client

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Unang Markahan – Ikalawang Linggo

1 2 3 4 5 6

2. Paano magluto ng adobong baboy

Komento o puna

**__________________________________________________________________________________________________


______________________________________________________________**

Suhestiyon ____________________________________________________________________________________________________

**__________________________________________________________________________________________________


________________________________________________**

Gawain 1 Pagsulat

Sa kasalukuyang panahon ay maari na tayong makipagkaibigan at makipagtalastasan kanino man, saan mang panig ng mundo basta’t mayroong koneksiyon ng internet sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa mga social network site. Paano ba ang magbukas ng account sa mga ito? Turuan nating gumamit ng social media networking site ang mga tinaguriang technophobic at mga taong hindi pa sanay gumamit ng teknolohiya. Pumili ng isang social networking site at dagdagan ng tamang mga salita o parirala ang sumusunod upang mabuo ang tekstong prosidyural na gagamitin nilang gabay.

“Ganito ang paraan upang makapagbukas ng account sa __________________________________________.

Magpunta sa ___________________________________________site.

I-click ang ________________________________________________.

I-type ang __________________________________________________.

Pagkatapos ay umisip ng _____________________________________ at i-type sa kinauukulang kahon.

I-type ang araw ng iyong kapanganakan.

Ang sumunod ay ang pagpili ng iyong _________________________________.

Sa huli ay ____________________________________________________

Hayan, maari ka nang gumamit ng _________________________________.

Pagkatapos nating talakayin ang tekstong prosidyural narito ang mga dapat mong tandaan:

 Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan.  Ang layunin nito ay makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon, hakbang o impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain na ligtas, episyente at angkop sa paraan.  May iba’t ibang uri ang tekstong prosidyural katulad ng paraan ng pagluluto, panuto, panuntunan sa mga laro, manwal, mga eksperimento at pagbibigay direksyon.  Ang tekstong prosidyural ay nahahati sa apat na pangunahing bahagi, ito ay ang layunin, mga kagamitan, hakbang o metodo at ebalwasyon.  Ang tekstong prosidyural ay kailangang malinaw, detalyado at maayos ang pagkasunod sunod ng mga hakbang nito upang madaling maunawaan ng taong magbabasa nito.

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Unang Markahan – Ikalawang Linggo

Tandaan

Pag-alam sa mga Natutuhan

Sa araw na ito ay gagamitin mo ang iyong imahinasyon bilang isang imbentor at magpapakilala ka ng iyong imbensyon.

Maari kang pumili sa alin man sa mga paksang nakalahad sa ibaba sa paglikha ng iyong

imbensiyon:

  1. Isang bagay na magagamit ng mga tao upang mapagaan ang kanilang mga gawaing bahay,
  2. Isang gadget o makina na makakatulong sa pagsugpo ng anumang klase ng krimen
  3. Isang bagay na tutulong masolusyunan ang epekto ng global warming
  4. Iba pang imbensiyong naiisip mo na makakatulong sa kasalukuyang problema ng iyong pamayanan.

Sa malinis na short bond paper ay ipapakilala mo ang iyong imbensiyon at kalakip nito ay isusulat mo rin ang isang instructional booklet o manwal kung saan nakasulat ang mga hakbang o proseso sa paggamit nito. Siguraduhing maging malinaw ang iyong paraan at wasto ang pagkasunod-

sunod upang maunawaan ng taong gagamit nito.

Gawing gabay ang rubrik sa ibaba para sa iyong isusulat na tekstong prosidyural at

gabay sa pagmamarka ng iyong gawain.

Pamantayan Puntos

Kaangkupan ng nilalaman sa paksa 10

Malinaw, maayos, detalyado ang sangkap at madaling maunawaan ang mga hakbang.

10

Gumamit ng wastong salita, bantas at gramatika. 10

Kabuuan 30

A. Tama o Mali

Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi wasto ang ipinahihiwatig nito. _____________1. Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye ng gawain upang matamo ang inaasahan. _____________2. Hindi mahalagang malinaw ang pagkakalahad ng mga hakbang na ito basta’t nasusundan. _____________3. Layunin ng tekstong prosidyural na maialok ang produktong itinitinda. _____________4. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman ng sumusulat tungkol sa ipagagawa. _____________5. Kailangang maayos at wasto ang pagkasunod-sunod ng mga hakbang nito upang sa tulong lamang ng pagbabasa, kahit walang aktuwal na demonstrasyon ay maisagawa ito.

B. Pagtukoy

Tukuyin kung ano ang ipinapahiwatig ng mga pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_________________________1. Ang tawag sa salita na naghuhudyat ng pagkasunod sunod ng isang hakbang o proseso. _________________________2. Ito ay isang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. _________________________3. Pangunahing bahagi ng tekstong propsidyural na kung saan ito ay naglalahad ng kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur. _________________________4. Ito ang nagbibigay ng ediya sa mga mambabasa kung anong bagay ang gagawin o isasakatuparan.

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Unang Markahan – Ikalawang Linggo

Pangwakas na Pagsusulit

Dayag, Alma M. (Awtor-Koordinator) at del Rosario, Mary Grace G., Pinagyamang Pluma 11 (K to 12): Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Phoenix Publishing House, Inc., 2017, mula sa pahina 71 Magpile, Christine Marie. LIRIP: Pagbasa at Pagsusuri sa Filipino tungo sa Pananaliksik. The Intelligence Publishing, Inc., 2017 mula sa pahina 31 slideshare/RainierAmparado/tekstong-prosijural literacyideas/procedural-texts/ pinoynewbie/ano-ang-tekstong-prosidyural/ wattpad/349238591-paggawa-ng-parol paano/paano-magluto-ng-adobong-baboy/

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Unang Markahan – Ikalawang Linggo

Sanggunian

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

2-Tekstong-Prosidyural Ikalawang-Modyul-1

Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 10 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
Sa paksang ito, matututuhan mo ang kahulugan,layunin, iba’t ibang uri at halimbawa ng tekstong
prosidyural. Malalaman mo rin ang apat na pangunahing bahagi ng tekstong prosidyural maging
ang karaniwang pagkakaayos o pagkakabuo nito at ang mga dapat isaalang alang sa pagbuo nito.
Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahan na malinang sa iyo ang kasanayang:
1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
(F11PS – IIIb-91).
2. Nakakasulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto
(F11PU-IIIb-89).
Halina’t alamin ang tekstong prosidyural at matutong gumawa ng sarili mong prosidyur.
Bago mo simulan ang pag-aaral sa paksang ito isantabi ang bagay na sa tingin mo ay
makasasagabal sa pag-aaaral. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Paunang Pagsubok bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
7. Sumangguni sa iyong gurong tagagabay, sakaling may malabong detalyeng hindi
maunawaan.
A. Tama o Mali
Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag. Sa puwang bago ang bilang, isulat ang T kung
tama ang mga pahayag ayon sa binasa at kung mali naman ay isulat ang M.
_________________1. Mahalagang detalyado at tiyak ang deskripsyon ng isang proseso upang
matagumpay na maisagawa ng mambabasa ang nais niyang gawin.
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Unang Markahan Ikalawang Linggo
Isinulat ni Melissa Lie C. Osias
Aralin 2: Tekstong
Prosidyural
PPTTP_ (F11PS – IIIb-91)/(F11PU-IIIb-89)
PPTTP – Grade
12
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
Paunang Pagsubok
Mga Inaasahan
Para sa mga mag-aaral

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.