Skip to document
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Bayanismo Verano PS 219

Heroism of Sumuroy and Tourism
Uploaded by:
Anonymous Student
This document has been uploaded by a student, just like you, who decided to remain anonymous.
University of the Philippines System

Comments

Please sign in or register to post comments.

Preview text

Unibersidad ng Pilipinas Diliman Campus Tri-College (College of Social Science and Philosophy, College of Arts and Letters, Asian Center)

Doctor of Philippine Studies Program

:

Pinal na Papel sa PS 219

Jay Neil G. Verano
2016 - 90535
Prof. Noel Christian Moratilla, PhD
Propesor
Ikalawang Semestre, AT 2017 -

Panimula

Ang kasaysayan o historiograpiya ay hindi naikakahon sa pagsasalaysay ng mga pangyayaring nakabatay sa panahon at mga yugto ng nakaraan. Ang pagtatampok sa mga buhay ng mga bayaning nakipaglaban para sa ikalalaya ng lahing sugatan ay nagtatanghal sa kasaysayan bilang mas makulay at makabuluhang paraan sa pagsipat sa nakalipas at paghahanap ng katuturan ng mga ito sa kasalukuyang konteksto. Ang mas malaya at inklusibong pagsasakasaysayan ng mga mahahalagang saysay ng bayan ay hindi nalilimitahan sa mga dokumentong nakalagak sa mga arkibo at hindi nakatutok sa katanyagan at impluwensiya ng mga nasa sentro. Sa ganitong pananaw, kinikilala ng mga makabagong historyador ang papel ng sining at panitikan lalung lalo na ng mga kwentong bayan bilang daluyan ng mga pamanang karanasan, pagpapahalaga, at pananaw na nakaugat sa mayaman nating kultura at tradisyon.

Ang panitikan ay nagsasalaysay ng mga karanasang bunga ng mga desisyon at pakikipagsapalaran ng tao. Ito ay isang makapangyarihang puwersa na nagpapahayag at nagpapaliwanag ng mga simula at katapusan, paglubog at paglitaw, pakikisangkot at pag-aaklas, pagkabigo at tagumpay, at mga naratibong maaring hinulma ng katotohanan o imahinasyon. Ang mga kwentong bayan, bilang mainam na daluyan ng kultura at pagkakakilanlan, ay nagsasalaysay ng mga aral at inspirasyong hindi maluluma ng paglipas ng panahon. Ang mga naratibo tungkol sa kagitingan ng ating mga bayani sa panahon ng kolonisasyon ay pagpapatunay na buhay pa rin at masigla ang oral na tradisyon sa mga kabayanan. Ito ay ang kumokumpleto sa kakulangan ng mga historikal na datos na nagpapatanyag sa mga bayaning ito – hindi lamang bilang mahalagang personalidad sa kasaysayan kundi bilang mga natatangi at dakilang bayani ng tradisyon.

Ang mga kabalbalan at kaapihan na dinanas ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamamahala ng mga Espanyol ay nagbunsod ng iba’t ibang pag-aaklas na pinamunuan ng mga matatapang nating bayani. Isa sa mga pinakauna at pinakamalaking rebolusyon na naganap noong ika -17 dantaon ay pinamunuan ni Agustin Sumoroy ng Palapag, Hilagang Samar. Ang pagtutol ni Sumoroy sa patakarang polo y servicios ng hari ng Espanya ang siyang pumukaw at nag-udyok sa mga Palapagnon at Samareño na tuluyang kumawala sa dikta ng mga mananakop. Ang kanyang pakikipaglaban at mga tagumpay ay kinikilala bilang maluwalhating yugto ng kasaysayan para sa mga Ibabaonon. 1 Sa kasalukuyan, itinuturing na bayani ng Hilagang Samar si Sumoroy ngunit hindi pa rin maipagkakaila ang kasalatan sa mga historikal na datos tungkol sa kanyang kabayanihan – dahilan kun g bakit malamlam pa rin ang pagdakila at pag-alala sa kanya. Sa kabila nito, nananatiling mayaman ang oral na tradisyon ng mga Palapagnon sa mga naratibong tumatangkilik sa kagitingan ni Sumoroy hindi lamang bilang isang lider ng rebolusyon kundi bilang isang mala-alamat at makapangyarihang nilalang.

Ang mga kwentong bayan ay sumasalamin sa lipunan at buhay ng bawat mamamayan na isinalaysay para makabuo ng isang sining at uri ng panitikan. Ito ay unibersal na pagsasalarawan sa tao at ng kanyang pagkatao at buhay. Ang mga kwentong bayan tungkol kay Sumoroy ay hindi lamang tungkol sa obhektibong pagsasalaysay ng kanyang buhay at kabayanihan kundi tumutumbok rin sa pagpapakilala sa kanya bilang tao at bayani ayon sa lente at imahinasyon ng mga tagapagsalaysay. Ang mga kwentong ito ay mahalaga sa pagbuo ng pananaw ng mga tao tungkol sa kanyang kabayanihan at ambag sa kasaysayan.

Gamit ang balangkas na ito, ang papel na ito ay nakatuon sa kabayanihan ni Sumoroy ayon sa mga kwentong bayan at ang kahalagahan nito, bilang pamanang bayan at maluwalhating yugto ng

    Ibabaonon	ang	tawag	sa	mga	taga-H ilagang	Samar.	Ang	probinsiya	ay	tinawag	na	Ibabao	sa	panahon	ng	mga	Kastila.

Caamug ng Catubig. Ang pagpatay ni Sumoroy kay Padre Miguel Ponce Barberan noong Hunyo 1649 ay siyang naging hudyat ng pag-aalsa na umabot sa iba pang bayan ng Samar at mga probinsiya ng Sorsogon, Albay, Camarines, Masbate, Leyte, Cebu, Bohol, Camiguin, Iligan, Cagayan, at Zamboanga.

Naging malaking tinik sa pamumuno ng mga Kastila ang impluwensiya at husay ni Sumo roy sa pakikipaglaban. Maraming beses na tinangka ng mga Kastila na pabagsakin ang pag-aalsa ng mga Palapagnon. Nagpadala ng mga hukbong pandagat ang kolonyal na administrasyon upang supilin si Sumoroy at ang kanyang mga tagasuporta. Nanguna sina Kapitan Gines de Roxas, Silvestre de Rochas, Francisco Ugbo, at Alonso Macon, mga Pampagos, at mga Lutao ng Zamboanga, dala-dala ang maraming sampan at caracoa, sa pagtugis sa mga rebolusyonaryo. Subalit, nanatiling malakas ang hukbo ni Sumo roy , dahilan ng kanilang pag-atras. Noong Hulyo 1650, nagtapos ang rebolusyon na pinamunuan ni Sumoroy dahil na rin sa pagtataksil ng ilan sa kanyang mga kaanib na nasilaw sa pabuya ng mga Kastila.

Ang pagpapakilalang ito kay Sumoroy sa kasaysayan ay sinusuportahan ng pag-aral ni Pinca (2000) mula sa mga sinulat nina Zaide (1994), Cruikshank (1985), Phelan (1959), Jagor (1875), at Silverio. Pinapatunayan ng kanyang pananaliksik ang naging buhay at kabayanihan ni Sumoroy bilang isa sa mga pinakaunang Pilipino na nag-aklas laban sa Espanya. Mula sa kanyang papel, maliwanang ang naging mahalagang kontribusyon at pamumuno ni Sumoroy sa pagpapahayag ng lantarang pagtututol ng mga Samareño sa kolonyal na patakaran. Ang mga tala sa kasaysayan kay Sumo roy , kahit ito ay limitado, ay maihahalintulad sa mga saysay tungkol sa iba pang bayaning unang nakipaglaban sa mga Kastila tulad nina Tamblot ng Bohol noong 1621, Bangkaw/Bancao ng Limasawa noong 1622, at Dagami ng Cebu noong 1567. Ang kanilang papel sa kasaysayan, dahil sa kakulangan ng mga siyentipiko at historikal na datos, ay hindi gaanong nabibigyan ng pansin ngunit nagkukwento pa rin ng kanilang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagrespeto at pagkakarangal sa dignidad at mga karapatan ng mga sinaunang Pilipino.

Si Sumoroy sa mga Mito at Alamat

Ang mga kwento mula sa bayan ng Palapag ay magpapatunay na para sa taong-bayan, si Sumoroy ay hindi lamang bayani ng kasaysayan, kundi isa rin mahalagang karakter sa mga mito at alamat. Ang mga naratibong ito ay isang patunay na hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling buhay ang mga kwentong bayan tungkol sa kabayanihan ni Sumoroy (Pinca 2000). Para sa mga Palapagnon, si Sumo roy ay isang higante na kayang maglakad sa karagatan at nag-iwan ng mga malalaking yapak sa mga dalampasigan ng Palapag at karatig nitong mga bayan. Kadalasan, ang kanyang pag-ihi ay nakakagawa ng mga butas o hukay at mga mumunting sapa. Siya rin ay sinasabing may taglay na kapangyarihan dahil sa kanyang agimat at mahiwagang nganga (Acquiat at Comedia 2015). Maliwananag din sa mga kwento na si Sumo roy ay isang magaling na mandaragat at mangingisda kung saan ang kanyang sibat ay sinasabing naging dahilan ng isang malaking butas sa Mayong-payong Rock Formation sa Mapanas. Karamihan din sa mga muhon at magagandang tanawin sa Hilagang Samar katulad ng isang malaking yapak ng paa sa Capul Lighthouse ay sinasabing may kaugnayan sa pambihirang lakas at kapangyarihan ni Sumo roy (Dela Cruz 2014).

Ang mga kwentong bayan, katulad ng mga historikal na datos tungkol kay Sumoroy, ay naglalahad ng kanyang pambihirang pamumuno sa pakikipaglaban laban sa mga Kastila. Bagaman ay may bahid ng imahinasyon ng mga tagapagsalaysay, hindi pa rin maipagkakaila ang pagdadakila ng mga Palpagnon sa kanilang bayani na para sa kanila ay malakas, matalino, at makapangyarihan.

Mga Kwentong Bayan: Bahagi ng Isang Sipat sa Kasaysayan at Kultura ng Pamayanan

Ang Panitikan at ang mga Walang-Tinig sa Kasaysayan

Ang pag-aaral sa mga pag-aaklas mula sa laylayan ng lipunan Pilipino ay nanatiling hamon para sa hitoryador na Pilipino. Ang kakulangan ng mga dokumento mula sa mga arkibo at ang paglalahad mula sa perspektibong makakakanluran ay hamon sa historiograpiyang naka-angkla sa interes ng mga dayuhan. Sa ganitong sipat, responsibilidad ng historyador, mananaliksik, at manunulat ng kasaysayan na mangalap at gumamit ng mga hindi kumbensiyonal na mga materyales at suriin at ilahad na nakabatay sa historikal na metodolohiya (Tirami-Wada 1992).

Ang panitikan, sa mga pagkakataong kapos ang siyentipikong sipat sa at paglalahad ng kasaysayan, ay maituturing na epektibong daluyan ng mga naratibong nagtatanghal ng mga bayani at mahahalagang indibiduwal na obscured, inarticulate, at silences ng kasaysayan at biktima ng historiograpiyang nakalubog sa sentro at katanyagan (Maceda 1996). Ang muling pagbuhay sa mga kwento tungkol sa mga bayaning tila nakalimutan na ng panahon ay pagpupunyagi tungo sa inaasam na paglaya ng mga naisantabing indibiduwal mula sa kawalang-tinig sa kasaysayan. Ito ay laban sa tradisyunal na pananalambuhay na may tendensiyang elitist sa pamamagitan ng paglabas sa mga namamayaning panuntunan na nagkakahon sa talambuhay bilang buhay ng mga tanyag at makapangyarihan lamang (Javar 2006). Isang natatanging halimbawa ay ang pagsusuri sa panulaan ni Benigno Ramos sa konteksto ng lipunan Pilipino sa kanyang panahon na matagumay na nagpakilala sa kanya hindi lamang bilang isang politikal na lider kundi isang manunula at mahalagang personalidad sa panitikan (Tolentino 1980). Ang mga kwentong bayan tungkol kay Sumo roy , katulad ng panulaan ni Ramos na naglahad hindi lamang ng kanyang personal na buhay kundi pati na rin ng mga ipinaglalaban ng partido Sakdalista, ay mabisang paraan upang mailahad ang kanyang kabayanihan at papel sa kasaysayan sa kabila ng kasalatan sa historikal na datos tungkol sa kanya.

Mga Kwentong Bayan at ang Kasaysayan

Ang mga kwentong bayan ay nagpapahayag kung paano ipinapaliwanag ng ating mga ninuno ang kanilang mga karanasan, pangamba, sentimyento, damdamin, at pag-asa. Ang mga rebelasyong ito ay nagpapatunay ng panlipunang kaayusan sa kanilang panahon at ang kanilang paraan ng pagdadalumat sa mga natural na mga pangyayari bago pa man ang siyensiya. Ito ay nagiging daan para mas maunawaan natin ang kanilang buhay at tradisyon na mahalagang sandigan ng kasalukuyang lipunan at kutura (Lopez 2006).

Ang oral na panitikan lalung lalu na ang mga kwentong bayan ay may historikal na dimensiyon at ang siyensiya sa likod ng mga kwentong bayan ay isang historikal na disiplina. Ang historikal na mga pag-aaral sa mga oral na tradisyon ay nagpapakita ng mga pagbabagong nagaganap sa mga luma o naunang bersiyon ng mga kwentong bayan sa ilalaim ng mga bagong historikal na kondisyon, dahilang ng pag-usbong ng mga pagbabago sa mga kwento (Propp sa akda ni Liberman 1997). Ang mga namanang kwentong bayan ay maaring lumabag sa mga pagbabago sa istruktura o sa mga pag- unlad ng kasalukuyang sistema ng lipunan kaya maaring ang dating sagrado ay maging mapanganib at malahalimaw na naratibo. Para sa mga makabagong historyador, ang mga oral na tradisyon tulad ng mga kwentong bayan, bagama’t may bahid ng pantasya at imahinasyon, ay nagbibigay ng mga konseptong magpapaliwanang ng mga katutubong pananaw at tindig sa mga makasaysayang pangyayari at ng mga pagbabagong naganap base sa istrukturang panlipunan ng bawat yugto ng kasaysayan.

Mula sa mga pag-aaral ni Manuel (1975) at Eugenio (1982), ang mga heroic narratives sa Pilipinas ay makikita sa oral na tradisyon ng mga Kristiyano, pagano, at Muslim. Ang mga naratibong ito ay mahahaba, oral o pasalita, patula, kinakanta o inaawit, nakatuon sa mga nakakamanghang mga pangyayaring naglalahad ng kapangyarihan, mahika, at kagitingan ng isang bayani, at tumatalakay sa

at Volpe 2012). Sa papel na ito, ang pagbuo sa konsepto ng kabayanihan at kadakilaan ni Sumuroy, na kinakailangang muling buhayin at pasiglahin para sa kasalukuyan at mga susunod na henerasyon, ay batay sa mga nailipat na kaalaman at paniniwalang hango sa lipunan, kultura, at kasaysayan ng taong- bayan sa pamamagitan ng mga kwentong-bayan. Pinagtitibay pa ito ng Geertz interpretivism and thick description na kinikilala ang mga mananaliksik bilang tagapagsalin at tagapagpaliwanag ng kultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasalawaran sa mga pagpapahalaga, paniniwala, at mga aksiyon sa loob ng isang grupo, lipunan at organisasyon (Tracy 2013). Ang kabayanihan ni Sumoroy ay masusing binuo at ipinakilala batay sa interpretasyon ng mananaliksik sa pagpapakahulugan at pagpapahalaga ng taong-bayan sa kadakilaan ni Sumuroy na naisalaysay sa kanilang mga kwentong- bayan.

Pinapahalagahan rin ng papel na ito ang mga teoryang pampanitikan katulad ng Taine’s moment-milieu-race na nagsasabing ang panitikan ay repleksiyon at produkto ng panahon at ng mga pangyayari sa panahong ito ay naisulat (Maramba 1990). Ang produksiyong pampanitikan, ang mga kwentong-bayan tungkol kay Sumo roy , ay tinitingnan sa pamamagitan ng historikal na dulog kung saan mas nauunawaan ng mga mambabasa o tagapakinig ang mga naratibo at mas napag-aaralan ang mga elemento kung kalian at saan ito naisulat na maaring iba sa mga lantarang nakasulat o naisalaysay. Ang mga kwentong bayan na ito ay may mga paksang nakaugat sa realidad ngunit binabago at nababago ayon sa konteksto ng panahon. Ayon pa nga sa Mimesis at Classicism ni Plato at Aristotle, ang panitikan ay imitasyon ng buhay. Subalit, ang imitasyong ito ay hindi lantaran o lubusang nilalahad ang kabuuan ng mga pangyayari subalit binabago at nababago ayon sa pagkamalikhain, karanasan, at pinaniniwalaan ng mga tagapagsalaysay (dela Rosa 2000). Ang panitikan bilang isang sining ay ang muling pagbuo at pagsasalaysay kung ano ang matatagpuan sa realidad. Ang ating mga nababasa ay batay sa mga katotohanan ng buhay ngunit ito ay dumadaan sa malikhaing proseso ng tagapagsalaysay at manunulat na hinahayaan tayong tingnan ang naiiba o maaring ibang sipat sa realidad. Ito ay nagpapatunay na ang panitikan ay correctly-formed of art. Ang paksa ng realidad ay dumadaan sa malikhaing-isip ng manunulat at tagapagsalaysay na ito ay nagiging ganap na mas masining na produksiyon keysa sa orihinal na anyo. Ito ay nagpapaliwanag sa mga pagbabagong dinagdag ng mga tagapagsalaysay sa kanilang mga kwento tungkol kay Sumo roy na maaring iba o may pagkaka-iba sa mga historikal na datos mula sa mga historyador. Pinagtitibay nito na ang kalagayan ng lipunan at realidad ng panahon at ang pagiging malikhain ng tagapagsalaysay at manunulat ay nagiging mahalagang bahagi ng kabuuan ng katha. Si Sumoroy ay makatotohanang paksa ng kasaysayan subalit naging isang mala-alamat na karakter sa mga kwentong bayan na bunga ng imahinasyon ng mga tagapagsalaysay. Ang konseptong ito ay mahalaga sa pag-unawa sa pamana ng kabayanihan at mga pagpapahalaga ni Sumo roy na isinalaysay ng mga naratibo.

Ang mga kwentong bayan na ginamit sa papel na ito ay nagsasalaysay ng mga tuwiran at malinaw na pagsasalarawan sa mga pakikibaka ni Sumo roy. Dahil dito, isinaalang-alang rin ng pag- aaral ito ang teoryang formalistic na nagsasaad na ang panitikan ay isang natatanging uri ng kaalaman na kinakailangang suriin gamit ang sarili nitong teksto (Kennedy at Goia 1995). Ang dulog na ito ay ginamit sa pagsusuri ng mga katangian at pagpapahalaga ni Sumoroy at iba pang repleksiyong kultural mula sa mismong teksto ng mga naratibo. Gumamit ng mga textual reference ang mananaliksik para suportahan ang mga naitalang mga katangian at pagpapahalaga.

Mahalaga rin sa papel na ito ang New Growth Theory na nagsasaad na ang pag-unlad sa ekonomiya ay hindi nadadaan sa pagdaragdag ng kapital kundi ito ay mula sa mga inobasyon at mga bagong ideya. Isinusulong ng teoryang ito ang paggamit ng sining, kultura, at kasaysayan sa pagpapasigla ng ekonomiya ng isang bansa (The Arts, New Growth Theory, and Economic Development 2012). Ang mga programa at proyektong pangturismong iuugat sa mga kwentong bayan, kultura, at kasaysayan ay mahalaga sa pagsulong ng turismo at kaunlaran sa Palapag at Hilagang Samar.

Metodo at Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito isang pagsusuring tekstwal sa mga kwentong bayan tungkol sa kabayanihan ni Sumoroy. Nakatuon ang pagsusuri sa mga pamanang katangian at pagpapahalaga ni Sumo roy bilang isang bayani, ang uri ng pamumuhay at kultura ng mga Palapagnon, at ang mga makasaysayan at magagandang pook at lugar na nabanggit sa mga naratibo. Saklaw din ng pag-aaral ang pagbuo ng mga konsepto ng mga panturismong programa at proyekto para sa bayan ng Palapag batay sa pagsusuring ginawa. Itinampok at sinuri ng papel na ito ang 15 na mga kuwentong bayang nagsasalaysay sa buhay at kabayanihan ni Sumoroy na nakalap at naitala mula sa iba’t ibang barangay ng Palapag (Tingnan sa Apendiks 1).

(1) An Tinamakan sa Libas/ Ang mga Bakas ng Paa sa Libas (2) An Pagtilais san Bato sa Dapdap/ Ang Matalim na Bato sa Dapdap (3) Sa Kanya Pagraya/ Sa Kanyang Pangingisda (4) An mga Tul-an sa Mapanas/ Ang mga Buto sa Mapanas (5) An Bantugan nga Tawo/ Ang Kilalang Tao (6) Dagku gud nga Siki/ Malalaking mga Paa (7) An Ginbalayan/ Ang Tirahan (8) Maram-an/ Ang Nganga (9) Baraka an Naraya/ Ang Nahuling Baraka (10) An Ayam ng Ataman/ Ang Alagang Aso (11) An Paglata san Utod nga Ulo/ Ang Pagsasalita ng Pugot na Ulo (12) Unum Kadupa an Likos/ Anim na Metro ang Haba (13) Si Sumoroy, An Taga-Palapag/ Si Sumoroy ng Palapag (14) An Sungkod ug Sadok/ Ang Tungkod at ang Salakot (15) Napo, An Bag-o nga Kasili/ Napo, Ang Bagong Kasili

Ang mga ito ay isinalin mula sa wikang Waray patungong Filipino para sa mas ikakaunawa ng mga mambabasa.

Ang Mga Inpormante/ Tagapagsalaysay

Ang mga naratibong ito ay mula sa mga inpormante/tagapagsalaysay na naninirahan sa iba’t ibang barangay ng Palapag. Sila ay nakapasa sa test of folkoloricity ayon sa mga patnubay ni Damiana Eugenio. Ang mga inpormante ay nasa 60 taong gulang o mas matanda pa, hindi makakalimutin, hindi nakapagbakasyon sa ibang lugar ng mahigit sa isang buwan, hindi gaanong naimpluwensiyahan ng teknolohiya at midya, at hindi nakapag-aral o di kaya ay hindi dapat lalagpas sa ikatlong baitang (Tingnan sa Apendiks 2).

Susbaranan 2 : Mga Katangian at Pagpapahalagang Taglay ni Sumoroy

Ang karakter, mga katangian at pagpapahalaga ni Sumoroy, ay batay sa mga kuwentong bayang nagsasalaysay sa kanyang kabayanihan. Ito ay kinuha at sinuri para mas maintindihan ang kanyang mahalagang papel sa kasaysayan at tradisyon bilang bayani at sinaunang Pilipino.

Ang Palapag ay kilala bilang isa sa mga unang hugpungan ng Kristiyanismo sa Kabisayaan. Naging bahagi ito ng ruta ng kalakalang galyon at naging sentro ng kolonyal na pamamahala sa Samar. Ang lokasyon ng bayan na nakaharap sa Pasipiko at ang mga kabundukan sa kalupaan nito ay naging

2 Ang salitang Waray na susbaranan ay nangangahulugang modelo o inspirasyon.

dulot ng kanyang mga natatanging estratehiya sa pakikipaglaban kung saan matalino niyang ginamit ang kanyang kaligiran at kapaligiran para mapagtagumpayan ang kanyang laban.

Isinasalaysay din ng mga naratibo ang ilang mga katangiang nagtatampok kay Sumoroy bilang isang mala-alamat at makapangyarihang nilalang - higante, may taglay na pambihirang lakas, at may kakayahang malaman ang mangyayari sa hinaharap.

Halos lahat ng mga naratibo ay nagsasabing nabuhay bilang isang higante si Sumoroy. Ang mga naglalalakihang butas sa mga dalampasigan at mga kakaibang hugis at tulis ng rock formations sa Palapag ay sinasabing dulot ng mga bakas ng kanyang mga paa, puwersang dulot ng kanyang pag- ihi, at pagsasabit ng mga naglalakihang lambat. Nagamit din niya ang kanyang laki sa pangingisda sapagkat hindi na niya kinakailangang sumakay sa bangka dahil pinaniniwalaang hanggang tuhod lamang ang lalim ng karagatan kung ikukumpara sa kanyang laki. Subalit, mapapansin sa mga naratibo na ang kanyang pagiging higante ay hindi niya nagamit sa pakikipaglaban kundi sa pangingisda lamang o sa mga pagkakataong kinakailangan niyang tulungan ang kanyang asawa. Ito ay marahil na rin sa taliwas ito sa kanyang imahe bilang isang mandirigmang magaling magtago at mabilis sumalakay sa kalaban. Isa rin sa mga kuwentong naitampok ang nagsasalaysay na si Sumoroy ay isang maliit na tao lamang at ang kanyang pambihirang paglaki ay dahil lamang sa kapangyarihan ng kanyang anting-anting. Minsan nga ay ginamit niya ito para mapalaki ang kanyang ari at gawing tulay ng mga nais tumawid sa ilog.

Bilang isang madirigma at rebolusyonaryo, naging bentaha ni Sumoroy ang kanyang pambihirang lakas na pinaniniwalaang galing sa kanyang anting-anting at iba pang gamit tulad ng salakot, tungkod, at gulok. Malinaw sa mga naratibo na naging madali sa kanya na paikutin at paglaruan ang mga kalaban dahil sa kanyang mahika at lakas na taglay. Subalit, mapapansin na ang lakas at mahika na ito ay hindi natural sa kanya at dala lamang ng kanyang mga mahihiwagang sandata at kagamitan.

Bagamat marami ang bersiyon tungkol sa pagpanaw ni Sumoroy, malinaw na ito ay dahil sa pagtatraydor ng kanyang bayaw. May mga kuwentong nagsasabing pinugutan siya ng ulo ng kanyang bayaw habang naghahanda ng makakain samantalang may mga naratibo ding nagsasalaysay na ang pagpugot ay naganap habang siya ay ginugupitan ng buhok. Iba-iba rin ang kuwento tungkol sa sinapit ng kanyang bayaw matapos niyang ipagkalulò sa mga kalaban si Sumoroy – may mga naratibong nagsasaad na nakuha nito ang premyong salapi samantala ang iba ay nagsasalaysay na siya ay naloko at pinagtawanan lamang ng mga Kastila. Ang hiwaga at gahum ni Sumoroy sa mga kuwento ay dala niya hanggang sa kanyang pagkatalo. Ang pugot niyang ulo ay nakakapagsalita pa rin at may kakayahang magbigay ng propesiya. Ang ulo ng isang mahalagang tao, kung saan makikita ang utak na simbolo ng talino at mga mata na sagisag ng hiraya at pananaw, ay naging lunsaran ng mga pangitaing susi sa kapalaran ng bayan ng Palapag na may kaugnayan sa kanyang pagkawala.

Sa kabuuan, ang mga pagsasalarawan at pagpapahalagang ito ay pagpapatunay na si Sumuroy, bilang isang bayani, ay parehong may mga katangian ng isang normal at makapangyarihang nilalang.

Talahanayan 1 Mga Katangian at Pagpapahalaga ni Sumoroy Ayon sa mga Kwentong Bayan

Katangian/ Pagpapahalaga

Teksto (Waray at Filipino)

Matalino Pero duon san kanya dalan, nausok sin puti nga kinakaluan san kanya kalo o

Bago tunguhin ang daan papuntang Maparaan bayan, gumagawa muna siya ng isang

ginkikinumaw an puti nga gin-usok duon sa Kasili.

Makuan, mag-utod-utod sin lawaan nga tuog duon siton nga agian, ngan pinanhigtan iton ngadto ngan ginbabalabag, kay pag-aabot kay padayun na ngadto an mga Kakatsilaan pagkakasagka, tabtab, ligis it ngadto.

  • An Bantugan nga Tawo

Dikan magkasagka sira ngadto sa kagurangan, hataas! Magkaraingin sira didto. Nagpulod sira sin kahoy nga gidadakui, tuog nga unum kadupa an likos. Isus pigri na iton ngadto nga mga Ispanyol. – Unom Kadupa an Likos

pigurang parang tao na gawa sa kawayan at kanyang salakot o sombrero at inilalagay sa Kasili. Kapag nagpupumilit ang mga Kastila na akyatin ang Kasili, pinapagulong ni Sumo roy ang mga malalaking kahoy na sumasagasa sa mga kalaban.

  • Ang Kilalang Tao

Kasama ang kanyang mga kakampi, umaakyat si Sumoroy sa bundok para kumuha ng mga toog (punong kahoy) na may anim na metro ang laki at haba at pinapagulong pababa para matalo ang mga kalaban. – Anim na Metro ang Haba

Matapang Matibay ang Loob

Si Sumoroy nagkadto it san Kasili. Kay may ngane sit nagkadto nga mga Ispanyol, gintatabtab la an kahoy dikan palido ngadto sa ilarum. – Si Sumoroy, An Taga-Palapag

Nakadto it (nga Sumoroy) sa Bubuyaon, dikan linugsad it siya tipakanhi kay geyra adto san mga Ispanyol.

An kanya man gamit, sus! Kay an sungkod nane, ambot kun nahingain, mao man la it an itinutuwal niya in nag- aaraway na sira. – An Sungkod ug Sadok

Si Sumoroy ay nasa Kasili. Kapag may pumupuntang Kastila doon, nagpuputol lang siya ng kahoy at pinapagulong pababa dahilan kung bakit natatalo ang mga kalaban. - Si Sumoroy ng Palapag

Bumaba si Sumoroy mula sa Bubuyaon patungong bayan para makipaglaban sa mga Kastila.

Walang ibang gamit si Sumoroy kundi ang kanyang tungkod at salakot. – Ang Tungkod at Salakot

Dalubhasa (mangingisda, mangangaso, at mandirigma)

Kay isdaun man sadto, pagkakakuan, rumaya na, butungun na. Sus! An isda gulpi. - Sa Kanya Pagraya

Ngan naruyag ngani iton mandakop isda nga dagko, nanraraya, ngan nakakadakop sin mga Baraka. – Baraka an Naraya

Sus kay nakadakop sin baboy, bagaw sit nga bayaw, “hala pagharing kay pag- iihawun tah an baboy,” didto la sira sa kagurangan – An Bantugan nga Tawo

Palaging marami ang nadadakip na isda ni Sumuroy kapag inaahon na niya ang lambat mula sa tubig. - Sa Kanyang Pangingisda

Kung gusto niya makahuli ng malalaking isda, agad siyang nangingisda at nakakahuli ng Baraka. – Ang Nahuling Baraka

Bilang isang magiting na mangangaso, sumama si Sumoroy at agad nakahuli ng baboy-ramo. Inutusan niya si Sumoroy na gumawa ng apoy gamit ang dalawang bato. – Ang Kilalang Tao

Mga dungganan sadto an mga tawo kay nanraraya ngani it si Sumoroy, an lawod patuhod la! Higante! - An mga Tul-an sa Mapanas

Hanggang tuhod lang ang lalim ng karagatan kay Sumoroy. Isa talaga siyang higante. - Ang mga Buto sa Mapanas

Pambihirang lakas

Pag-abot didto sa Catubig, liningkod siya didto sa buwang. Iton nga kanya siki gin-ulang an darampug, basta kay pag-aagi sit nga darampug, waray gud man it kahalin nga siki. – Dagku gud nga Siki

An inihian siton luho sa Malubago. – Maram-an

Ang alam ko lang ay kapag pumupunta sila sa Catubig, umuupo lang siya sa tabi ng ilog habang ginagamit niya ang kanyang mga paa para mabara ang mga malalaking punong tinatangay ng malakas na agos ng tubig lalu na kung baha. – Malalaking mga Paa

Nakagawa ng isang hukay o butas si Sumoroy sa Malubago dahil lamang sa pag-ihi.- Ang Nganga

Kakayahang malaman ang hinaharap

Duon siton, naglata it nga ulo siton tigikan na an barko, “yana kay iyo man ak ginpatay, titikangan ko an akon taghoy dinhi, an tubtuban san akon taghoy mao an Manila. Manunga kay Manila nait dinhi, iyo ak pagpatayun.” Sige an sakay sa barko, sige man an taghoy siton nga ulo, nganan, “inin dihan na an Manila.” Mao nait, siya siton an nagngaran san Manila. Kay kun waray papataya an Sumoroy, in dinhi na an Manila nga Samar. – An Bantugan nga Tawo

Bagaw san ginlalata (siton nga ulo), “kun wuray ak niyo pag-awa-I, maging syudad an Palapag.” Syudad ta man pero kay ditoy la. – An Paglata san Utod nga Ulo

Biglang nagsalita ang ulo ni Sumo roy at sinambit na, “dahil pinatay niyo ako, magsisimula ang aking pagsipol hanggang Maynila, sayang, ang Palapag na sana ang Maynila, pero hindi na ito mangyayari sapagkat pinatay niyo na ako.” Habang nasa barko, patuloy na sumisipol ang ulo ni Sumoroy. Nang dumaong ang barko, sinambit nito na, “dito ang Maynila”, at dahil dito, sinasabi na siya ang unang nagpangalan sa Maynila. Kung hindi lang sana pinatay si Sumoroy, maunlad sana ngayon ang Samar. – Ang Kilalang Tao

Pinaniniwalaan na nagsalita ang pugot na ulo ni Sumoroy, “Kung hindi ninyo ako pinatay, magiging maunlad na siyudad ang Palapag.” Bilang parusa sa kataksilan, nananatiling maliit na bayan ang Palapag. – Ang Pagsasalita ng Pugot na Ulo

Bantugan 3 : Ang Pamumuhay at Kultura ng mga Palapagnon

Ang mga kwentong bayan tungkol kay Sumo roy ay hindi lamang nagsasalaysay ng kanyang kabayanihan at mga pakikipaglaban. Ang buhay ni Sumoroy sa kanyang panahon ay nagsasalarawan ng uri ng pamumuhay at ng mga pamanang kultura at tradisyon na hanggang sa ngayon ay taal pa rin sa mga Palapagnon.

3 Ang salitang Waray na bantugan ay nangangahulugang kilala o tanyag.

Ang Simpleng Buhay at ang Biyaya Mula sa Kalikasan

Ang Palapag ay kilala bilang isa sa mga unang hugpungan ng Kristiyanismo sa Kabisayaan. Naging bahagi ito ng ruta ng kalakalang galyon at naging sentro ng kolonyal na pamamahala sa Samar. Ang lokasyon ng bayan na nakaharap sa Pasipiko at ang mga kabundukan sa kalupaan nito ay naging mainam para sa pangingisda at mga trabaho sa bukid. Mababatid sa mga kwentong bayan tungkol kay Sumuroy ang pangingisda bilang isa sa mga ikinabubuhay ng mga Palapagnon.

Si Sumoroy mismo ay sinasabing isang mahusay na mandaragat o mangingisda na dumadayo pa sa ibang mga isla at bayan ng Samar para makahuli. Mapapansin rin sa mga naratibo ang mga mabatong dalampasigan ng bayan na naging saksi sa simpleng pamumuhay ng mga Palapagnon. Mayaman rin ang bayan sa mga kabundukan at iba pang yamang-lupa na malaki ang naging tulong hindi lamang sa kanilang kabuhayan kundi pati na rin sa pag-aaklas ni Sumoroy. Ang pagiging dalubhasa ni Sumo roy sa terrain o pisikal na katangian o kapaligiran ng bayan ay nakatulong sa kanya para makapagtago at madaling salakayin ang mga kalaban. Bagama’t simple ang pamumuhay, masasalamin sa mga kwento ang mga biyayang dala ng kalikasan sa mga Palapagnon.

Ang Pagpapahalaga sa Pamilya

Isa sa mga kultura at aral na lumilitaw sa mga kwento ay ang pagpapahalaga ng mga Palapagnon sa pamilya lalung lalo na sa mga magulang. Ang kaugaliang ito ay likas na sa lahing Pilipino at pinapahalagan mismo ng bayaning si Sumo roy. Isa sa mga pangunahing dahilan ng pag- aaklas ay ang patakarang polo y servicio na sapilitang magpapadala ng mga kalalakihang trabahador na Palpagnon sa paggawaan ng barko sa Cavite. Ang polisiyang ito ay agad na tinutulan ng mga mga Palapagnon sa pamumuno ni Sumoroy sapagkat sila ay mahihiwalay sa kanilang mga pamilya. Bilang mga haligi ng tahanan, kinikilala ng mga lalaking Palapagnon ang kanilang papel sa pagbuo at paghubog ng pamilya. Malinaw rin ang pagmamahal ni Sumuroy sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagsunod nito sa mga utos ng kanyang amang babaylan at ang lubos na pagdadalumhati nito sa pagkawala ng kanyang ina. Nailahad din ng mga naratibo ang pagmamahal at pag-aalaga ni Sumo roy sa kanyang asawa na palagi niyang kasama at inaalalayan sa buhay.

Subalit, hindi rin pwedeng isantabi ang katraydoran ng bayaw ni Sumo roy na nasilaw sa salapi at kapangyarihan na naging dahilan ng pagbagsak ng rebolusyon at kamatayan ng bayani. Malinaw sa halimbawang ito ang masamang impluwensiyang naidulot ng mga Kastila sa mga sinaunang pamilyang Pilipino.

Ang mga Kasiyahan at Inuman

Simple ang pamumuhay ng mga Waray subalit hanggang sa kasalukuyan, mahilig sa inuman at kasiyahan ang mga taga-Samar. Ang mga kwentong bayan tungkol kay Sumo roy ay naglalahad ng pagkahilig ng mga sinaunang Palapagnon sa mga kasiyahan at inuman lalung lalo na sa mga kalalakihan. Ang palagiang paglalasing ni Sumo roy bago makipaglaban ay maaring isa sa kanyang mga paraan upang kumuha ng tapang at tibay ng loob sa pakikipaglaban sa mga Kastila. Hanggang sa kasalukuyan, likas pa rin sa mga mangingisda at mambubukid ang inuman at iba pang anyo ng kasiyahan bago at matapos ang pagtatrabaho lalung lalo na sa panahon ng mahabang paglalakbay sa dagat o ng anihan.

Bagama’t hindi na ginagawa sa kasalukuyan, ang pag-aalay ng mga pagkain at inumin at ang pagsasaya para sa pagsamba sa mga anito na isinalaysay sa isang kwentong itinampok ay napalitan na

sinaunang Palagnon ang kanilang terrain bilang isang estratehiya sa pag-aalsa. Ito ay naging pangunahing dahilan kung bakit nahirapan ang mga Kastila sa pagsugpo sa rebolusyon at kinakailangan pa nilang silawin ng salapi at kapangyarihan ang ilang kasapi ng himagsikan para makuha at mapatay lamang si Sumo roy.

Mga Sitio at Iba pang Pook na Nabanggit

May mga sitio rin na nabanggit tulad ng Dapdap, Libas, at Malobago samantalang kasama rin sa naratibo ang ibang malalapit na bayan ng Catubig, Gamay, at Mapanas. Ang mga pangalan ng mga sitiong nabanggit ay halaw sa mga punong-kahoy sapagkat sa panahong iyon, ginagamit ang pangalan ng mga punong-kahoy bilang tagpuan ng mga tao. Ang pagbanggit rin ng mga kalapit bayan ng Palapag ay pagpapatunay sa lawak ng impluwensiya at koneksiyon ni Sumo roy sa iba pang lugar sa Ibabaw. May mga nabanggit ding mga lugar na hindi na ginagamit ang pangalan o hindi na matagpuan sa kasalukuyan tulad ng Kagumalhon, Kasili at Tandanan sa Mapanas.

Talahanayan 2

Mga Makasaysayang Pook at Magagandang Tanawin na Nabanggit sa mga Kwentong Bayan

Pook/ Lugar Pamagat ng Kwento kung Saan Nabanggit

Kasalukuyang Lokasyon/ Deskripsiyon

Banyadero Si Sumoroy ng Palapag Ito ay isang sapa na malapit sa Brgy at Laniwan na ginagawang labahan ng mga residente. Noong panahon ng mga Kastila, ito ay sinasabing duongan ng mga pari sapagkat mataas pa ang tubig nito sa panahong iyon. Sa kwento, dito hinugasan ng bayaw ni Sumo roy ang kanyang itak na ginamit niya sa pagpugot ng ulo ng bayani.

Batag Ang Nahuling Baraka Ang isla ng Batag ay isa sa mga makasaysayang lugar sa Hilagang Samar. Itinayo dito ang isang parola na naging gabay ng mga sasakyang pandagat sa panahon ng kolonisasyon. Sa kasalukuyan, nanatiling atraksyon ang parola samantalang sinasabing ito ay isa sa mga naging lugar-pangisdaan ni Sumoroy.

Bubuyaon Ang Kilalang Tao at Ang Tungkod at ang Salakot

Ang Bubuyaon ay isang patag sa itaas ng isang matirik na bundok sa Palapag. Sa lugar na ito nagsisimula ang ilog ng Palapag samantalang ginamit itong kuta ng pangkat ni Sumo roy.

Cabariwan Si Sumoroy ng Palapag Ang Cabariwan ay isa sa mga barangay ng Palapag na malapit sa ilog at kung saan matatagpuan ang Banyadero.

Cabatuan Malalaking mga Paa, Ang Tirahan, Ang Nganga, at Ang Nahuling Baraka

Ito ay isang barangay sa Palapag na malapit sa dalampasigan. Makikita dito ang ilan sa mga magagandang rock formations sa Palapag.

Catubig Malalaking mga Paa Ito ay isa rin sa mga sentro ng Kristiyanismo sa panahong kolonyal.

Dapdap Ang Matalim na Bato sa Dapdap

Ito ay isang sitio sa Cabatuan na malapit sa dagat. Ang Dapdap ay isang uri ng punong-kahoy. Noong unang panahon, ginagamit ang mga punong-kahoy para gawing tagpuan ng mga tao.

Gamay Ang mga Buto sa Mapanas

Ito ay isang kalapit na bayan ng Palapag na nakaharap din sa Pasipiko.

Kagumalhon Malalaking mga Paa Ayon sa kwento, ito ay isang mabatong lugar sa dalampasigan ng Palapag. Subalit, wala nang nakakaalam sa kasalukuyan ng eksaktong lokasyon ng lugar na ito.

Kasili Ang Kilalang Tao, Si Sumo roy ng Palapag, Ang Tungkod at ang Salakot, at Napo, Ang Bagong Kasili

Ito ay ang dating pangalan ng Napo. Dito palaging nagaganap ang pakikipaglaban ni Sumo roy sa mga Kastila.

Libas Ang mga Bakas ng Paa sa Libas at Ang mga Buto ng Tao sa Mapanas

Ito ay isang sitio na malapit sa dagat. Ang Libas ay isang uri ng punong-kahoy. Noong unang panahon, ginagamit ang mga punong-kahoy para gawing tagpuan ng mga tao.

Liug-liug Sa Kanyang Pangingisda at Ang mga Buto ng Tao sa Mapanas

Ito ay isang rock formation sa Cabatuan kung saan palaging isinasabit ni Sumo roy ang kanyang lambat.

Malubago/ Malobago

Ang Nganga Ito ay isang sitio sa Brgy. Nipa.

May Sug-ang Sa Kanyang Pangingisda

Ito ay isang rock formation sa Cabatuan na binubuo ng tatlong malalaking bato (hugis tripod) kung saan palaging isinasabit ni Sumo roy ang kanyang lambat.

Nagbobtac Ang Nahuling Baraka Isang barangay sa Palapag na malapit sa kabundukan at kagubatan.

Napo Napo, Ang Bagong Kasili

Ito ay barangay na malapit sa ilog. Ito ang tinaguriang bagong Kasili.

Nipa Ang mga Buto ng Tao sa Mapanas at Ang Nahuling Baraka

Ito ay isang barangay sa Palapag na malapit sa dalampasigan.

Pangpang Ang Alagang Aso Ito ay isang barangay sa Palapag na malapit sa dalampasigan at nagsisilbing bukanan ng ilog.

Epiko ni Sumoroy (Isang Dula/ Pagtatanghal)

Mula sa mga historikal na datos at mga kwentong bayan kay Sumo roy, maaring gumawa ng isang pagtatanghal tungkol sa buhay at kabayanihan ng bayani. Ito ay maaring maging proyekto ng Palapag Municipal Arts and Culture Office na puwedeng itanghal hindi lamang sa Palapag kundi pati na rin sa iba’t ibang lugar sa bansa. Sa pamamagitan nito, mas maipakikilala ng mga Palapagnon si Sumo roy at ang kanyang mahalagang papel sa kasaysayan. Isa rin itong paraan para maipamalas ang galing nga mga Palapagnon sa pag-arte at ang mayamang kultura ng bayan.

Sumoroy Festival

Ang pagkakaroon ng festival na iniaalay sa kabayanihan ni Sumoroy ay maaring naiiba sa buong kapuluan. Karamihan sa mga festivals sa bansa ay tungkol sa mga hayop, pangunahing produkto, at mga santo ng mga kabayanan. Ang festival tungkol kay Sumoroy ay maaring sumentro sa kanyang kabayanihan, sa kanyang pagiging higante o di kaya ay sa kanyang pagiging mahusay na mangingisda. Maari rin itong gawing fluvial festival.

Pag-akyat ng Bundok/ Camping/ Mountain Exploration

Ang kabundukan ng Palapag ay isa sa mga pinakamalawak at pinakamaganda sa Hilagang Samar na nailahad din sa mga kwentong bayan tungkol kay Sumo roy. Noong 2017, na-organisa ang pinakaunang Mountain Exploration/ Camping sa kabundukan ng Palapag sa ilalim ng isang pribadong grupo ng mga mountain climbers o hikers. Mas mainam sana na ito ay gawing isang pormal na proyekto ng Palapag Tourism Office sa pakikipagtulungan ng naturang organisasyon. Mas mapapangalagaan ang natural na yaman ng kabundukan at kagubatan ng Palapag kung may kontrol ang lokal na pamahalaan sa ganitong mga gawain.

Mga Yapak ni Sumoroy/ Sumoroy Trail

Isa sa mga pangunahing isinasalaysay ng mga kwentong bayan ay ang mga yapak ni Sumoroy sa iba’t ibang barangay sa Palapag. Ang proyektong ito ay isang tour o paglalakbay sa iba’t ibang barangay ng Palapag na maaring simulan sa sentro patungong kabundukan hanggang sa mga dalampasigan ng Palapag. Ang paglalakbay ay mabisa kung gagawing educational trip.

Historikal na Paglalakbay/ Historical Trip

Bukod sa mga magagandang tanawin, marami rin ang mga makasaysayang lugar sa Palapag. Ang isang historikal na paglalakbay ay maaraing magtampok sa simbahan ng Palapag, sa mga lumang kalye at gusali, kasama na rin ang mga lugar kung saan nakipaglaban ang puwersa ni Sumo roy laban sa mga Kastila.

Muling Paghahanap sa Anting-anting, Tungkod, at Salakot: Paglilibot sa mga Isla at Rock Formations

Naging mahiwaga naman ang mga naratibo ni Sumoroy dahil sa kanyang anting-anting, tungkod, at salakot na hanggan sa ngayon, ayon sa mga kwento, ay pinaghahanap pa rin ng mga bandido. Ang proyektong ito ay babaybay sa mga isla, dalampasigan, at rock formations na nabanggit sa mga kuwento. Para mas interesante, maari iton gawing laro o treasure hunting ng mga magbabarkda o pamilya sa ilalim ng mga mapagkakatiwalaang gabay.

Kauswagan 6 : Ang mga Pamana ni Sumoroy at ang Diskurso ng Kaunlaran

Si Agustin Sumuroy ay isa sa mga pinakaunang naglunsad ng pag-aaklas laban sa mapang-api at mapang-abusong pamamalakad ng kolonyal na pamahalaan. Siya ay nabuhay bago pa man maging tanyag at naging maimpluwensiya si Jose Rizal at iwinagayway ni Andres Bonifacio ang bandila ng Katipunan. Ang kanyang tapang at galing sa pamumuno ay nakilala sa pagyakap ng mga Pilipino sa kanyang sinimulang pag-aaklas hindi lamang sa Samar kundi pati na rin sa iba pang kapuluan na umabot pa sa Luzon at Mindanao. Subalit, ang kasalatan sa mga arkibong dokumento tungkol sa kanyang buhay at pakikipaglaban at ang historiograpiyang nakatuon sa sentro ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit malamlam ang pagkilala at pagtanggap ng mga Pilipino lalung lalo na ng bagong henerasyon sa kanyang kadakilaan at papel sa kasaysayan.

Ang kasalatang ito ay pinupunan ng mayamang oral na tradisyon ng Hilagang Samar lalung lalo na ang mga kwentong bayan tungkol sa kanyang kabayanihan na hanggang sa ngayon ay naririnig pa rin sa bayan ng Palapag. Ito ay pagpapatunay na si Sumoroy ay hindi lamang bayani sa kasaysayan kundi bayani rin ng kultura at tradisyon at sa ganitong pagpapahalaga, ang kanyang pakikipaglaban ay maituturing na pamanang-bayan at maluwalhating yugto ng nakaraan ng Palapag. Sa pagbibigay katuturan sa kanyang mga naratibo sa konteksto ng kaunlaran, hindi maipagkakaila ang potensiyal ng mga kwentong bayan bilang hugpungan o haligi ng iba’t ibang programa at proyektong pang- edukasyon at panturismo. Ang mga kwentong bayan ay hindi lamang salamin sa kultura at kasaysayan ng isang bayan – ito ay mga pamanang may katuturan sa pagsulong ng mga adyendang bumabaktas sa isang mahabang lakaran tungo sa kaunlaran.

Mga Sanggunian

Acquiat, Stefano at Hope Comedia. 2015. The untold historical and mythical tales of Agustin Sumo roy. AB Literature and Language Teaching Tesis, University of Eastern Philippines.

Bloomberg, Linda Dale at Marie Volpe. 2012. Completing you qualitative dissertation: a roadmap from beginning to end. California, USA: SAGE Publications, Inc.

János Csapó. 2012. The role and importance of cultural tourism in modern tourism industry in Strategies for tourism industry - Micro and macro perspectives.

De la Cruz, Mio G. 2014. Northern Samar our home. Quezon City: Write It Right Editorial and Publ ishing.

Dela Rosa, Lydia PE. 2000. A guide in literary criticism. An unpublished handout/monograph. University of Eastern Philippines.

Eugenio Damiana. 1982. Philippine folklore: An anthology. Quezon City: UP Press.

Hermosa, Nemah N. 1997. Nurturing the heroic impulse through children’s literature in linking literacy and history, (ed.) Nemah N. Hermosa. Quezon City: Reading Association of the Philippines.

Ismagilovaa, Gulnara, Lenar Safiullina, and Ilshat Gafurova. 2015. Using historical heritage as a factor in tourism development. Elsevier Ltd/ Procedia - Social and Behavioral Sciences. ac- cdn.com/S1877042815021485/1-s2 -S1877042815021485-main?_tid=c04d301e-3ed1-11e7-

6 Ang salitang Waray na kauswagan ay nangangahalugang kaunlaran.

Was this document helpful?
This is a Premium Document. Some documents on Studocu are Premium. Upgrade to Premium to unlock it.

Bayanismo Verano PS 219

Was this document helpful?

This is a preview

Do you want full access? Go Premium and unlock all 31 pages
  • Access to all documents

  • Get Unlimited Downloads

  • Improve your grades

Upload

Share your documents to unlock

Already Premium?
!
!
1!
Unibersidad ng Pilipinas
Diliman!Campus!
Tri-College
(College!of!Social!Science!and!Philosophy,!College!of!Arts!and!Letters,!Asian!Center)!
Doctor of Philippine Studies Program
!
!
:
Pinal na Papel sa PS 219
Jay Neil G. Verano
2016 - 90535
Prof. Noel Christian Moratilla, PhD
Propesor
Ikalawang Semestre, AT 2017-2018

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.

Why is this page out of focus?

This is a Premium document. Become Premium to read the whole document.